HER POV.
It's already 6:30 in the evening and yet, we're still here. Nilalamig na nga ako eh kahit may coat na ako't lahat.
"Mamang inglisero, may load ka? " tanong ko sa kanya.
"W-wala eh. " nauutal nyang sagot. Nakita ko ang panginginig ng labi nya. It means, nilalamig na sya. Tinanggal ko ang coat nya sa likuran ko saka lumapit sa kanya at nilagay sa katawan nya.
"T-thats *sniff* for y-you. " sabi nya. Tingnan nyo, sinisipon na rin. Ako nilalamig lang, sya nagsisimula na syang magkasakit.
"Hindi ko kailangan nito. Ikaw ang mas nangangailangan nito. " sabi ko sa kanya.
"P-pero--"
"Wag ka ng makipagtalo. Ang mahalaga, mabawasan 'yang pagka-lamig mo. " sabi ko sa kanya. Tabi na kami ngayon at dahil dun ay ramdam na ramdam ko ang panginginig nya. Parang gusto kong syang yakapin? Baka sakaling mabawasan 'yung coldness na nararamdaman nya if niyakap ko sya kasi diba may tinatawag tayong body heat.
Gusto ko syang yakapin kaso baka isipin nya na may gusto ako sa kanya o kaya ay minamanyak ko sya. 'Wag na nga lang.
'Yakapin mo na. Hindi ka ba naaawa sa tao? ' bulong ng isang bahagi ng utak ko.
Ayoko nga eh! I mean, gusto ko kaso baka bigyan nya ng malisya.
'Duh! Uunahin mo pa ba 'yang iniisip mo kesa dun sa taong namamatay na? '
Bwiset na konsensya 'to! Kinokonsensya pa ako!
Oo na!
Lumapit ako kay mamang inglisero.
"Huy. " tawag ko sa kanya sabay kalabit.
Pero hindi man lang sya kumibo.
"Mamang inglisero. " tawag ko ulit.
Patay na kaya 'to? Ay, erase. Erase.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan sya, tulog ata 'to eh. Kinapa ko ang leeg nya at goooosh! Ang init bes!
"Jackson, hey, wake-up! " gising ko sa kanya at mahinang tapik sa mukha nya. Honestly, I feel awkward everytime I say his name. Sanay kasi ako sa mamang inglisero eh.
"Jackson. " tawag ko sa kanya.
Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin.
"Please, don't leave me. Stay with me. Please. " sabi nya habang nakayakap sakin. O-kaaaay. Siguro napapanaginipan nya 'yung babaeng gusto nya. Tsk, lalo tuloy akong na-curious kung sino sya. Niyakap ko din sya pabalik.
"No, I won't. I won't leave you. I promise. " sabi ko rin. Ano ba 'yan? Bat kasi ngayon pa umulan eh tapos ngayon pa ako nawalan ng load tapos ngayon pa nagkasakit 'tong si mamang inglisero?
"Lord, help us please. Sana may dumating na kakilala namin parang awa nyo na. Kahit sa lalaking kasama ko na lang kayo maawa. Amen. " sabi ko saka mag-sign of the cross.
Hayys, nakakaantok na. Pinatong ko ang ulo ko sa ulo ni mamang inglisero na nakapatong sa balikat ko saka unti-unting natulog.