webnovel

CHAPTER EIGHT

(Fortich Road/UESC Condominium, 8 pm)

(Eunice's POV)

ILANG oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa bwisit na barista dun sa cafe ni Stephanie. I hate her face, her guts, her voice, her hair, her body, her attitude, her personality and her whole existence! I hate everything about that bitch! Gustuhin ko mang ihampas sa kanya ang Hermes bag ko kanina ay nanghihinayang naman ako. Mas mahal pa ang bag ko kaysa sa buhay niya.

Habang nasa kotse ako ay nag-iisip ako ng magandang plano. Since she's my schoolmate in Hereux Academy, madali lang para sa akin na pahirapan ang buhay niya. Sinira at ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao kaya yun din ang gagawin ko sa kanya, araw-araw. Sisiguraduhin ko sa kanya na pagsisisihan niya ang araw na kinalaban niya ako.

Pagdating ng kotse ko sa tapat ng condominium ay bumaba na ako. Diri-diretso akong pumasok sa loob, nang biglang.....

"Finally, after a year.....nagkita na rin tayong muli, my dear slutty ex-best friend."

That unexpectedly shuts me.

A-ang boses na yun.

Nanginginig akong tumingin sa pinanggalingan ng boses na yun at sa pangalawang pagkakataon ay muli kong nasilayan ang babaing mala-anghel sa ganda pero may kademonyohang tinataglay.

"C-Cha-Charlize....."

(UESC Condominium, 8 pm)

(Charlize's POV)

"C-CHA-CHARLIZE....."

Napangiti ako sa initial reaction ng mortal na kaaway ko. Daig pa niya ang nakakita ng multo sa itsura niya.

"Grabe ka namang makatitig sa akin. Daig mo pa ang natuklaw ng ahas. It's been a year since huli tayong nagkita. Hindi mo man lang ba ako babatiin o yayakapin, with an open arms?" pabirong sabi ko sa kanya.

"W-what are you doing here?" maang na tanong niya sa akin.

"What am I doing in this place? Why? Hindi ba nasabi sayo ni Kuya Kyle na dito na ulit ako titira? Haay. You're too much outdated na sa mga nangyayari sa paligid mo, kasi mas inuuna mo pa ang makipag-away at mang-alipusta ng ibang tao kaysa sa ayusin ang buhay mo." sarkastikong banat ko sa kanya.

"The hell you care about my life, Charlize." matapang na sagot niya, pero imbis na kabahan ako ay napangiti lang ako, dahilan para siya naman ang kilabutan. Hahaha. Still scared of me, my dear ex-best friend?

"And why should I care about your life, my dear? FYI, hindi ko pinangarap na magkaroon ng miserableng buhay na gaya ng sayo. Yung tipong sa dinami-rami ng mga kawalanghiyaang pinaggagagawa mo sa buhay mo ay nagawa kang iwan ng parents mo at ng kapatid mo para lang matakasan nila ang eskandalo at kahihiyang idinulot mo sa kanila." Hah. Akala mo siguro, matitiklop mo ako sa mga banat mo. You're wrong, my dear. You're wrong.

"W-wag na wag mong idadamay ang pamilya ko rito. Labas sila sa kung anumang issue ang meron tayo." sagot niya habang pinipilit niyang pagtakpan ang takot sa boses niya.

"Wow. You're still having a concern to them despite on the fact na matagal ka na nilang pinabayaan. You know what, dapat bigyan ka ng award sa pagiging ulirang anak m-----oops! U-ulirang anak? Sorry ha, pero hindi bagay sayo. Alibughang anak, pwede pa."

That shuts her. Hahaha. Wala ka pa ring pinagbago, Eunice. DUWAG KA PA RIN.

"T-tumigil ka na." banta pa niya sa akin. Haha. Look who's talking.

"Marunong ka nang sumagot, ha. Ano pa ba ang pinagbago mo?" at naglakad ako paikot sa kanya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. "Hmm.....aside from new hairstyle, may fashion sense ka na rin. You're even wearing make-up too. But you're still the same Eunice that I used to know. Traitor, backstabber, slut, and most of all, pathetic. In short, a big loser." at idiniin ko ang hintuturo ko sa noo niya. Marahas niyang tinabig ang kamay ko.

"Really? How about you? You're a ruthless santa-santita. Mukhang anghel na hindi makabasag-pinggan sa panlabas pero nanggigitata sa dumi ang kalooban." ganting banat niya sa akin, dahilan para tuluyan nang sumulak ang dugo ko sa kanya.

"Awww. Thanks for that wonderful compliment, slut." at binigyan ko siya ng malakas at malutong na sampal sa kaliwang pisngi niya. "I appreciate it a lot." at pinadapo ko pa ulit ang palad ko, on her right cheek.

"How dare you!" sabay sampal niya sa akin. Bagama't masakit ang pagkakasampal niya sa akin ay hindi ko yun inalintana. Instead, I smiled sweetly at her, dahilan para mas lalo siyang mainis. Haha. You deserve it, slut.

Inayos ko ang sarili ko at gumanti ulit ako ng mag-asawang sampal na ikinagulantang niya.

"Serves you right, slut." at iiwan ko na sana siya nang bigla akong napatigil dahil may nakalimutan pa akong gawin sa kanya. Lumapit ako sa kanya sabay sampal ko ulit sa kaliwa niyang pisngi, dahilan para mapasapo siya sa sakit.

"Nice seeing you again, Eunice. I miss you so much." at isa pang sampal ang pina-landing ko sa kanang pisngi niya. I smirked devilishly at her bago ko siya tuluyang iniwan na nakatanga at gulat na gulat.

Haha.

Enjoy your "in-your-face moment", slut.

Nang biglang.....

"C-Charlize....."

Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa pamilyar na boses na yun.

"Long time no see, Timothy Peñaflor."

(UESC Condominium)

(Courtney's POV)

MULA sa staircase ng condominium ay kitang-kita namin ang eksena sa pagitan nina Eunice, Charlize at Timothy. Expected kong magkikita ang dating magkaibigan, pero hindi ko inasahan na sasalubungin si Eunice ng sunud-sunod na sampal at mga masasakit na salita ni Charlize.

Pinagmamasdang maigi ni Timothy si Charlize. As usual, he was stunned by her beauty. Pero kabaligtaran ito ng nararamdaman ni Charlize. Kung nakakamatay lang ang panlilisik ng mga mata niya, malamang ay kanina pa nalagutan ng hininga si Timothy.

"Are you done staring at me, Timothy?" cold na tanong ni Charlize. Para namang nawala sa isang matinding spell si Timothy.

"S-sorry....." napahiyang sabi ni Timothy. Nabalot muli ng nakakabinging katahimikan ang buong lobby. Ramdam namin ang awkwardness ng sitwasyon.

"I missed you so much, Charlize. Ang tagal kitang hinanap. Ang tagal kong hinintay yung araw na babalik ka. C-Charl----"

"Wala akong panahon sa mga kadramahan mo sa buhay, Timothy." walang emosyong sabi ni Charlize.

"C-Char----"

"I'm tired from my flight. I need some rest. Kaya kung anuman yang sasabihin mo, maigi pang wag mo nang ituloy. Baka kasi hindi mo kayanin oras na malaman mo ang masakit na katotohanan mula mismo sa akin." at umalis na si Charlize sa lobby, leaving Timothy and Eunice dumbfounded.

(Casa Go, UESC Condominium, 9 pm)

(Eunice's POV)

TULALA ako habang nakatitig sa isang lumang picture ko. Kalong-kalong ako ng isang morena pero maganda at disenteng babae. Kung sino ang babaing yun, hindi ko alam. Pero malakas ang kutob kong may koneksyon siya sa totoong pagkatao ko.

"Eunice....."

Dali-dali kong itinago ang picture sa ilalim ng unan ko nang marinig ko ang boses ni Ate Courtney.

"Pasok ka, Ate." sabi ko mula sa loob ng kuwarto ko.

Dahan-dahan siyang pumasok sa kuwarto ko at umupo siya sa tabi ko.

"Pagpasensyahan mo na lang yung ginawa sayo ni Charlize." apologetic na sabi niya.

Speaking of Charlize, nangyari na ang araw na kinatatakutan ko. Muli kaming nagkitang dalawa makalipas ang isang taon and sadly, hindi ko napaghandaan ang face-off namin dahil ako ang lumabas na talunan sa huli. Anong pinaggagagawa niya sa akin? Pinaulanan lang naman niya ako ng malalakas na sampal at masasakit na mga salita. Mas masakit pa kaysa sa pagkapahiya ko sa cafe ni Stephanie kanina. Hindi lang ako ang nakatikim ng buwena-manong kahihiyan mula kay Charlize dahil maski ang lalaking minsan naming minahal ay hindi rin nakaligtas sa kanya. At sina Ate Courtney ang naging witness sa nangyari kanina.

"Sus, wala yun. Sanay na ako sa ugali niya." wala sa sariling sagot ko.

"Wag kang mag-alala, pagsasabihan ko siya." sabi pa ni Ate.

"As if namang makikinig pa rin siya sayo o kay Kuya Kyle. Ate, ibang Charlize na ang kaharap natin ngayon. Hindi na siya tulad pa ng dati." at napabuntung-hininga ako, because in the first place, I turned a loving angel into a heartless demon. Kasalanan ko kung bakit nasira ang buhay niya. At mukhang hindi ko na yata mapapatawad pa ang sarili ko sa dami ng mga naging atraso ko sa kanya.

"Basta, hangga't maaari ay umiwas ka na lang sa kanya para hindi na ulit kayo magkagulo." bilin sa akin ni Ate, na siyang susundin ko dahil ayoko nang maulit pa ang gulo sa pagitan naming dalawa. Makakabuti pang iwasan ko na lang siya para na rin sa ikatatahimik naming dalawa.

"Ate Courtney....." tawag ko sa pangalan niya

"Bakit? May sasabihin ka ba sa akin?" tanong niya.

"Sino kaya ang totoong parents ko?" tanong ko, out of nowhere.

"Ba't mo naman natanong yan?" gulat na sabi ni Ate.

"W-wala lang. Naisip ko kasi, tutal ay ayaw na sa akin nina Mommy at Daddy, ba't 'di na lang nila ako ibalik sa totoong pamilya ko. Mas matatanggap ko pa yun kaysa sa harap-harapan nilang ipamukha sa akin na mas karapat-dapat si Loisse sa pagmamahal nila kaysa sa akin." and I sighed sadly.

"Sssh. Don't say that. Mahal ka ng parents mo. Wag na wag kang mag-iisip ng ganyan."

"No Ate. Hindi nila ako mahal kasi hindi nila ako totoong anak. Kaya nga ganun na lang kadali sa kanila na iwanan ako dito sa Pilipinas." at 'di ko na napigilan pang mapaiyak sa harap ni Ate. Agad naman niya akong niyakap at pinatahan tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing malungkot ako.

"Don't say that, Eunice. You deserve to be loved. Always remember that." sabi pa ni Ate habang ramdam ko ang mahigpit niyang yakap. Umiyak ako ng umiyak sa mga balikat niya hanggang sa tuluyan na akong makatulog sa tabi niya.

(Casa Go, UESC Condominium, 10 pm)

(Courtney's POV)

DAHAN-DAHAN kong inilapag si Eunice pahiga sa kanyang kama. Saglit kong inayos ang pagkakahiga niya at saka ko binalutan ng kumot ang kanyang buong katawan. Habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha ay paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mga sinabi niya.

"Sino kaya ang totoong parents ko?"

Napabuntung-hininga ako. Gusto ko mang sabihin sa kanya ang tungkol sa totoong mga magulang niya ay wala naman ako sa tamang posisyon para magsalita. And besides, mas makakabuti kung mismong sina Tito Charles at Tita Catherine ang magsasabi kay Eunice ng tungkol sa totoong pagkatao niya.