webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Lainnya
Peringkat tidak cukup
45 Chs

22: His Reason

HIS POV.

Siguro nagtataka na rin kayo sa ka-wirduhan ko 'no? Pinagisipan ko talagang mabuti 'yung nangyayari sakin. Nagpa-check-up ako sa doctor kung bakit bumibilis 'yung heartbeats ko kapag nakikita kong nakangiti o tumatawa si stupid girl at ang sabi sakin ng doctor..

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa hospital. Magpapa-check up ako sa puso. Baka kasi may sakit pala ako tapos mamamatay na pala ako. Tsaka, diretso na rin 'to tutal binabantayan ko naman si stupid girl ngayon eh.

"Good afternoon, nurse. " sabi ko sa babaeng nurse.

"Yes, sir? " tanong nya. Psh! Ang pabebe ng salita eh.

"Magpapa-check-up lang sana ako. "

"Ah, sige po sir, upo lang po kayo dito. Ano po bang ipapa-check-up nyo? " tanong nya na para bang inaakit ako. Naka-yuko pa eh, kitang-kita 'yung hinaharap nya. Umiwas na lang ako ng tingin.

"'Yung puso ko. " diretso kong sagot.

"Eto naman si sir, nabanat pa. " sabi nya na kinikilig pa. Lah? Nabanat? Ano ako, goma?

"What are you talking about? Kung sa tingin mo bumabanat ako dahil type kita, hindi 'yun ang sinasabi ko. Seryoso ako na magpapa-check-up ako sa puso. "

Nakita ko naman kung paano sya napahiya.

"A-ahh, sabi ko nga sir, sige kuhanin ko lang po 'yung stethoscope. " sabi nya saka umalis.

Nang makabalik na sya ay chineck nya na ang heartbeat ko.

"Normal naman po 'yung heartbeat nyo sir. " sabi nya pagkatapos akong obserbahin.

"Ganon ba? Meron kasing weird na ginagawa 'tong heart ko eh, kapag nakikita ko kasi si stupid girl na natawa o nangiti, bumibilis 'yung tibok ng puso nya. Sa tingin mo, bakit kaya? " tanong ko pero nginitian lang ako.

"Nako sir, wala po kayong sakit sa puso, inlove lang po kayo. "

'Inlove lang po kayo. '

'Inlove lang po kayo. '

'Inlove lang po kayo. '

*End of flashback*

After that, nag-search pa ako sa google kung ano 'yung signs kapag inlove ka and that's it! Bumibilis ang heartbeats ng puso. Pero para talagang makasigurado akong inlove ako sa stupid girl na 'yun ay tinanong ko ang kakambal ko at ang sagot ba naman sakin..

'Kyaaaaaaaah! You're inlove JL! You're really inlove!'

At nagpa-party pa sya -_____-

Kaya eto ako ngayon, may pagka-weird. Maliban kasi sa pag-bilis ng tibok ng puso ko, ini-stalk ko rin sya. Nakakahiya mang sabihin pero, tama si stupid girl, I'm stalking her. Sa totoo lang, ang lapit na nya sa ideal girl ko.

Ang ideal girl ko kasi ay masayahin, palaban, simple at hindi sexy. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa sexy eh, hindi naman kasi katawan ang habol ko sa isang babae, ugali.

Oo, gangster ako but I'm not the other gangster there na maraming babae, mahilig sa sexy at malandi. Allergic nga ako sa mga babae kaso anong magagawa ko? Chick magnet ako. Hayys, mahirap pala talagang maging gwapo.

'Wag nyo 'kong pagtatawanan, okay?

Ang totoo kasi nyan, hindi pa ako nagkaka-girlfriend.

Kaya ako naging sweet sa kanya ngayon kasi gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kagusto. Gusto ko syang ligawan pero hindi pa kami magkaibigan. Ika nga nila, "Friendship is the foundation to all good relationship. " Tama ba? Ah, basta. Torpe na kung torpe pero okay na din 'to.

Akala ko talaga hindi ko sya magugustuhan but I'm wrong. Hindi ko pala namalayan na nahuhulog na ako sa kanya. Nabusog ako sa mga kinain kong salita. Bwiset talaga! Si kupido may kasalanan nito eh!