Nitong mga nagdaang araw marami nang nababalitaang namamatay, alam ko naman kung bakit, pero sino ba ang pumapatay? Iisang tao lang ba o iba't ibang tao? Kahit naman ako papatay makuha lang ang bagay na iyon, lahat kaya ay hinahangad yun
Muli akong tumagay ng isa pang alak. Nakaisang dosena na ako pero hindi pa ako nalalasing. Actually mga isang daang baso ako bago malasing
Hinawakan ko ang dual blade ko. Ito ang espada ko. Ang espada ang nagtatayong lakas namin kumbaga ito ang buhay namin ng mga nilalang dito sa mundo. Lahat ng lakas namin ay pwede naming iipon sa sandata namin kung saan makakalikha kami ng malakas na enerhiya. Ang espada ang mahika namin
"Ay makatulog na nga!" Sabi ko at naginat habang naglalakad. Pinatunog ko rin ang mga buto ko. Nagupa ako ng kwarto dito sa tavern
I lay down and gazing outside the window. I'm sleepy that's why i closed my eyes and decided to sleep waiting to have a dream
Hating gabi na nang maalimpungatan ako dahil may naramdaman akong nagmamasid sa akin habang natutulog. Nang maimulat ko ang mata ko ay bigla niyang tinakpan ang bibig ko
Dahil sa gulat ay nasipa ko siya tagiliran at inupuan ang tiyan niya habang nasa leeg niya ang siko ko
"Why are you like this? Sul.." Fornlax said
Forn is my sime boyfriend althought we do share kissed but doesn't mean we do share body, eventually sex is for marriage and we haven't do that yet. We are not boyfriend but we have mutual understanding
"Forn why the hell you are here?" I said. He smirk and leaned towards me as he kiss fastly
"I have news the suzerain is back", as he said that my eyes widened and my mouth is have shaped O. He crossed his arms as he looked at me. "You don't have words to say?" He said as he touch my lips
"What words should i say?" I said. He shook
"I think you must come to meeting, he have something tell to you", ano naman kayang sasabihin sa akin ng suzerain na iyon?
Ang suzerain ay siya ang pinuno namin o leading man sa grupo namin. Sabihin na lang natin may pagkabaliw siya magdesisyon pero matalino siya at lahat ng plano niya ay umaayon
"What?"
"Sa tingin ko lang naman dahil hinahanap ka niya" sabi nito. Bakit naman niya ako hahanapin at anong dahilan?
"Okay when the meeting starts?" I said and he smiled
"Tomorrow, may oras ka pa sige bye" sabi nito at tumalon sa bintana. Napailing na lang ako. Nagunat ako atsaka natulog muli
Kinaumagahan ay lumabas ako ng tavern medyo tanghali na ako nagising dahil sa hangover medyo sumusuka rin ako. Naparami ata yung inom ko pero hindi naman ako nalalasing
Where is Forn? Hindi man lang ako sunduin? Nakakatampo ang lalaking yun no?
Napahinto naman ako nang may dumaan na sedan chair at nakaupo doon ang isang lalaki na may cloth sa bibig. Sa tantiya ko ay kaedad ko lang siya. Napacross arms ako at tumabi
How does a young lord have doing here?
May bigla namang batang nadapa sa paa ng isang tagabitbit ng sedan kung kaya muntikan ng matumba ang sedan dahil tumagilid ito
"Young lord pasensiya na po! Ayos lang po ba kayo? May bata kasing palaboy-argh!"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang sipain siya ng young lord sa tiyan kaya tumilapon ito. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa nangyari. Lumapit pa ito sa batang lalaki at hinila ang buhok kaya napasinghap ang lahat nang nakakita
"Hindi mo ba ako nakita kung kaya ikaw ay ginawa iyon?" Sabi ng young lord sa umiiyak na bata. Hinila niya ito patayo gamit ang buhok. Panay naman ang iyak nung bata. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung tatanga tanga, isa kang hangal upang humarang sa dinaraanan ko! Hindi mo yata ako kilala hindi ba?"
"Young lord pagpasensiyahan niyo po, wag niyo po akong saktan" sabi ng bata and as he pleading mercy
"Oo nga naman baka hindi mo pa alam na pumapatol ako sa bata" nagbluff siyang sasampalin niya ang batang lalaki kaya yung bata ay napapikit. "Pasalamat ka mabait pa ako sa lagay na ito, nasaan ang iyong ina?"
"Young lord pasensiya na sa ginawa ng aking anak!" Sabi ng ina nito
Isang sampal ang natamo ng ina ng batang lalaki kaya halos tumilapon ang ina nito, mula iyon sa young lord. Natahimik ang paligid at tanging umalingawngaw lang ang malakas nitong sampal. "Hindi mo ata alam na pumapatol rin ako sa babae! Hindi mo ba nadesiplina ang iyong anak pwes ikaw ang dedesiplinahin ko!" Sabi nito at akmang sasampalin ulit ang ina ng bata kaya pumagitna na ako
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya. "Sumusobra ka na ata young lord", sabi ko. Hinila niya ang kamay niya mula sa akin
"Sino ka para hawakan ang malinis kong kamay ng iyong maruming kamay?"
Aba at sumusobra na siya ha?
"Para sabihin ko sayo na kakatapos ko lang dumumi gusto mong amuyin?" Sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw ba ay nadesiplina ng iyong ina? Kung makapangaral ka akala mo hindi masama ang iyong ugali!" Sabi ko pa
"Ako ay wala ng ina at wag mong questionin ang pagpapalaki sa akin dahil ang buhay ko ay nasa itaas kaysa sa mga mababang tulad mo" sabi nito at sumakay ulit sa sedan chair
I gritted my teeth dahil sa inis. I despise him! He's arrogant. Ang sama pa ng ugali. Oo mayaman nga siya, hindi siya nabubuhay tulad namin pero sino siya para husgahan kaming mga mahihirap? Tama bang sabihan kaming mababa? Kung mababa kami may dangal naman kami pero.. pero bakit ba ako nagagalit eh hindi naman ako mahirap?
Madali na lang ako pumunta sa hall ng mansyon ng suzerain. Pagkarating ko doon ay umuwi na sila. Tapos na ba ang meeting? Was the meeting ended early? Kung sabagay tinanghali na ako ng gising. Nagunat na lang ako at pumunta sa chamber ng suzerain
"Nasaan na ba si Lienaisul?" The suzerain asked. He with his daughter and Fornlax
"Sinabi ko na sa kanya na pinapapunta mo siya rito ngunit hindi na nakakapagtaka iyon dahil lagi naman siyang nalelate" sabi ni Forn
Sinabi niya ba sa akin na pinapunta ako ng suzerain dito?
"Hanapin mo nga siya"
"Bakit ano bang kailangan mo sa akin?" Bagot kong sabi habang kinikitkit ang kuko ko at pinapatunog ang batok ko
"Bakit ngayon ka lang dumating? Anong oras na?"
"Pasensiya naman Suzerain kasi minsan nalelate talaga ako"
"Anong minsan? Always kaya!" Sabi ng anak nito na si Sofeshes at inirapan pa ako
Aba at hangal ang babaeng ito! Tama bang tarayan ako? Kung sabagay maganda naman siya pero mas lamang naman ako. Wala siyang karapatan na tarayan ako dahil mas maganda ako sa kanya. Ang mas maganda lang dapat ang magtataray at yung nasapawan ang dapat tumabi
"Kilala mo ba ang anak ni lord Crowne?"
"Sino naman yun?"
"Bago ko sabihin ipapaalam ko muna ang dapat mong gawin" he said that's why my eyes intently looked at his eyes
"Kailangan mong paibigin ang anak nito na si Geddaiphe Crowne"
"Ano?" Gulat kong sabi at napatingin kay Forn. "Bakit ko naman gagawin iyon? Tumingin ka hindi mo ba naisip na baka may nobyo na ako?"
"I don't care" sabi ng suzerain. What the hell ang sarap niyang sampalin. I don't care daw? Ang sarap isampal sa kanya yun! "Wala akong pake kung ayaw mo man o gusto mo dahil ito ay utos mula sa akin"
"Ano! Utos? Teka bakit ko naman siya paiibigin? Ano bang pinaplano mo?"
"Father would say that you have to earn his heart, madali naman sayo yun dahil maganda ka" singit ni Sofeshes. Magpapasalamat ba ako dahil sinabihan niya ako ng maganda?
"Ikaw ba ang kinakausap ko? Singit ka ng singit wala naman kwenta ang sinasabi mo" sabi ko at tinarayan siya
"Tumigil na kayo! Lienaisul isa sa mga plano ko yun, nasayo nakasalalay ang plano kaya dapat ikaw ay magwagi" the suzerain said
"May kinalaman ba ito sa longevity fruits?" I asked. He nod. Ang longevity fruits kung saan pinagaagawan ito at marami ng buhay ang nasawi dahil dito
"Magbihis alipin ka dahil ibebenta kita sa kanila pagkatapos magmanman ka roon at lahat ng mga nalalaman nila ay sasabihin mo sa amin dahil ang grupo niya ay hinahanap rin ang longevity fruits at may pagasang makuha nila yun"
"Ano? Magbihis alipin! Ganoon na ba kababa ang tingin mo sa akin para ipagawa sa akin yun?", Natahimik siya sa sinabi ko
Bigla silang natahimik nang magsalita si Fornlax
"Sul, gawin mo na yun" singit ni Forn kaya napasama ang tingin ko sa kanya. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya
"Forn paiibigin ko siya kaya may tyansang gagawin namin yun, ayos lang ba sayo yun?"
"Ano namang masama doon aber?" Singit ni Sofeshes. Siya ba kinakausap ko kainis siya
"Lienaisul this is an order! Kung ayaw mo man gagawin mo pa rin tapos na tayo dito magsiuwi na kayo" sabi ng suzerain at lumabas ng chamber niya
Aba't siya pa ang may ganang magwalkout! Ang kapal! Ano niya ako anak na para utusan lang ang dapat gawin at sino naman si Geddaiphe? Siguraduhin niyang gwapo yun ha?
Nagwalk out na rin ako pero sumunod sa akin si Fornlax! "Alam mo na ba ito simula pa lang?" Sabi ko kay Forn. He shrug
"Ano bang alam ko sa iniisip ng suzerain na yun? Utos niya ito at kailangan mong sundin" sabi nito at nagwalkout
Aba ang kakapal ng mga tao dito! Ang kapal magwalk out sa harap ko! Inunahan ako. Lumapit naman sa akin si Sofeshes at inarapan ako saka nagwalkout kaya napainis na lang ako
Nandito ako sa rooftop ng mansyon ng suzerain at nagtatabako. Dito nakakarelax ako hindi yung parang pagaari ako na pwedeng utos utusan. Naiinis rin ako sa kanila lalo na kay Forn na parang pinagtulakan pa ako
Totoo ba ang pagmamahal niya sa akin? Has his love for me was real? Para kasing hindi niya ako mahal, halik lang ba ang gusto niya sa akin? Kahit wala pang nangyayari sa amin? Kasi kung may nangyari man sa amin iisipin ko na katawan lang ang habol niya?
Muli humithit pa ako ng tabako at ibinuga ito, gumawa ako ng usok and it's formed into heart shape. This is getting heart break at bukas na ako ibebenta bilang alipin
Nang dumilim na ay pumunta ako sa silid ko at nahiga. Pinatunog ko rin ang mga buto ko sa daliri at tuminghaya. Sanay akong matulog ng ganito. Sana naman dalawin ako ni Fornlax dito kahit ayaw ko siyang makita!
Nandito ako sa market at nakadamit pangalipin. Yung lumang dress na punit punit pa! Naiiyak na lang ako sa sarili ko. Katabi ko si Forn na halos hindi makatingin sa akin. Ayan ang pangit ko na!
"Maganda ka pa rin" bulong ni Forn sa akin kaya napangiti ako. Siguro nahalata niyang kinamumuhian ko ang itsura ko ngayon
Kung pwede lang ihinto ang oras kasama siya gagawin ko pero mahal ko ba talaga siya? Malamang diba?
May lumapit namang varlet sa amin at binigay ang pouch ng pera kay Fornlax at sinabi pang sumunod ako sa kanya. Sa huling sandali ay lumingon ako kay Forn. Namamaalam ang tingin kong yun, siguro dito na kami magtatapos. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit sinunod ko ang utos ng suzerain na yun, pwede naman akong tumanggi pero wala na akong magawa dahil kahit ayaw ko man susunod pa rin ako sa utos niya
Ilang beses pa akong nakatulog habang nasa karwahe. Medyo malayo pala ang mansyon nila dahil ilang bayan na ang nadaanan namin. Pinili ko na lang matulog ulit
"Tayo ay nakarating na sa destinasyon natin kung kaya ikaw ay gumising na riyan"
Nandito na ba kami? Naginat ako atsaka lumabas at sumilip sa mansyon. Oo nga't napakalaki ng mansyon at ang harap nito ay hardin ng mga lavender. Tapos ang likuran ay palayan kung saan sa dulo ay mga alagang hayop. Teka farm ba ito? Mukhang malayo sa kabihasnan!
Pumasok na kami sa loob. Para lang akong langgam sa malaking bahay dahil ang laki nito at limang palapag. Umalis na yung lalaking varlet at dumiritso naman sa akin yung punong alipin at tinitigan ang itsura ko. "Napakagandang bata" sabi ng matandang to. "Nais mo bang umalis sa pagiging alipin?"
"Kapag may magtanong sayo na gusto mong umalis sa pagiging alipin ang sabihin mo ay WAG!"
"Ha bakit suzerain?"
"Dahil baka gagawin ka nilang babae ni lord Crowne, tandaan mo dapat doon ka lang sa anak nito",
Baka ito na yun? Gusto niya ba akong maging babae ng matandang yun? Pwes ayaw ko! "Ayaw ko! Mas magandang pagsilbihan ng wasto ang mayari sa akin, hindi yung paraan sa pagiging marumi" sabi ko at nginitian siya. Napatango naman siya. Naglakad na ako papasok sa dirty kitchen
"Sabing ikaw na lang ang magdadala doon"
"Hindi ayaw ko siya na lang!"
"Ayaw ko siya na lang" sabi ng isa at tinuro ako. Yan ang naabutan ko dito. Lumapit sila sa akin
"Bago ka dito?" Sabi nila sa akin. Tumango naman ako. "Pwes magbihis ka na roon at dalahin mo ito kay young lord"
"Bakit naman ako ang magdadala?"
"Aba't sumasagot ka pa ha? Alipin ka kaya ikaw ang magdadala niyan", talaga lang ha? Sinusubukan talaga nila ako. Henead to foot ko siya kaya halata ang pagkaasar niya
"Ikaw? Hindi ka ba alipin?" Nangaasar kong sabi. Akmang sasampalin na ako ng kontrabidang ito pero hinawakan ito ng isa pang babae
"Sumunod ka na lang kung ayaw mong saktan ka ni Davina, ikaw ang bagong salta dito kaya sundin mo ang mga sinasabi namin", sabi nito at umalis sa harapan ko. As if naman takot ako sa kanila no? Eh kung pagsasamahin hindi nila ako kaya!
"Dalahin mo ba iyan?" Tanong ng punong alipin. May pinakita siyang dress ng pang katulong, katulad nung nakita ko sa tatlong alipin kanina. "Suotin mo ito" sabi nito at binigay sa akin ang puting dress na may kwelyo. Maganda naman pala ang mga damit nila dito
Nang magbihis ay dinala ko na ang pagkain sa kwarto ng young lord. Pinagtanong ko pa ito sa punong alipin. Palagay ko mawawala ako dito dahil ang laki ng bahay nila. Kumatok na ako sa pinto at saka binuksan
Isang lalaki ang nakaupo sa upuan na pang class talaga. Hindi ko talaga mapigilan mamangha! Tapos ang laki pa ng kwarto niya, sa harap ng kama ay mga shelves na libro ilang pagitan tapos sa gitna ay mesa niya at pang class na upuan at nakatalikod siya kung saan nakaharap sa glass wall. Siguro tantiya ko narito na rin sa loob ng kwarto niya ang banyo
Napahinto ang pagsalo niya ng maliit na bola saka mabilis na humarap sa akin at tinapon sa akin ang bola kaya naman mabilis kong iniwasan ang bola
Hah! Akala niya hindi ako sanay sa pakikipaglaban ha? Flexible rin ang body ko kaya nailagan ko agad
Bigla akong natigilan sa mukha niya
Teka? Siya ba ang young lord na anak ng lord Crowne? Yung mukhang yun ay hindi ko makakalimutan dahil sa panliliit at pambabastos niya sa mga mahihirap. "Hindi ba't aking sinabi na ang ayaw ko sa lahat ay yung wala pa akong sinasabi ngunit binuksan na agad ang pinto? Isa ka bang hangal?" Sabi nito. So siya pala si Geddaiphe. Ang makapal at walang hiyang tao! Pero teka kumatok naman ako ha?
"Hangal? Ikaw meron ba nun?", Halata naman ang inis sa mukha niya at pinagpag pa ang kamay. Ano? Balak niya akong sampalin?
"Ang kapal ng mukha mo mababang uri na pagsabihan ako ng ganoon, hindi mo ba alam na ano ka sa lugar na ito?"
"Alam ko! Alipin" mataray kong sabi. Wala na bagsak na ako sa mission
"Alam mo naman pala! Hindi mo ba alam na pumapatol ako sa mababang uring tulad mo?" Sabi nito at niready na ang kamay. Hinawakan ko ang kamay niya kaya hinila niya ito pero hindi ko binibitawan
"Hindi mo ba ako naaalala young master?"
"Kanina ko pa naalala kung sino ka! Ngunit ang kapal naman ng iyong mukha upang magpakita pa sa akin"
Siya ba talaga ang paiibigin ko? Napakasama mg ugali! Talaga bang makukuha ko ang puso niya eh mukhang ang hirap naman
"Wala yan sa kakapalan ng mukha kundi nasa damdamin yan", aba kailan pa ako naging makata? Napakunot naman ang noo niya
"Hoy kasumpa sumpang babae wag ka ng magpakita ulit sa akin kundi masasapak kita" sabi nito at binangga ang balikat ko
Aba at sumasapak pala siya ng babae! Tapos tinawag niya pa akong kasumpang sumpang babae? Nakakaasar siya! Nakakagigil!
Pagkabalik ko sa kusina ay nagkukulitan ang tatlo, ang isa si Davina at yung dalawa ay hindi ko pa kilala. Napatingin sila sa pagkain na dala ko. "Kahit maganda siya mukhang hindi pa rin natanggap ni young lord"
"You are right Felle" sabi ng isa pang babae sa mahinhin na dalagita
"Sa ganda niyong iyan posibleng di kayo naging babae ng lord" sabi ko. Nagulat naman sila sa sinabi ko
"Magdahan dahan ka nga! Hindi mo ba alam na oras na nakasiping na ng lord ang isang babae ay pinapatay niya na ito, like father like son" sa sinabing niyang iyon ay nagtawanan silang tatlo
"Eshia manahimik ka nga baka ikaw ay marinig ng varlet nila" suway ng punong alipin. "Ako na lang ang magdadala nito sa young lord kaya wag niyo ng pagusapan ang ama niya", sabi nito at umalis kasama ang pagkain
Lumapit naman sa akin si Eshia at Felle. "Sabihin mo nga ano bang nangyari? Paano ka ba napagalitan?" Tila tuwang sabi ni Eshia
"Oo nga sabihin mo" mahinhing sabi ni Felle at napapalakpak pa
"Hoy kasumpa sumpang babae wag ka ng ulit magpakita sa akin kundi masasapak kita" sabi ko kaya natigilan sila. I smiled. "Yun ang sinabi niya" i added
Nagtawanan naman sila. "Akala ko talaga kami ang sinabihan mo kundi masasapak ka rin namin at dahil tanggap na kita ay sumali ka na sa pagkakaibigan namin" sabi ni Eshia
"Oo nga nakakatawa ka at the same time nakakatakot" sabi naman ni Felle at pumalakpak pa
"Ano Davina tanggap mo ba siya?" Tanong ni Eshia
"Oo nga Davina tanggapin mo na! The more the merrier!" Sabat naman ni Felle
"Okay in ka na sa group pero wag mong isipin na pantay ang tingin ko sayo" sabi nito at naglakad sa faucet at naghugas ng plato
"Ganyan talaga si Davina hayaan mo na" sabi ni Felle
Ngayon makikipagkaibigan ba ako sa mga katulong tulad nila? Kung sabagay tinapon na ako ni suzerain kaya katulong na rin ako. Pero wala naman masama makipagkaibigan sa kanila diba? Pero all this life wala naman akong kaibigan kaya hanggang plastic na lang sila