webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · Fantasi
Peringkat tidak cukup
46 Chs

BULAGA!

Gabing-gabi na ay nilalamon ng kanyang insomnia si Raphael. Hindi siya makatulog. May kakaibang nangyayari sakanyang katawan na hindi niya maipaliwanag. Nananakit ang kanyang likod at bumabalik ang memorya na hindi niya alam kung guni-guni lang ba o totoo talaga.

Mabilis ang paghinga niya na tila ba may hinahabol. Bawat yabag ay napapabuntong-hininga siya.

"Ah!" hinawakan niya ang kanyang ulo dahil sobrang sumasakit ito. May mga imaheng lumalabas bagamat malabo ito.

Ilang sandali pa ay nakakakita na siya ng mga kaluluwa. Binalot siya ng takot at pangamba kaya naman pinunasan niya ang kanyang mata. Pero wala pa rin itong saysay dahil andoon pa rin ang mga kaluluwa.

Maya-maya pa ay sumakit naman ang kanyang likod. Hinawakan niya ito. Pagtingin niya sa kanyang kamay ay puno ito ng dugo at may isang pakpak na puti na kasama rito.

"Ano to punyeta ayaw magpatulog." sambit ni Raphael na nawawalan na ng pasensya sa kababalaghang nangyayari sakanya.

"Magpatulog ka gunggong!" sigaw ni Kuya Maki na hindi makatulog sa bawat pagbiling ni Raphael sa taas ng double deck.

Lumabas na lang si Raphael para magpahangin at manigarilyo. Sa napakalayong kanto ay maliwanag ang ilaw ng mga poste sa LRT Blumentritt. Tanaw na tanaw ito ni Raphael, kita niya ang mga tao na naglalakad at ang mga bata na nagkalat sa bangketa.

Ipinikit niya ulit ang kanyang mga mata at muling idinilat, ganoon pa rin, nakikita pa rin niya ang ganoong kalayong lugar. Sa kabilang kanto ay may nagtitinda ng balot kaya naman nilapitan niya ito para bumili.

"Manong, isang balot nga." sambit ni Raphael

Agad naman siyang ikinuha ng balot ng manong na naka-sumbrero. Hindi maaninag ni Raphael ang mukha nito.

"Totoo nga. Nawala ang memorya mo Raphael." bulong nito sa hangin na hindi gaanong narinig ni Raphael.

"Ano yon may sinasabi ka kuya?" tanong nito habang binubuksan ang kanyang balot.

Ngumiti lang ang manong sa tanong at maya-maya pa ay biglang nawala ito sa isang iglap sa paningin ni Raphael.

"Nasaan na yon?" sa isip-isip niya habang iniikot ang kanyang tingin ay may bata na papunta palapit sa kanya. Maliit lang ito, babae, na sa edad walo at umiiyak. Nakahawak ito sakanyang pisngi na para bang may iniinda.

"T-teka bakit ka umiiyak bata? Atsaka masyado pang maaga para sa halloween." tanong ni Raphael na hindi manlang nakararamdam ng takot.

"Masakit po ang ngipin ko." nakahawak ito sa magang-maga na pisngi. "Kaya niyo po ba akong gamutin?" tanong ng bata. Ilang segundo rin nakatulala si Raphael, inaalam kung tao ba o kung ano ang na sa harapan niya. Nakatatakot nga naman kung totoo, at kung naligaw lang ito sa party ay hindi nakatutuwa dahil nakatatakot ang costume nito, effort na effort ang spirit effects sa isip-isip ni Raphael.

"Bago kita gamutin. May itatanong lang ako sayo." tumango lang ang bata, madali naman ito kausap.

"Saan ka galing?"

"Na sa ospital po ako masakit yung ngipin, pero pag gising ko nakita ko po sila mama at papa umiiyak na. Iniwan nila ako sa ospital kaya pabalik ako ngayon sa bahay namin." diretsong sagot ng bata na sa murang edad ay matalino na sa pagsagot

"Maaari ko bang malaman ang inyong bahay?"

Itinaas ng bata ang kanyang kamay at itinuro ang mga tao sa may pangalawang kanto, masyadong malayo ito pero sinubukan ni Raphael na tingnan dahil kanina pa weird ang kanyang mata.

Tama siya, nakita niya nga. Nakita niya ang mga taong nagsasakla habang nagtatawanan at sa kabilang banda, ang isang buong pamilya na umiiyak at nagdadalamhati sa isang maliit na kabaong.

Nanlaki ang mga mata ni Raphael. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang gulat. Ibinalik niya ang tingin sa batang kausap niya pero wala na ito.

Maya-maya pa ay may kumalabit sa likod niya.

Dug...Dug...Dug... ang naririnig lang niya ay tibok ng puso at tunog ng kanyang laway.

"BULAGA!" pagharap niya ay ginulat siya ng bata.

"G*go!" sambit nito pero agaran din namang tinakpan ng bata ang kanyang bibig.

"Nagulat ba kita kuya? Gamutin niyo na po ako gusto ko na makita mga kapatid ko mukhang may party sila ngayon doon." sabi ng bata habang sagad ang ngiti nito hanggang sa tenga.

Hinawakan ni Raphael ang pisngi ng bata, nahahawakan niya ito kahit na kaluluwa lang.

"Buksan mo ang bibig mo. Say ahhhh." pagkabukas ay bumungad sakanya ang namamaga nitong wisdom tooth. Malamang sa malamang ay ito ang ikinamatay nito. Pero mas lalong nagpagulat sakanya ang butas na puso ng bata.

"Masakit ba dito?" hinawakan ni Raphael ang dibdib ng bata.

"Opo."

Isa lang ang ibig sabihin nito sa isip-isip ni Raphael. Namatay ang bata habang tinatanggal ang kanyang wisdom tooth dahil nagkaroon ng heart problems.

"Okay sige, gagamutin na kita ah, pikit ka." mga limang minuto ring nakapikit lang ang bata habang si Raphael, nag-iisip kung paano gagamutin ang kaluluwa. Posible ba yon? sa isip-isip niya.

"Bahala na" hinawakan niya ang pisngi ng bata at hinilot ang magang parte. Ilang sandali pa ay nakangiti na ang bata. Wala na yata itong nararamdaman na sakit sa ngipin. Pero itinuro nito ang kanyang dibdib at yun naman ang hinilot ni Raphael. Maya-maya pa ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ng bata.

Niyakap niya si Raphael.

"Salamat po kuya! makakabalik nako kila mama't papa." sabay halik sa noo ni Raphael.

Pero ang hindi alam ng bata ay iyon na ang huling araw niya sa mundo ng tao. Sa isang kisapmata lang ay naging abo ang bata habang nakayakap kay Raphael. Mga abo lang ng bata ang natira sa damit ni Raphael.

Tulala si Raphael habang pumapatak ang luha sakanyang mata. Di niya alam kung bakit. Ang dating astigin na doktor, ngayon ay parang basang sisiw. Ngayon lang nangyari na may namatay sa lahat ng ginamot niya. Ngayon lang din may namatay pero KALULUWA.