webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
50 Chs

Finding Stealer 4

Nang makarating ako sa school ay bumati ako sa mga guards and janitors na makakasalubong ko. Lagi ko naman itong ginagawa eh.

Pumasok na ako sa classroom at sinalpak ang earphone ko. As usual.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Iniisip ko kung sino ang kumuha ng letters ko at paano ito nawala. Sigurado akong hindi iyon basta-basta mawawala at kung tatlo man ang nahulog ay dapat makikita ko 'yon agad.

Napatingin ako sa labas ng classrooom ng maramdaman kong may tao roon. Ngumiti ito at pumasok sa loob.

Inilayo ko ang paningin ko sa lalaking umupo sa tabi ko. Siya kaya ang kumuha ng letters ko?

"Limuel..."

"Yes?" He smile.

"Ah.. wala..."

"Ano nga?"

"Wala." Sabi ko at tinanggal ang earphone sa bag ko.

Mag-ccr muna ako. Kapag balik ko ay titignan ko agad ang bag ko para malaman kung siya nga ang kumukuha ng letters ko.

Tumayo ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Bakit nga?" Makikita sa mukha niya ang kuryusidad.

"Wala." Tinabig ko ang kamay niya at mabilis na umalis.

Hindi ko na siya binalingan ng tingin at naglakad na palayo sa room. Wala pang masyadong tao sa school. Nag-uwian na rin kasi ang ibang mga estudyante.

Habang naglalakad papuntang cr ay nakita ko si sir Paul. Bigla akong kinabahan.

Naalala ko na naman 'yong ginawa niya kaya tumalikod ako at naglakad pabalik sa classroom.

Malalaki man at mabibilis ang mga hakbang ko ay naabutan pa rin niya ako.

"Ange!" Hinawakan niya ang braso ko. Marahang humarap ako sa kanya.

"Bakit po, sir?" Bakas man ang takot sa boses ko ay hindi ko pa rin pinahalatang natatakot ako.

Siguro may phobia na rin ako sa mga lalaki.

"Gusto ko lang humingi ng pasensya dahil sa inakto ko no'ng pumunta ako sa bahay niyo. I'm sorry for making you cry...." Mula sa pagkakahawak niya sa braso ay bumaba ito sa mga palad ko, "I'm sorry If I scare you." Ngumiti siya. He look so sincere.

"Wala po 'yon, sir." Walang ekspresyon kong saad. Ayaw kong makita niyang okay na sa 'kin 'yong ginawa niya.

Mukha kasi siyang anghel. Ang sincere at genuine pa ng boses niya. Sino ba ang hindi mapapatawad ang gano'ng tao.

Pero siyempre, hindi pa rin ako dapat magtiwala sa mga lalaki. Kapag nalaman nilang may tiwala na tayo sa kanila, ite-take advantage nila 'yong feelings natin.

That's how boys play.

At kapag nakipaglaro ka sa kanila, baka matalo ka. Kaya, hangga't maari dapat neutral lang ipakita natin sa kanila.

"Please forgive me for scaring you. I won't do that again, I'm sorry."

"I will forgive you but can you do me a favor?"

"What favor?"

"Layuan mo na po ako. Please, sir..."

"What? I can't do that!" Sa gulat niya ay binitawan niya ang kamay ko. Medyo nasaktan pa ako dahil medyo malakas ang pagtapon niya sa kamay ko.

Ayaw ko man dahil medyo nahuhulog na ako sa kanya. Siya lang kasi 'yong alam kong makakaintindi sa 'kin. Siya lang 'yong nakinig sa 'kin no'ng panahong gusto kong mapakinggan.

Ayaw ko ring maattach siya sa 'kin o ako sa kanya dahil wala namang patutunguhan 'yon.

"No, I'm sorry. Pero hindi kita kayang hayaan na lang. Alam ko pinagdadaanan mo. Alam ko lahat."

"No, sir. Alam mo 'yong iilan sa pinagdadaanan ko pero hindi po lahat."

"Alam ko..." Napatungo siya, "And I'm sorry for that."

Nag-ring na ang bell kaya kahit ayaw ko siyang iwan ay naglakad na ako patungo sa classroom.

Nakokonsensya ako. Ano ba 'tong ginawa ko? Gusto niya lang naman akong tulungan eh.

Dali-dali akong naglakad papuntang classroom. Sana wala pa ang mga classmates ko. Lagi naman silang late kaya sana talaga.

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko.

Nang marinig ang boses ng mga classmates ko sa taas ng hallway kung nasaan ako ay binagalan ko na ang paglalakad. Kinakanta na naman nila ang pambansang kanta nila, ang aringkingking.

Ilang hakbang papasok sa classroom ay natanaw ko ang dalawang lalaking magkausap. I smell something fishy.

Lumapit ako ng kaunti para sana marinig kung anong pinag-uusapan nila ngunit mukhang naramdaman nila ang presensya ko.

Magkasabay na tinignan ako nina Gian at Limuel. Pareho silang ngumisi sa 'kin.

Umakto na lang akong parang hindi nagtangkang maki-chismis sa kung ano mang pinag-uusapan nila at nakapamulsang pumasok sa classroom.

Agad namang tumabi si Gian dahil nakaharang siya sa uupuan ko.

"Sige p're," ani Gian.

Tumango at ngumiti lang si Limuel. Alam kong may something sa dalawang 'to. Alam kong hindi naman sila close dahil basta!

Imposible namang magkakilala silang dalawa dahil ngayon ko lang sila nakitang nag-usap.

At nakwento rin nila Faith na isang beses lang umulit si Gian at last year lang 'yon. Imposible talagang nagkakilala na sila dahil ngayong taon lang kami naging same level.

Mabait si Limuel, hindi tulad nitong si Gian.

Mahiwaga talaga. Nahihiwagaan ako sa kanilang dalawa.

Nang makalabas ng room ay saktong pagpasok ng mga kaklase ko.

Tuwang-tuwa sila sa pinaggagawa nila at sobrang iingay nila. Kaya nakakatuwang maging high school eh.

Huling taon ko na 'to sa pagiging high school at sa susunod na taon, kung buhay pa ako, ay magka-college na ako.

"Ange, ano pala 'yong sasabihin mo kanina?"

Bigla kong naalala ang nawawala kong letters. Nasa kanya kaya? Kay Gian? O kay sir Paul?

Paano namang mapupunta 'yon sa kanila?

Iyon ang dapat kong alamin. Kailangan kong kumalap ng impormasyon at ebidensya upang matukoy ko kung sino ang tao sa likod ng pagkawala ng aking mga liham.

Natawa ako sa naisip ko. Para namang naging detective ako sa paghahanap ng letters ko. Pero wala akong choice kung hindi maging isang detective. Kailangan kong mahanap ang letters ko. Kailangan kong pigilan ang kung sino man ang may hawak ng letters ko na basahin ang laman no'n.

Ayaw kong makialam siya sa mga plano ko. Sa mga plano ko kung paano ko gustong tapusin ang buhay ko.

Sa plano ko, ako lang ang dapat may alam upang walang pumigil.