webnovel

Chapter 5 - Secret Cry

(Graciella's PoV)

Wala na nga akong nagawa kundi sumunod sa gusto ni Mr. Stanley para wala nang iba pang madamay. Hindi ko alam kung maiintindihan niyo ang desisyon ko pero ito kasi ang alam kong nakakabuti.

Umuwi ako matapos kong pumayag sa gusto niya. Naglalakad na ako ngayon at malapit na sa aming bahay.

Mabigat ang loob ko sa desisyong ginawa ko pero wala na akong pagpipilian. Hindi ko kayang ipahamak si Tatay at si AJ. Hindi nila deserve madamay.

Muli na namang umagos ang aking mga luha. Hanggang ngayon, hindi pa rin sapat ang mga iniyak ko kanina para ibsan ang bigat ng aking nararamdaman.

Napa-buntong hininga ako nang makatapat ako sa aming munting gate. Pinunas ko ang aking luha para hindi mahalata ang aking pag-iyak ngunit ayaw itong paawat. Muli ko itong pinunas.

Hindi nila ako pwedeng makitang ganito. Malulungkot si Aj at siguradong iintrigahin na naman ako nung mag-ina. Ang stepmother at stepsister ko.

Pumasok ako sa gate at nang makatapat ako sa may pinto, muli akong huminga nang malalim. Pinunas ko ang aking luha,  inayos ko ang aking sarili at tuluyan kong binuksan ang pinto.

"Ate!!!" Masayang sumalubong sa 'kin si Aj at niyakap ako.

Si Aj ang aking half-brother. 8 years old siya at napaka-lambing na bata. Ganito siya lagi tuwing dumarating ako. Sinasalubong niya ako ng kaniyang yakap at napaka-tamis na mga ngiti. Lagi niyang pinaparamdam na mahal na mahal niya ako bilang ate niya.

Kinurot ko ang pisngi niya. Ang sarap kasing kurutin lalo't medyo chubby siya.

"Ate kanina pa kita hinihintay," malambing niyang sambit.

"Talaga?" Lumuhod ako para harapin siya.

"Opo. Gusto ko pong ipakita sa 'yo 'yung quiz ko sa Math."

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Hmmm..." Kunwari'y napaisip ako.

"Huhulaan ko," sambit ko at nginitian niya ako nang bahagya na parang hinihintay ang sasabihin ko.

"Siguro na-perfect mo 'yung exam---"

Biglang nilakasan ni Tita ang volume ng TV kaya natigilan ako sa aking sinasabi.

Nakita kong ipinatong niya sa may mesa ang remote matapos niya itong pindutin.

Andito rin sila sa living room ni Annah, ang aking stepsister, nanonood.

Nang mapa-tingin ako sa kaniya, tinaasan ako ng kilay ni Tita.

" Mas malakas pa naman kasi 'yang boses mo kesa sa TV!" Pagtataray ni Annah.

Hindi ko talaga kasundo si Annah ever since. Lagi kaming magka-kontra sa lahat nang bagay. Si Tita Maureen naman, nung hindi pa naka-kulong si Tatay, sobrang okay naman siya sa 'kin. Inaasikaso rin niya ako nun na parang anak niya pero nung mawala dito si Tatay, wala na. Nagbago na siya. Wala na siyang pakialam sa 'kin at lagi na niya akong sinusungitan. Dun ko napagtantong ang lahat pala ng pinakita niya sa 'kin nun, kunwari lang 'yun para kay Tatay. Buti na lang hindi nagmana sa kanila si AJ.

Si Tita Maureen ay may saktong tangkad at medyo chubby ang pangangatawan. Medyo bilugin ang kaniyang mukha at may maiksi at kulot na buhok. Nasa edad 42 siya at laging naka-lipstick ng napaka-pula.

Si Annah naman, payat siya at hindi katangkaran. Nasa edad 23 siya. Mahaba ang kaniyang bagsak na buhok at medyo pahaba ang kaniyang mukha.

"Ate, tara sa kwarto ko, ipapakita ko sa 'yo 'yung exams ko," Sambit ni AJ.

"Mabuti pa nga!"

Paalis na kami nang mapatayo si Annah.

"Ang yabang ng pagkaka-sabi mo ah!"

Itinuro niya ako.

" 'Wag kang umastang parang sino dito dahil wala ka nang kakampi!"

Tinignan ko lang siya. Pagod ako ngayong araw na 'to at hangga't maaari, ayokong makipagtalo.

"AJ, tara!" Sambit ko sa 'king kapatid para umiwas.

Maglalakad na sana ulit kami nang muli siyang magsalita.

"Hoy Graciella," pagsisimula niya.

Napilitan na lang akong makinig.

"Hindi porke't mas matanda ka sa 'kin, pwede mo na akong talikuran kahit kinakausap---"

Natigilan siya nang pulutin ko ang remote at nilakasan ko ang volume ng TV.

"Baka hindi na naririnig ang TV sa lakas ng boses mo," Malumanay kong sagot.

"Graciella!" Bulyaw ni Tita.

Napatingin ako sa kaniya.

" 'Wag mo ngang ini-insulto si Annah sa harap ko!"

"Hindi ko po siya ini-insulto--"

"Binabalaan kita! 'Wag na 'wag mong papairalin ang ugali mo nung andito pa ang Tatay mo. Kung noon kaya mong ipagpilitan ang katwiran mo, ngayon hindi na dahil mag-isa mo na lang ngayon. Kahit ano'ng mangyari, kakampihan ko ang tunay kong anak na si Annah!"

Ngumiti si Annak nang nakaka-loko.

Wala na akong nasabi sa sobrang talim ng mga sinabi ni Tita. Biglang bumalik sa isip ko ang lahat ng mga ipinakita niya sa 'kin noon. Ang pagiging maasikaso niya sa 'kin at kung paano niya ako sinasang-ayunan kapag alam niyang nasa katwiran ako.

Habang naalala ko ito, nagsisimulang muling sumikip ang dibdib ko. I feel betrayed by people whom I thought really cares. Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa 'king mga mata. Pilit ko lang pinipigilan. Hindi ko kinakayang 'yung mga taong akala ko totoong nandiyan para sa 'kin, hindi pala. Ngayon pakiramdam ko, wala na talaga akong kakampi.

"Tama na po!!! 'Wag niyo na pong awayin ang ate Graciella ko!" Pag-awat ni AJ.

"Tumigil ka nga diyan AJ. Hindi mo dapat siya kinakampihan," Inis na sambit ni Annah.

"Aj, halika dito," utos ni Tita.

"Ayoko po. Dito lang po ako sa tabi ni Ate Graciella."

"Bakit mo ba kinakampihan 'yang babaeng 'yan?"

"Kasi mabait po siya. Hindi niyo dapat siya inaaway."

"Halika dito sabi eh!"

"Ayoko po."

" 'Pag di ka pumunta dito papaluin kita."

Napatingin sa 'kin si Aj.

"Sige na Aj, pumunta ka na. Pagod rin si ate eh. Kailangan kong magpahinga."

Agad akong tumalikod at nagmadali akong tumungo sa kwarto. Pagkasara ko ng pinto, agad umagos ang aking mga luha. Napa-upo na lang ako sa likod ng pinto habang pinapakawalan ang mga sakit at bigat na aking nararamdaman. Niyakap ko ang aking mga tuhod habang nakabaon rito ang aking mukha.

Ngayon ko lang sobrang nararamdaman ang pag-iisa. Pakiramdam ko'y unti-unti akong nakukulong sa lungkot at sakit na dala ng sitwasyong kinaroroonan ko.

Pakiramdam ko magmula nang makulong si Tatay, wala nang nangyaring maganda sa buhay ko. Hindi pa man ako lubos nakakabangon sa hirap ng loob ko sa pagkakakulong niya, meron ulit akong pinagdadaanan kung saan kailangan kong harapin at dalhin mag-isa.

Bakit kaya may mga taong magpapakita sa 'yo ng kabutihan pero sa huli malalaman mong hindi pala totoo lahat nang 'yun.

Pakiramdam ko, nakadagan sa 'kin ang bigat mundo. Sana kaya ko pang maging mas matapang. Sana kaya ko pang maging mas matibay. Kasi pakiramdam ko, hindi ko na kaya.

Napapa-hikbi na lang ako sa tindi ng aking pag-iyak. Sana ay matangay na lang ng agos ng luha ang sakit at bigat  na aking nararamdaman para bukas okay na ako. Sana ganoon na lang kadali.

Biglang nakapa ng aking palad ang singsing na nakasuot sa aking hinliliit na daliri.

Napa-angat ako at napamasid dito. Ito ay kulay yellow green na singsing na gawa sa plastic.

Bigla kong naalala ang childhood friend kong si Jay-jay. Bigay niya sa 'kin 'to nung minsang pinagtanggol niya ako sa mga nang-aaway sa 'kin. Nung mga panahong hindi ko pa kayang lumaban. Pinapalibutan nila ako nun habang tinutukso.

(Flashback)

"Ah lampa!" Sabi nung isang batang babae sa 'kin saka niya ako tinulak kaya mas lalo akong napa-upo sa lupa.

"Kita niyo lampa talaga!" Sambit pa niya kaya mas lalo akong naiyak.

"Lampa na nga, iyakin pa!" Panunukso pa ng iba.

Sabay-sabay silang nagtawanan at kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi nila sa 'kin.

"Tigilan niyo nga si Grasya. Alis!"

Biglang lumapit si Jay-jay.

"Ba't mo ba pinagtatanggol 'yang Grasyang 'yan eh totoo namang lampa at iyakin 'yan!"

"Basta umalis na kayo dito dahil kung hindi, ako mismo sisipa sa inyo palayo."

Hinanda ni Jay-jay na sipain sila at wala silang nagawa kundi umalis. Marunong kasi sa Taekwondo si Jay-Jay kaya takot sila sa kaniya.

"Okay ka lang?" Sambit niya sa 'kin nang makaalis sila.

Umupo siya sa harap ko at natigilan ako nang pinunas niya ang mga luha ko.

"Salamat at dumating ka," mangiyak-ngiyak kong sambit.

Nginitian niya ako.

"Siyempre, ako pa!"

"Lagi mo na lang akong pinagtatanggol."

"Dahil 'yun ang kailangan mo."

"Buti pa ikaw hindi ka kagaya nila."

"Kasi kakampi mo ako kaya hindi ako tulad nila."

"Talaga? Kahit kailan hindi mo ako aawayin na kagaya nila?"

"Oo naman! Hindi kita aawayin," paniniguro niya sa 'kin.

"Promise?"

"Promise!" Itinaas niya ang kaniyang kanang palad bilang pangako.

Gumaan ang loob ko sa pangako ni Jay-Jay.

"Gusto mo ba, ako na lang ang maging hero mo?"

Napa-ngiti ako sa tinuran niya na halos makalimutan ko ang panunukso ng ibang mga bata sa 'kin.

"Talaga? Gusto mong maging hero kita?"

"Oo, kung papayag ka!"

Tumango ako habang naka-ngiti sa kaniya.

"Kung ganoon, magmula sa araw na 'to, ako na ang magiging hero mo. Ipagtatanggol kita kapag may mga nang-aaway sa 'yo."

"Sige ba!"

Mayamaya pa'y mayroon siyang kinuha mula sa kaniyang bulsa. Isang singsing na yari sa plastik.

"Ibibigay ko sa 'yo 'tong singsing bilang tanda na ako ang hero mo. Hangga't na sa 'yo 'to, patuloy kitang ipagtatanggol. Kaya ingatan mo 'to ah! 'Wag mong wawalain."

Inabot niya ito sa 'kin.

" 'Wag mong wawalain ah!" Pag-uulit niya.

"Oo, promise!" Sambit ko pagka-abot ko nito.

(End of Flashback)

Muling umagos ang luha sa 'king mata habang inaalala ang mga nangyari. Tinupad naman niya ang pangako niya noon na siya ang magiging hero ko. Lagi niya akong pinagtatanggol dati, tinutulungan, at sinasamahan. Lagi kaming magkasamang naglalaro. Paborito naming laro noon 'yung kunwari mapapahamak ako tapos sasagipin niya ako.

"Asan ka na kaya?"

Napa-pikit na lang ako upang pakawalan ang mga luhang nagpapalabo sa aking paningin.

"Sana, sana andito ka na lang ulit," bulong ko sa hangin.

Kung andito siya, siguro kanina pa niya ako sinagip. Siguro kasama ko siya ngayon at pinapalakas niya ang loob ko. Siguro hindi ako umabot sa ganito na umiiyak ngayon.

"Ano na kaya'ng nangyari sa 'yo?"

Para na akong baliw na parang kinakausap siya kahit alam kong hindi naman niya ako naririnig.

"Asan ka na kaya? Sana,"

"Sana makita na ulit kita!"

Hindi ko maiwasang ma-miss siya.

"Kailangang-kailangan ko ng hero."