webnovel

The Hidden Story Of Mysterious University

"Kasalanan ang bumuhay sayo, at kasalanan rin ang bubuhay sayo."

Yinexiyin_19 · Seram
Peringkat tidak cukup
9 Chs

Chapter 5

Nagulat na lamang kaming dalawa ng may tunog na nabuo mula sa pintuan.

Tumingin ako at nakita ko ang DarkH,Na nakatayong tunganga sa Pintuan at nakatingin saming dalawa ni Khane,Kulang na lamang ay ang planggana oh plastik para saluhin ang mga patulong  laway nila.

Nabitawan din ni Jake ang hawak nyang plastik na sa tingin ko ay may laman na pagkain.

"Oh bat parang na love at first sight mga itsura nyo dyan?" Sabi ko sa Limang toh at tumayo na rin ako sabay pamewang.

"A-ano" Tinulak ni Clark si Dwife papaharap sa amin ni Khane

"Anong ako Tol,Ikaw na!!" Parang batang pagkasabi ni Dwife at tsaka itinulak papaharap sa amin si Clark.

"B-bat ako" Pagkasabi non ni Clark ay hinila nya naman si Icel.

"Ikaw na magsabi"

"B-bat ako w-wala naman-"

"Ikaw na Icel" pagmamatigas ni Clark

"Ikaw nalang Jairro" nagmamakaawang tingin ni Icel kay Jairro

"Bat ako?"-Jairro

Napakunot naman ang noo ko sa mga toh anong problema nila at para silang mga batang nag-aaway kung sino nga ba ang mauunang mag papakita ng performance sa School.

Habang nakapamewang at nakakunot ang noo ay napatingin ako sa likuran ko na si Khane,Parang tanga lang na ngumingiti ngiti parin na tumitingin sa gilid.

" Ikaw na lang Jake kaya mo yan"Pagkasabi non ni Jairro ay tinapik nya ang balikat ni Jake.

"Palagi nalang ako,Pwede bang kayo naman?" Depensa ni Jake.

Papalit palit lamang ang tingin ko sa mga toh,Daig ko pang Cctv na todo masid talaga sa bawat kilos nila.

"Ano magtuturuan na lang ba kayo diyan?" Pagkasabi ko nun ay napatigil silang lima sa pagtuturuan.

"Ikaw na kasi Icel" Sabi ni Clark habang nagpapapadyak.

"Anong ako ikaw nalang kaya." Tugon naman ni Icel.

"Para walang away tayo nalang lahat!!" Pagkasabi non ni Jake ay nagtitigan sila lahat.

"Anong lahat?Ikaw na lang mag isa mo kaya mo yan" Pang tataboy ni Dwife kay Jake.

"Oo nga kaya mo yanJake!!" Pangchecheer up ni Jairro

"Ano ba talagang problema nyo?" Asar na pagkatanong ko sa mga toh.

"Paano ba naman kasi once in a blue moon lang tumawa si Khane pero at ngayon mukhang naputol pa namin kasiyahan nyo dahil pasulpot sulpot kami kaagad,Dapat kasi may warning dyan sa pintuan,Para kung may gagawin man kayong kababalaghan ay walang makakakita" Mabilisang pagkasabi ni Jake na dinaig pa nanay ko sa pagiging Rapper,Di naman sya nag rarap pero sa bilis ng pagsasalita nya ay masasabi ko nang nagrarap nga sya.

"Anong kababalaghan?" Pipingutin ko na sana sya ng sabay sabay silang nagsitakbuhan palabas at malakasang isinara ang pinto.

"Mga baliw." Sambit ko nalamang at tsaka binaling ulit ang tingin kay Khane.

"Baliw ka din!!" Galit na pagkasabi ko rito.

"Ano nanaman ginawa ko sayo?"Curious na tanong nito.

"Kasi para kang tangang ngumingiti ngiti diyan,Para kang adik na akala mo ay hindi naka take ng drugs one month!!" Padabog akong umupo habang nakatingin sa kaniya.

"Anong hindi naka take ng Drugs Loko ka ah!!" Parang batang pagkasabi nito.

"Eh bat ba naman kasi Para kang tangang ngumingiti ngiti diyan?"

"Natatawa kasi ako sayo "Nakangiti ito na akala mo'y may gagawing masama.

"Kung natatawa ka pala ay bat di kahumalakhak?Hindi yung tawa mo nginingiti ngiti mo!!".

Tsss,Mukha syang tanga.

" HAHAHAHAHAHAHAHA tomboy!!"Pagkasabi nya non ay akmang hahambalusin ko na sya ng unan ng bumukas nanaman ang pintuan.

"Ahhh Clark ikaw nanga magsabi" Sabay tulak nanaman ni Icel Kay Clark.

"Anong ako?ikaw unang nakapasok!" Depensa naman nito.

Lahat sila ay parang timang na nakatingin sa amin at halatang gulat.

"Tara na pala ulit dun sa labas,k-kasi may pinapagawa pang Project si ma'am Jovelyn" Pagkatapos sabihin yun ni Jake ay sabay sabay nanaman silang nagsitakbuhan matapos isarado ang pinto rinig pa yabag nang mga paa nila.

"May mga tama na nga sa utak,May halong Saltik pa ata." Napa cross arm na lang ako habang nakaupo at tumingin kay Khane na nakangiti parin habang nakatingin sa akin.

"Ngayon mo sabihing wala kang gusto sa akin?"Tanong ko rito dahilan para magbago nanaman ang emosyon nya.

" anong may gusto KA-PAL"pagkasabi nya non ay umiwas sya sa akin ng tingin.

"Sus mga galawan mo,Galawang torpe" pang-aasar ko rito.

"Torpe mukha mo"

"Correction:Mukha mo!!Kasi ikaw nga ang sinabihan ko ng Torpe at ikaw ang torpe kaya ang torpe rin rito ay ang mukha mo" Kahit di ko gets ay nakikipag bangayan parin ako rito.

"Tss."

Lumabas muna ako rito at pagkabukas ko palamang ng pintuan ay naiuntog pa ang ulo ni Clark sa akin at pati rin si Icel,Nakikinig siguro sila sa usapan namin,Napatingin naman ako sa kabilang direksyon at nakita ko sa Jairro na naka Cross arm lang at nakangisi sa akin.

"Oh?" Taas kilay kong tanong rito.

"Hehehehe" Pekeng tawa nung apat liban kay Jairro

"Papunta palang kami rito."-Icel

"Oo nga wala kaming narinig na Torpe, tas wala din kaming narinig na tinanong mo si Khane kung may gusto ba sya sayo,Inosente kami!!" Pagkasabi non ni Jake.

Ay nanlaki ang mata ko,Potaena kainin mo na ako Lupa.

"Pshhh,Kayo na nga magbantay diyan!!" Pikon na pagkasabi ko sabay turo sa kinahihigaan ni Khane.

Hindi ko na sila pinatapos mag-salita ay nagmadali na akong umalis at pumasok sa Third Subject namin,Late ako kung kaya't pagkapasok ko sa akin lahat naka baling ang tingin nila.

Yumuko ako ng kaonti,At tsaka nag excuse sa nag didiscuss at nakayuko rin ng kaonti habang naglalakad ng mabilis papunta sa upuan namin ni Aisha.

"Saan ka nanggaling?" Pambungad na tanong ni Aisha.

"Hehehehe hindi ba't pinaaabot sa akin ni Ma'am Cherry sa principal yung Files." Hindi ako makatingin sa kaniya.

"Kung ganon ay bakit kailangan ipagpaliban mo ang Second Subject natin?" Nakipagtitigan sya sa akin pero umiiwas ako dahil alam nyang nagsisinungaling ako.

"Wag ka na ngang maraming Tanong!" Inis na pagkasabi ko dito at padabog na inilabas ang notebook ko.

"Ngayon,Napatunayan ko ngang nagsisinungaling ka." Pagkasabi nya non ay inilabas nya rin ang notebook nya.

Nandito na kami ni Aisha sa room ng DarkH pero hindi parin kami nagpapansinan,Hindi din sya kumikibo habang kumakain kami at syempre hindi rin ako papatalo.

Anong akala nya special sya Dzuhh!!

"Anong sabi mo?" Taas kilay na pagkasabi nito at tsaka binaba anf kinakain nya.

"Mali ata pandinig mo sa iniisip ko" Sabi ko pero hindi sya nililingon tinutuloy ko lang ang pagkain ko para ipakita sa kanya na wala nga akong pake.

"Tss..."

"Btw,Ang ganda pala kasama ni Clark noh?Sweet,Gentleman,Caring,And Ahhh he's hot---" Nagulat na lamang ako ng padabog nyang ibinaba ang tinidor at kutsarang ginagamit nya.

"Kasama mo sya kanina?" Galit na pagkatanong nito.

"Oo sabay pa nga kamin---"isa nanamang malakas na dabog mula sa lamesa ang namutawi sa aming dalawa.

"Kung may gusto ka kay Clark,nakikiusap ako iwasan mo na lang sya Yuna,dahil hindi mo gugustuhin ang kaya kong gawin" Pagkasabi nya non ay nakita kong naging pula ang mata nya na syang ikinaistatwa ng katawan ko habang hawak parin ang tinidor at kutsara,naitigil ko rin ang pag nguya ko.

Hindi ko na rin namalayan nawala na pala sa paningin ko si Aisha,Hindi sya tao,Bakit naging ganon ang mata nya?Sino nga ba sya?Anong kailangan nya dito?.

Pinagseselos ko lamang sya dahil gusto kong hulihin kung ano nga ba ang meron sila ni Clark,Pero di ko aasahan na mas higit pa pala sa inaasahan ko ang nakita ko at ang nangyari.

"Hey"

"Hey"

"Heyyy!!"

Napatigil na lamang ako sa pag-iisip ng bumungad sa akin ang mga mukha ng DarkH andon din si Clark na naka cross arm at nakatingin rin sa akin.

"Para kang tanga na nakatulala at nakanganga diyan" Nakakunot noong pagkasabi sa akin ni Khane.

Sa halip na patulan sya ay binaling ko ang tingin ko kay Clark.

"Mag-usap tayo." Seryosong pagkasabi ko.

Napansin ko namang nagtitigan silang lahat at halatang nawiwirdohan sa akin.

Binalewala ko na lamang yun at tinignan si Clark at sinenyasan na sumama sa akin.

Nagpunta ako sa salas at ramdam ko rin naman na nakasunod na sya sa akin.

"Ano ba ang pag uu-"

"Ano si Aisha?" Galit na tanong ko rito.

"H-huh?" Pansin kong naguguluhan sya pero wala akong pake.

"Ano si Aisha?saan sya nanggaling at anong alam mo sa kanya!!!" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero parang konti nalang ay sasabog na ang galit ko dito.

"H-hindi kita maintindihan"

"Noong una ay binalewala ko na lamang ang napapansin kong kakaiba sa kanya,Pangalawa nong nalaman kong naririnig nya ang iniisip ko at ang iniisip ng iba ay binalewala ko rin,Pero sa pagkakataong ito ang makita kong naging pula ang mata nya ay isang napakalaking tanong sa utak ko?" kumalma naman ako ng kaonti at tsaka nakipagtitigan sa kanya.

"Ano nga ba talaga sya?Ano sya?At ano ka?Ano ang itinatago nyo?"Pansin kong nanginginig na rin sya sa takot at napaiwas ng tingin sa akin.

"Dapat mo na lang din balewalain ang nakita mo Yuna",Habang hindi man lang ako tinitignan nito ng sabihin nya ang katagang iyan.

"Hindi,Tama na ang dalawang pagkakataon na binalewala ko ang kakaiba sa kanya."

"Ito lang ang maari kong sabihin Yuna,Andito si Aisha para tulungan ang isang Special na tao sa buhay nya."Tumingin na sya ng diretso sa akin pero ako naman ang umiwas ng tingin.

"Kung ganon ay kilala ko na kung sino ang Special na sinasabi nya,IKAW"

Ngayon ay naging walang emosyon si Clark at diretsong tumingin sa akin.

"Kung ganon din ay nagkakamali ka."

"Bat ba kasi hindi nyo na lamang ako diretsahin?Pinapahirapan nyo akong mag-isip ng kung ano-ano!" Napapadyak na rin ako ng paa ko dahil sa inis at galit.

"Kailangan mong tunghayan ang lahat Yuna mula sa iyong sarili."Pagkasabi nya non ay tumalikod na sya umalis papalayo.

"Mula sa aking sarili?" Tinuro ko pa ang sarili ko at tsaka nag papadyak na parang bata.

Andito lamang ako sa Kusina habang iniisip ang mga pangyayari kanina,Nakaupo ako at nakadukdok din.

"H-hello anong nangyayari diyan?" Ngunit napaayos ako ng upo ng may marinig akong nagsasalita.

"Andiyan ang hinahanap namin?" Sa tingin ko ay si Dwife toh

Umalis ako sa kinauupuan ko at hinanap kung saan banda sya nakapwesto,Andun sya sa sala nakapatalikod sa akin,Kaya hindi nya din ako mapapansin.

"Sige kami na ang bahalang kuhanin yan" Pagkasabi non ni Dwifw ay patingin na sana sya sa gawi ko pero mabilisan akong nagtago sa lamesa.

Pinipigilan ko rin ang pag-hinga ko dahil ramdam kong papalapit na sya dito.

"May tao ba diyan?"

Napapikit ako sa sobrang kaba,Bat ba kasi kailangan pang mang-yari toh?

Nakita ko na rin ang paa dito ni Dwife.

Jusko wag sana akong mahuli.

Pero laking ginhawa sa akin ng mapansin kong papalayo na sya.

Sinilip ko pa sya ng kaonti pero napatago ulit ako sa pwesto ko dito.Lumabas ang lima nyang kaibigan at papalapit na sila rito.

"Tinawagan ako ni Don ang sabi nya ay nasa office daw ang Blue Folder na hinahanap natin"Rinig kong pagkasabi ni Jairro

May humila naman ng isang upuan sa gilid ko kung kaya't mas napapikit ako ng madiin,Wag ngayon please lang.

"Ngayon na ba tayo pupunta?"Tanong ni Khane.

Naramdaman ko ring tumunog ang lamesa dahil sa pitchel na nakalagay sa lamesa kanina oh baka naman may uminom lang dahil ang alam ko lang na nasa lamesa kanina ay Pitchel at isang baso.

"Pero iiwan lang ba natin sila Yuna dito?"-Dwife

"Kaya na ni Aisha yun!"Pagkasabi non ni Clark ay napakunot ang noo ko,So silang lahat ay may alam tungkol kay Aisha.

"Oo naman Tol pati siguro multo ay matatakot din sa kaniya WAHAHAHAHAHA"Tawa ni Icel

"Ouch"Daing naman nito

"Inaano ba kita?"

"Tama na yan kailangan na nating pumunta ngayon sa office mag palit na kayo nang mga damit nyo siguraduhin nyo lang na walang makakahalata sa atin"Paliwanag naman ni Jairro.

Nang mapansin kong wala na akong naririnig na ingay ay lumabas na ako sa ilalim na lamesa ngunit nanlaki ang mata ko ng makita kong pabalik ulit dito si Ano--Hindi ko na sya kilala dahil Nakatakip ang mukha nya,Napabalik tuloy ako kaagad sa lamesa,Hutek uminom lang.

Nakita ko naman ang paa nya na papaalis na kaya dahan dahan din akong lumabas sa kinalalagyan ko,Nakatalikod sya sa akin ngayon kaya sinisigurado ko na hindi nya maririnig ang yapak ko.

Pero napatago naman ako sa pader ng sunod sunod na nagsilabasan sila sa isang kwarto,Shet naman oo mapapahamak ako neto ambabagal nyong mga kupal kayo.

"Jake ikaw na bahala sa Guard ng Office,Jairro dun ka sa Cctv Ihack mo,Khane dalawa kayo ni Clark sa Office, kayo ang kukuha ng Files,Dwife tayo naman ang magbabantay kung sakaling may sasabit satin" Rinig kong paliwanag ni Icel sa mga toh,Andiyan naman na rin sila malapit sa pintuan bat di pa sila lumabas?Antagal mga kupal.

Ilang segundo ang lumipas wala na akong naririnig na ingay,Kaya dahan dahan akong sumilip.

Wala na nga sila.

Kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ipantatakip sa mukha ko kailangan ko din ng panlalaking damit para wala ring makahalata sa akin.

Pumasok ako ng dahan dahan sa kwarto namin ni Aisha pero laking gulat ko na lamang ng makita ko syang nakaupo lang sa kama na parang may malalim na iniiisip.

Dahan dahan ako nag lakad papunta sa mga lagayan ng damit.

"Saan ka pupunta sa gantong oras ng gabi?" Madiin na pagkasabi neto.

Bakit hindi ko magawang matakot sa babaeng toh?

"Magpapahangin lang" saad ko naman dito at tinuloy ang pagkakalkal sa damitan ko,Hinahanap ko yung malaking pang talukbong sa ulo ko.

"Wag ka ng mag sinungaling sa akin Yuna,Alam kong nagsisinungaling ka."

"Eh alam mo naman pala eh bat andami mong Kuda?" Napakusilap nalang ako habang naghahanap.

"Sasama ako sayo Yuna!"

Napatingin naman ako sa kaniya,Kapal din ng mukha neto eh noh?

So andito na kami ngayon ni Aisha nakatago sa basurahan malapit sa Office ,ninakaw rin namin yung ibang mga damit nila Khane,Buti na lang at alam kong magbukas ng pintong naka lock gamit ang Hair pin BWAHAHAHAHA.

Nakatakip ang mukha namin gamit ang mga T-shirt nilang malalaki,Sa tutuusin ay mukha kaming taga buhat ng hallow block dito.

Nakita namin si Jake na papalapit na sa guard,Napansin naman sya ng Guard pero bago pa maka react ang guard ay pinaamoy ni Jake yung panyo nya dito,Sa ginagawa nya ay para syang nangkikidnap.

Natumba ang katawan nito sa sahig,Shutdown.

May pampatulog pala yun.

Wow mukhang manonood ako ng Live Resbakan dito ah.

"Wag kang matuwa hindi maganda ang pakiramdam ko dito." Napatingin naman ako kay Aisha na nasa gilid ko din.

Bat kasi sinama ko pa ito.

"Wag ka ng maraming dada diyan." At dahil sa sinabi nya ay napaharap ako sa kaniya.

Hindi naman kami mapapansin dito dahil shield namin ang basurahan na malaki,Buti na nga lang at sumakkto lang sa amin ni Aisha.

"Hindi ako dumadada hindi naman yun galing sa bibig ko," Napakusilap pa ako dito,pero seryosong tingin lang ang ibinigay nya,Kahit hindi ko makita ang mukha nya dahil may takip ito ay alam kung seryoso sya.

Buti na lang din at sinuot din namin ibang damit nila Clark,Icel para kung sakaling may makakita sa amin ay iisipin nilang Lalaki kami.

Sumilip ulit ako at nakita ko si Khane na nahihirapang buksan ang pinto.

Alam kong si Khane ito kasi halata sa Height nya sya ang pinakamatangkad.

May lumapit sa kaniya at parang may sinasabi,Napakamot ulo pa si Khane at tsaka tumingin sa baba na parang may hinahanap.

Ahah!!Dahil tanga itong lalaking toh ay maaring sa kaniya yung susi na napulot namin kanina.

"Ano Aisha ibibigay ba natin?" Nakasilip na rin sya sa basurahan,Pansin kong hindi naman sa pintuan or kay Khane na demonyo sya tumitingin kundi kay Clark.

"Hindi natin yan ibibigay dahil tayo mismo ang mag bubukas,Sigurado akong hahanapin muna nila ang susi at babalik ulit diyan."Sagot naman ni Aisha tsaka hinanap ang susi sa bulsa ng pantalon na ninakaw namin kila Clark.

" Ganto Yuna uunahan natin silang kunin yung Blue Files na hinahanap nila at aalamin natin kung ano ang meron dun,Kung ano rin ang gusto nilang malaman don at kung bakit parang ang halaga sa kanila ng Blue Folder na yun".

May point naman sya eh pero para syang tanga bat di nya na lang pakinggan mga isip ng mga yan.

"Tatlo sa kanila ang may Pendant,Tanging si Clark,Jake at Dwife lang ang wala,Hindi ko naririnig ang kay Clark sa di ko alam na dahilan samantalang kay Icel ay puro walang kwenta lang ang naririnig ko,At si Dwife kaya niyang Controlin ang iniisip nya" paliwanag nya matapos makuha ang susi sa bulsa at muling sumilip nanaman.

"Pero teka alam ba ni Dwife ang tungkol sayo?".Sa kaniya ko muna binaling ang tingin ko

" Sa pagkakaalam ko ay Oo"Pagkasabi nya non ay nagulat na lamang ako ng bigla nya akong hilain papaalis sa pwesto namin.

"B-bakit?" Ang sakit ng kamay ko,Tulis pa naman ng kuko.

"Wala na sila pwede na natin buksan ang Office." Habang hinihila ako.

"Makikita tayo ni Jairro sa Cctv".

Napatigil naman sya sa panghihila sa akin at paglalakad sa sinabi ko.

"Bahala na" Pagkatapos nyang sabihin yun ay hinila nya nanaman ako dahil sa sobrang bilis nya tumakbo ay nagpatangay na lang din ako.

Tumatakbo na rin ako habang pilit na inaalis ang kamay ni Aisha.

Andito na kami sa harap ng Office,Buti na lang at sarado narin ang ibang nagdodorm malapit dito.

Nagmadaling kinuha ni Aisha ang susi sa bulsa nya at madalian nya ring binuksan ang pintuan.

"Pasok dali." Mahinang bulong nito na sapat lang para sa tenga ko.

Hihilain nya palang sana ako ng inunahan ko na syang pumasok sa Office.

Kahit madilim ay pilit kong inaalala kong saan ko nga ba nakita ang Switch ng ilaw dito.

Ahuh sa gilid ng pinto,Pinindot ko ang ilaw pero hindi mabuksan.

"Aisha ayaw"Naramdaman ko naman sya sa gilid ko kaya kampante ako.

" Eto flashlight ng lighter "

Kinalabit nya ako gamit ang lighter kaya kinuha ko na ito.

Dahil sa sobrang liit neto ay konti lang din ang naiilawan.

Kahit natatakot ako ay naglakas loob akong naglakad papunta sa Principal's Table.

"Anong files ang kukuhanin dito?" Tanong ko sa sarili ko habang isa isang tinituro ang mga files na ito gamit ang maliit na Ilaw nag mula sa Lighter.

Nakita ko dito sa kabila ang iba ibang Folder,Pero dalawang Blue Folder ang nandito.

Ang Blue Folder na pinaaabot sa akin ni Ma'am Cherry Sa principal at ang Blue Folder na Hindi ko alam kung saang hinayupak na lugar ito nanggaling.

Hinawakan ko na ang isang Blue Folder at tinignan muna ang mga laman neto.

At dahil walang kwenta ang unang pahina ay tinignan ko naman ang isang page.

Puro Bondpaper lang ang nasa loob.

Binaba ko na ito.

"Yuna bilisan mo!!" Pabulong na pagkasabi ni Aisha mula sa pintuan,Maririnig ko naman sya kasi nag eecho boses namin dito sa Office.

Itinutok ko ang ilaw ng lighter sa Blue Folder na iniabot ko sa principal kanina.

Kukuhanin ko palang sana ito,Ngunit laking gulat ko na lamang ng may kamay na humawak sa akin.

"Wahhhh!!Aisha!!" Itinutok ko ang ilaw sa humawak sa akin pero wala,Itinutok ko din ang ilaw sa kamay ko.

Ngunit para na akong sasabog at konti na lang ay mahihimatay na.

Duguan ang kamay ng humahawak sa akin.

"Aisha!!!!!!".

Pilit kong hinihila ang kamay ko pero ang lakas nya.

" Aisha nasan ka?"Napatulo na rin ang luha ko dahil sa sobrang takot.

Yung kamay yung kamay yung kamay!!!.

"Ayoko na bitawan mo na ako!!" At mas lalo akong napatili ng mas higpitan pa nya ang pagkahawak sa kamay ko.

"TULONG!!!!!"

May biglang humila sa akin sa likod at tinakpan ang bibig ko,At dahil sa sobrang lakas din ng paghila nya ay sabay kaming natumba sa sahig.

Nakapatong ako rito.

"Tulong tulungan mo ako!!" Mahinang pagkasabi ko at yumakap sa taong ito,Natatakot ako.

Naramdaman ko ang kamay nya sa may bewang ko at papuntang likuran ko,Niyakap nya din ako pabalik habang nakahiga kami.

Nakahinga ako ng maluwag pero nanginginig parin ako sa takot.

Sa sobrang dilim ay di ko na alam kong asang pwesto na kami,Ngunit hawak ko parin pala ang Lighter.

Naramdam kong unti-unti akong pinapatayo ng taong ito kaya hinawakan ko muna ang braso niya para siguraduhin na hindi sya makakalayo sa akin.

Tumayo na ako habang hawak nang mahigpit ang braso nya,Tumayo na rin sya.

Kinuha nya ang Lighter sa akin at tinutok ito kung saan saan,Pero napatigil sya ng maitutok nya ito sa Principal's Table.

Lalapit palang sana sya ng Bigla ko syang pinigilan.

"Huwag!!" Banta ko rito pero hindi sya nakinig.

Nagmadali syang lumapit papalakad don,Samantalang akong nakahawak sa braso nya ay takot na takot na,Pakiramdam ko ay sa bawat gilid at sulok ay may multo sa likuran ko.

"BILISAN NYO!!!".

Kay Icel ang boses na iyon.

Biglaang kinuha neto ang Folder at mabilisan akong hinila papalabas inabot nya pa sa akin ang Lighter,bago kami makalabas sa loob ng Office na ito ay itinutok ko muna ang Ilaw ng lighter sa may Principal's Table.

Pero parang unti unting bumagal ang pagtakbo ng oras,Ang kapatid ko,Duguan ang mukha nya at lumuluha sya ng dugo.

" R-rose"Babalik palang sana ako para pumunta ulit sa loob pero may nanghila sa akin papalabas ron.

"ROSE!!!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa may hawak sa akin.

"Kailangan kong balikan ang kapatid ko!!" Kahit anong lakas ko ay hindi parin sapat para makawala dito.

Tinakpan ng may hawak sa akin ng panyo ang bibig ko at sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako ng hilo dahil sa amoy nito.Hanggang sa Unti unti na akong nanghihina.