webnovel

CHAPTER ELEVEN

(Hereux Academy, dismissal time)

(Charlize's POV)

PALABAS na ako ng Fourth Year Building nang mapansin kong palapit na sa akin ang ex-boyfriend kong hudas na si Timothy.

Fvck. Eto na ba yung lalaking iniyakan at halos luhuran ko, one year ago? As in, 'eto na talaga siya ngayon?! Seriously, ganito pala kababa ang standards ko noon? Ganito pala ako kawalang-taste pagdating sa lalaki? My God! I can't believe na nagawa kong patulan ang isang cheap na katulad niya?! He's just simple! A plain to be exact! But in the other side, natutuwa akong makita ang talunan niyang itsura. Buti nga sa kanya. Iba nga naman talaga ang nagagawa ng karma.

* evil smirk *

"Charlize." mahinang tawag niya sa pangalan ko.

"Timothy! Buhay ka pa pala. Akala ko, tuluyan ka nang pinaligpit ni Kuya Kyle sa kakilala niyang hired killer." mapang-asar na bati ko sa kanya.

"C-can we talk?" sabi pa niya, dahilan para magpanting ang tenga ko. Ano raw? Siya? Makikipag-usap? Sa akin? Ano 'to, joke?

"Seriously? Makikipag-usap ka sa akin? Para ano? Para ipaalala mo na naman sa akin ang lahat ng kawalanghiyaang pinaggagagawa nyo ni Eunice noon? Sorry but I have no time to listen to your bluffs." at lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Charlize, pakinggan mo naman ang sasabihin ko sayo. Kahit sandali lang." pakiusap pa niya. Tss. If you think, maaawa pa ako sayo, you're wrong, dahil matagal ko nang isiniksik sa utak ko na hindi dapat kinakaawaan ang walanghiyang tulad mo.

"Really? Eh nung nakikiusap ako sayo noon, pinakinggan mo ba ako? Hindi. Kaya bakit ko naman papakinggan ang sasabihin ng isang walang kwentang tulad mo? Hindi pa ako baliw para gawin yun." sarkastikong sabi ko. Ang resulta? Plakda ang gago. Buwahahaha. He's such a loser.

"C-Charl---"

"Let go of me, Timothy." mahina pero mariing sabi ko. Wala siyang nagawa kundi bitawan ang braso ko. Lalakad na sana ako paalis nang bigla akong tumigil sa gitna ng corridor. Lumapit ako sa kanya, dahilan para matulala na naman siya sa harapan ko. Haay. Ba't kasi ang ganda-ganda ko?

"C-Charlize----"

I smirked sweetly at him.....sabay sampal ko ng malakas sa kaliwa niyang pisngi. Kulang na lang ay humiwalay na ang ulo niya sa katawan niya sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya.

"Nice to see you again, manwhore." at isa pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanang pisngi niya bago ako tuluyang lumabas ng Fourth Year Building.

Hahaha. Another one point for me.

* evil smirk *

(Corridor, Fourth Year Building, dismissal time)

(Timothy's POV)

"NUNG nakikiusap ako sayo noon, pinakinggan mo ba ako? Hindi. Kaya bakit ko naman papakinggan ang sasabihin ng isang walang kwentang tulad mo? Hindi pa ako baliw para gawin yun."

Napabuntung-hininga na lang ako nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni Charlize. She has a point. Ba't pa siya makikinig sa isang walang kwentang tulad ko?

"Anong feeling na ikaw naman ang naghahabol sa kanya ngayon?"

T-that voice. That annoying voice.

"Mark Wade Escudero." sabay lingon ko sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na yun. Hindi nga ako nagkamali pagkat siya yung nagsalita.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. As usual, he's wearing his insolent image. Kumunot ang noo ko. Ano namang ginagawa ng lalaking 'to dito?

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin habang nakasimangot ang kanyang mukha.

"Wala. I'm just walking around this concrete jungle." malamig na sagot niya, dahilan para mabwisit na naman ako sa kanya. Yung totoo, nang-aasar na naman ba ang lalaking 'to?

"Wag mo akong pinipilosopo, Wade. Ano ba talagang pakay mo dito? Or should I say.....sino?" tanong ko pa sa kanya.

"Eh kung sabihin ko sayo na si Charlize ang pakay ko, anong gagawin mo?" tapos ngumiti pa siya na para bang nang-aasar. Sabi na nga ba eh. Si Charlize ang dahilan kung bakit siya nandito.

Nagsukatan kami ng tingin sa isa't isa.

"Layuan mo siya." mariing sabi ko sa kanya.

"Are you kidding me, Timothy? Kung makapag-utos ka sa akin, parang boyfriend ka pa rin ni Charlize hanggang ngayon ah. Wake up, dude. You're just her ex-lover. Kaya wala kang karapatang utusan ako sa kung ano ang dapat kong gawin sa damdamin ko para sa kanya." nakangising sagot niya.

"I know, Wade. Like what you said, I'm just her ex. Pero kung inaakala mong susuko ako nang ganun na lang, nagkakamali ka. I won't give up on her. I love her. And I believe, ganun pa rin ang nararamdaman niya para sa akin. Kaya kung ako sayo, you better back off." matapang na sabi ko. Imbis na kilabutan siya sa mga sinabi ko ay napangiti lang siya.

"Talaga? Bakit, may nagawa ka na ba para sa kanya simula nung bumalik siya dito? Did you asked her if she still loves you?"

That shuts me. Honestly, may point siya. Pero may ginawa naman ako. I asked for her forgiveness but I think it's not enough.

"See? It is easier said than done. Kaya wala kang karapatang sabihin sa akin na lumayo ako sa kanya. After all, ako ang kasama niya noong panahon na niloko mo siya. Ako ang nandyan sa tabi niya habang nagdurusa siya. At ako ang saksi sa lahat ng naging paghihirap niya. Hindi ikaw."

That shuts me, again. Alam na alam talaga ng lalaking 'to kung saan niya ako patatamaan.

"I don't have any grudge on you, Timothy. But the thing is, Charlize is a very special person to me. And you hurt her."

Napapikit na lang ako. I can't say anything, I know at this point, wala akong laban kay Wade.

"She lost her sanity and her heart at the same time. And it's all your fault. Ibinabalik lang niya sayo kung ano ang ginawa mo sa kanya." Napabuntung-hininga na lang ako sa mga sinabi ni Wade. Tama siya. Nasira ang buhay ng babaing mahal ko nang dahil sa akin. At walang kapatawaran ang ganung klaseng bagay.

Tumalikod na si Wade sa akin. Lalakad na sana siya palayo nang muli niya akong lapitan. This time, nagtitiim na sa galit ang kanyang mukha.

"Remember this, Timothy. I won't also give up on her. I'll do anything, just to make her smile again.....na tinanggal mo sa kanya mula nung sinaktan mo siya."