webnovel

EPISODE 32

"ANG KATOTOHANAN SA KANILANG PAGKAWALA(PART 2) "

THE CONTINUATION...

Nakatakdang magtungo ang grupo nila sa Dalaket, ayun na din sa utos ni Selena o Jenna sakanila upang kompletuhin ang kanilang huling misyon.

Ngunit ano kaya ang nangyari kay Selena sa huli nilang pag uusap.

Binuksan na ni Mia ang lagusan papasok ng Dalaket at sabay sabay silang pumasok doon.

Sa Dalaket...

Agad silang sinalubong ng mga engkanto na nasa pamumuno ni Mia.

Sa huling yugto ng novela, pinili ni Alpia na manirahan sa Mundo ng mga mortal kasama si Raven. Nag tungo si Alpia sa Japan habang si Raven naman ay sa bansang tsina.

Binati si Mia at Alpia ng mga engkanto.

"Mahal na Reyna mabutit nagbalik na kayo." Salubong ng lalaking dalaketnon. Na sobrang puti ng balat.

"Pansin ko lang, bakit ang gagandang nilalang nilang lahat? Ang popogi at ang gaganda nila!" Sambit ni Samantha.

Nilapitan nman sya ni Raven.

"Ganito talaga kami, ibang tawag nila sa amin ay mga taga biringan." Pagkasambit ni Raven ay biglang nagbago ang paligid at tila nasa maulad na syudad. May mga kakaibang sasakyan na lumilipad. At lahat ng makikita mo sa paligid ay sobrang liwanag.

"Mahal na reyna, at dating Reyna. Biglang sinalakay ang palasyo at natangay ng mga kakaibang nilalang ang mga mahahalagang bagay. Lalo na ang setro ng sinaunang Reyna Dasia. " Salaysay ng lalaking Dalaket.

Nang marinig nila ito ay agad silang naglaho kasama Sina Samantha. Sa isang iglap lang ay nasa loob na sila ng palasyo. Yumuko ang mga kawal kina Mia, Raven at Alpia.

"Raven puntahan mo ang silid ng mga sinaunang kagamitan sguraduhin mong nandoon ang iniwang gamit ng sinaunang reyna!" Utos ni Mia. Agad namang nagtungo soon si Raven sa silid na sinasabi ni Mia.

"Mahal na reyna, kelangan na nating tugisin ang mga tulisan." Dagdag nasabi ni Mia at nakatingin ito Kay Alpia.

"Masama ito kelangan nating maibigay kay Samantha ang palaso ng mandirigmang Prinsesa ng dalaket. Sandali may naisip ako! Babalik lang ako!" Sabi ni Alpia.

"Saan ka pupunta Mahal na Reyna?" Tanong ni Aira.

"Sa mga kaibigan Kung sirena sa Oceana..ramdam na ng bawat mundo ang papanalasa ng mga anak ni Sitan. Kelangan kung tingnan Sina Sierra." Sagot ni Alpia at agad siyang naglaho.

Samantala sa Jamais..

Natamaan ng palaso si Selena habang nasa meditasyon pa ito. Pagkamulat ng mga mata nya ay nahuli na ng mga tauhan ni Hex Sina Tyler, Katalina at Anya. Nakatakas naman sina Jake at Theo.

"Jennaaaaa!!! " Sigaw ni Anya.

Hinugot ni Jenna ang palaso na tumama sa balikat ni Jenna.

Tiningnan ni Jenna ang lalaking nasa kanyang harapan at sabay sabing.

"Hindi kayo mananalo! Hindi ka makakalabas ng Jamais hanggat Hindi ako namamatay!" Sabi ni Jenna.

"Alam ko Selena? O Jenna ang babaeng babaylan na kumulong saking ama. Ngayon oras na para matikman mo ang paghihiganti namin." Sabi ni Hex.

Si Katalina naman ay nag usal ng isang dasal upang Hindi makalapit Sina Theo at Jake.

"Bitawan mo sya Gerald! Ako diba ang kelangan mo? Ako ang patayin mo!" Sigaw ni Anya.

"Aking Asawa? Wala kanang pakinabang saakin. Simula na sa una. Nakaplano na ang mga to. Alam Kung Isa kang Dalaket at tanging nakasaad sa propesiya. Tanging ang may dugo ni Sitan at may dugong dalaket ang makakapagpalaya sa kanya mula sa impyerno." Salaysay ni Hex.

"Walang hiya ka! Hindi ka tutulungan ng ating anak sa mga plano mo! Sasabihin ko sakanya ang lahat lahat!" Sabi ni Anya.

"Yun ay Kung makakapagsalita kapa!" Sabi ni Hex at sa isang kumpas ay naging istatwa si Anya.

Sinubukan namang kinumpas ni Tyler ang kanyang mga kamay at bigla namang naging bato rin ang mga kamay ni Tyler.

"Hindi kana makakakumpas ng mga mahika nyo! Siguradong matutuwa si Ama dito! " Sabi ni Hex.

"Sge dalhin na sila sa palasyo. At gusto ko ang estatwa ng asaawa ko ilagay mo sa koleksyon ng mga natalo ko!" Utos ni hex sa kanyang mga kawal.

Nanghihina pa din si Jenna dahil sa sugat na kanyang nakuha.

"Oo nga pala Jenna? Ang palaso na yang tumama sa katawan mo. May lason, at Hindi yan Basta lason. Lason yan galing sa Hestia. Nakipag sundo ang pinuno ng Hestia saamin. At sa pagkakaalam ko, Ang lason na Yan ay unti-unting papatay sayo. Una uubusin Ang kapangyarihan mo. At Ang huli patayin ka!" Sabi ni Hex at tumawa ito.

Habang Sina Jake Naman at Theo ay nakatingin pa din kina Katalina. Walang magawa dahil na din sa dasal na inusal ni Katalina upang Hindi sila makapasok o makalapit.

"Anong gagawin natin? Alam ko ang mahikang ito. Kay Katalina to!" Sabi ni Theo.

"Kuya, susundan natin sila. At doon natin sila ililigatas." Sabi ni Jake.

Samantala sa Dalaket,

"Naririto pa ang gintong pana ni Prinsesa Samantha. " Sabay abot ni Raven kay mia.

"Heto Samantha. Kung ikaw ay reinkarnasyon ni Prinsesa Samantha. Ikaw ang dapat humawak nito." Sabi ni Mia at iniabot nya Kay Samantha nang mahawakan ni Samantha ang palaso at Pana. Biglang nagbalik sa lalaking anyo si Samantha.

"Bat biglang nag balik sa lalaking anyo si Sam?" Sabi ni Aira.

"Yan padin ang hindi ko maipapaliwanag, tanging si Jenna lang Ang makakasagot nyan. Pero ang setro ng iyong lola. Anong gagawin nila sa setro." Sabi ni Mia.

Bumalik si Alpia at dala na nya Ang setro.

"Tinulungan ako ni Sierra! Para mabawi ito! And guess what? Wala nang mahikang taglay ang setro. Kasalukuyang tinutugis na nang aking mga sugo Ang mga nanloob sa Palasyo." Sabi ni Alpia.

"Kung ganun? Subukan mo nga Sam kung anong manyayari?" Sabi ni Xavier.

Lumapit naman si Joshua at hinawakan nya Ang kamay ni Sam sabay sabing.

"Subukan mo Mahal!"

"Nasaan ang palaso ? Bakit Pana Lang?" Tanong ni Sam.

"Dahil ang magiging palaso mo ay ang bawat enerhiya na ilalabas ng katawan mo." Sabi ni Mia.

Biglang dumating si Jake kasama si Theo.

"Kelangan ninyong tulungan si Selena. Hawak ni Hex ang nanay mo Xavier at nasa panganib ang Jamais!" Sabi ni Jake.

"Jake ikaw ba Yan?" Gulat na Sabi ni Mia.

"Mahal na Reyna kamusta.. pero di na kami mag tatagal. Kelangan ko nang sunduin ang mga guardians." Sabi ni Theo.

Hinawakan nina Theo at Jake Sina Sam. Agad namang silang naglaho sa Dalaket.

"Susundan ko sila!" Sabi ni Alpia.

"Susunod ako!" Sabi ni Raven.

Itutuloy....