webnovel

The Grim Reaper's Possession

Seeing what others can't see can be both a blessing and a curse. But what if a female who accidentally earned it caught the eye of the grim reaper himself?

DecemberHag · Fantasi
Peringkat tidak cukup
3 Chs

Chapter 1

"Isn't this nice, Ricky? A calm peaceful afternoon with no one.. Ahh, I really miss going to this place." I inhaled and slowly exhaled, smiling to myself as my fingers glided over the smooth stone.

Tumawa ako ng mahina as my gaze drifted next to me,

"Alam mo, Sebastian.. Medyo pagod ako sa trabaho, ewan ko ba sa mga boss ko at ako lang ang pinapahirapan nila."

Napakunot ang noo ko ng matandaan ang pinagdadaanan ko ngayon sa office.

Sobrang hectic at yung mga ka-officemates ko na nagmamaganda parang turing nila sakin alien.

"Haay, ewan. Kung hindi lang talaga mahirap mag-hanap ng trabaho talagang aalis ako dun, kung makatingin sila kala mo di sila nagsusuot ng black eh half ata ng populasyon sa pilipinas mahilig sa black diba?" Pagdadaldal ko at tumingin ulit kay Ricky.

"Tapos makikita ko sa mga facebook posts nila na dangerous daw sila and mahilig sa mga nakakatakot at creepy at psychotic, I bet di nila kaya ang isang gabi sa apartment ko." I chuckled at kinuha yung isang lata ng beer sa bag ko at tumingin sa paligid at nakita kong wala namang ibang tao.

Tumingin ulit ako kay Sebastian at Ricky,

"Gusto nyo? Ayaw?"

Nang wala akong makuhang sagot, ngumiti ako.

I shrugged at uminom na lang,

"Bahala kayo."

Ine-enjoy ko lang yung iniinom ko ng may biglang humawak sa balikat ko.

Muntik ko ng mabuga yung nasa bibig ko sa gulat.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang pinsan ko,

"Sabi ko na dito lang kita makikita eh." Sabi nya at inilibot ang paningin nya na para bang nandidiri at natatakot.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Nagre-relax?" Sagot ko at tumayo sa kinakaupuan ko.

Tiningnan nya lang ako na parang nawi-wirdohan.

"Seryoso ka ba Maeve Park? Nagre-relax? Sa loob ng sementeryo?"

I rolled my eyes sa pagkabigla nya,

"Lahat naman pumupunta sa sementeryo diba?"

"Oo, pero kapag undas lang, death anniversary, o birthday ng namatay.. And Maeve, first of all hindi undas. Second, wala kang namatayan dito and third walang matinong tao ang nagre-relax sa sementeryo!" Giit nya making me scoff.

"Ako?" Sagot ko, pointing at myself pero nag-roll eyes lang sya.

"Hindi ka matino, tara na nga at umuwi na tayo, baka makita pa tayo ng caretaker dito at bulyawan tayo." Sabi nya at kinuha ang kamay ko para hilahin.

"FYI lang, Alexis, ka-close ko yung caretaker dito." Sagot ko at hinila pabalik ang kamay ko.

"And wag ka ngang bastos, eto nga pala si Sebastian." Pag-iintroduce ko at tinuro ang isang puntod malapit samin, then tinuro naman yung isa.

"At yun naman si Ricky."

"Pano mo nalaman mga pangalan nila?" Sabi nya at biglang namutla.

Tinaasan ko sya ng kilay,

"Nakasulat sa lapida nila?"

"Whatever, aalis na tayo dito, wether you like it or not." She said at kinuha ulit ang kamay ko, this time nagpahila na lang ako habang tuloy tuloy lang sya sa pagsasalita ng mga walang kakwenta-kwentang bagay.

"Pano kung may masamang espirito dun ha?! Pano kung saniban ka? Pano kung mapaglaruan ka ng mga ligaw na kaluluwa?!" Tuloy tuloy na sinabi nya.

Napatawa na lang ako,

"Chill Lex, they're dead. Wala silang magagawa sakin."

"Walang magagawa yung mga katawan nila sayo but yung spirits nila.. Ugh! Why did you have fondness on such morbid things?!" She asked clearly frustrated.

"Yes I know, blah blah, malas yun, malas that," I said, mocking the way she speaks making her glare at me and I responded with a smile.

"Maeve naman, I'm just protecting you, you have bad habits na makakapag-invite ng masasamang espirito sa bahay mo." She said,

"Gaya na lang ng kabaong sa living room ng apartment mo, yung mga bungo na naka-display sa bawat taas ng cabinet and pati na yung mga kurtina mo nasa kasing itim ng eyeliner mo!"

Napatawa ako,

"Lex, it's going to be okay, tsaka yung kabaong sa apartment ko ay pan-design lang, wala pa namang humiga dun at walang hihiga dun okay?" Page-explain ko.

True, meron nga akong kabaong sa sala ko, pero hindi yung mga modern na kabaong, kulay itim sya na may cross sa gitna at kahugis nung kabaong ng mga bampira.

"And, di naman totoo yung mga bungo na naka-display ah? Tsaka wala namang masama sa kulay na black." Sagot ko but she just scoffed.

"Kahit naman ako mahilig sa black, sa pormahan pero sa mga bagay? May balak ka bang gawing haunted house ang bahay mo?" Tanong nya at tumango na lang ako kahit hinde.

"Nga pala, pano mo nalaman na nandito ako?" Nagtatakang tanong ko.

"Two reasons, dahil sa pagiging sira ulo mo at dahil nakita ko yung motor mo malapit dito." Sagot nya.

"Oh, buti nalang at pinaalala mo yung motor ko, muntik ko ng makalimutang nadala ko pala." Sabi ko at hinayaan syang hilahin ako sa motor ko.

Sumakay ako sa motor at umangkas sya, habang initsa ko sakanya yung helmet.

"Pano ka? Bakit isa lang dinadala mong helmet?"

"Iniwan ko yung isa," sagot ko,

"Malay ko bang hahanapin mo ko, tsaka sige ayos lang. Isuot mo na yan."

Hesitant nyang isinuot yung helmet at nginitian ko lang sya, ini-start ko na yung motor at pinaandar ito patungo sa bahay ni Alexis.

After a few minutes, nakarating nadin kami at agad syang bumaba at inabot sakin yung helmet.

"Nga pala, bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko at nanlaki ang mga mata nya.

"Ay, Oo nga pala. Mag-miryenda ka muna at sasabihin ko sayo." Sagot nya,

"Bakit di mo nalang sabihin ngayon?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah, wala lang.. Gusto lang kitang imbitahan..masama ba?" Tanong nya at ngumiti.

"May pupuntahan ka pa ba?"

"Wala naman, sige.. Nandyan ba sina Tita't Tito?" Tanong ko at umiling sya.

"Nasa work sila pati si Kuya, si Aira naman nasa school." Sagot nya at tumango na lang ako at pinark ang motor ko sa harap ng bahay nila.

Sumunod ako sakanya papunta sa loob ng bahay at umupo ako sa sofa nila at sya naman ay pumunta ng kusina.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagbalik sya at may dalang plato at buko pandan juice.

Nilatag nya yung plato sa harap ko,

"Chicken sandwiches yan, isa sa mga favorites mo."

May mga lima sa harap ko at napatawa ako,

"Okay na sakin yung dalawa lang."

"Wag ka ng mahiya," sagot nya at umupo sa tabi ko.

"Yun nga pa lang sasabihin ko, meron kasi akong friend, yung name nya Janice, naaksidente sya at fifty fifty sa hospital.. Ako kasi lagi yung kasabay nya pag break time at kilala nako ng parents nya.."

"And?" Sabi ko, encouraging her to go on.

"Pinaki-usapan kasi nila ako na mag-bantay sa anak nila for a night kasi hinahanap din sila ng three year old na anak nila sa bahay." Sagot nya.

"Ha? Wala ba silang mga ibang kamag-anak?" Nagtatakang tanong ko.

"Yung Mama kasi ni Janice matagal ng ulila at only child lang, yung Papa naman nya itinakwil nung teenager sya kaya lumayas na lang sya.. Hindi nya ngayon alam kung saan yung mga magulang nya at ibang kamag-anak and I don't think na gusto nya rin silang hanapin.. You know.. Pride?" Page-explain nya.

"Eh sino ngayon yung nagbabantay dun sa three years old?" Tanong ko ulit.

"Um, babysitter.. Pero kawawa naman daw yung baby since ayaw nya na talagang tumigil sa kakaiyak.. May work kasi yung parents sa day at sa gabi dun sila kay Janice, pero pano naman yung baby diba?" Sabi nya.

Tinaasan ko sya ng kilay,

"Baka nakakalimutan mo na may trabaho din ako?"

Ngumiti sya.

"Ha! Alam ko ang schedule mo, day off mo sa sat kaya wala kang maidadahilan!"

I rolled my eyes pero lumabas ang ngiti sa labi ko,

"Fine, you got me."

"Hehe, thanks. Alam mo naman ako, takot ako sa hospital diba? Ikaw lang naman ang naiisip ko na di takot sa mga ganung lugar lalo na pag gabi, at least may kasama akong hindi takot habang may naririnig akong dumadaing sa sakit yung mga ibang pasyente."

I chuckled,

"Ginawa mo naman akong sadista.. Just because gusto ko yung darker things in life and had fixation over death doesn't mean na hindi ako unaffected sa mga nasasaktan, haler. Syempre naaawa din ako at nasasaktan para sakanila."

"Ay wow," Alex said at nag-clap.

"So bait pala this girl."

Tiningnan ko lang sya ng masama at nanahimik sya.

This is my first ever book in webnovel. I just wanted to say sorry in advance sa mga grammatical errors or typos. Have fun reading. ♥

DecemberHagcreators' thoughts