webnovel

The Fangirl (Published under Dreame)

Serenader 3: JAMESON FAULKERSON With: LANCE JEROLD KIM

AriadneWP · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
99 Chs

Chapter 7

[JAMESON'S POV]

Ngayon ko lang nabalitaan ang pag-quit ni Kisses bilang actress. Masyado akong naging busy sa mga guestings ko sa TV show kasama si Elisa. Kung hindi lang dahil sa isang liham ay hindi ko malalaman ang katotohanan.

***

"Wala na si Kisses sa showbiz. Wala na ang babaeng sisira sa career mo at pati na rin sa mga plano ko sa 'yo. Siguraduhin mo lang na hindi ka na ulit lalapit sa kanya. Mas lalo pang magiging miserable ang buhay niya kapag ginawa mo yun. Ginagawa ko lang 'to para mas tumaas pa lalo ang popularity mo."

- B.M.

***

Hindi ko mapigilang maikuyom ang kamao ko dahil sa nabasa ko. Palagi na lang ako nakakatanggap ng itim na liham mula sa taong 'to. I tried to investigate this letter sender pero magaling siya magtago. Hindi siya mahagilap even the CCTV cameras. This is the reason kung bakit ko nilalayuan palagi si Kisses. Simula nang mag-hit ang loveteam namin ni Elisa ay unti-unti namang nalaos ang loveteam namin ni Kisses. Doon na ako nakakatanggap ng itim na papel na ang sender ay nakatago sa pangalang B.M. May mga pagbabanta ito sa akin. Isa na do'n ang paglayo ko kay Kisses. Kapag hindi ko yun ginawa ay may mangyayaring masama sa kanya. Noong una, hindi ko ito sinunod. Dahil sa tingin ko ay prank lang 'to at hindi totohanin ang pagbabanta niya. Pero simula nang may lumabas na issue tungkol kay Kisses na kung sinu-sinong lalaki ang dinedate niya which is not true ay doon na ako nakaramdam ng kaba. Ang nakakalungkot pa ay imbes na ipagtanggol ng agency namin si Kisses ay tinerminate nito ang kontrata niya dahil sa issue. Wala man lang ako nagawa para ipagtanggol siya dahil sa natanggap kong kasunod na pagbabanta muna kay B.M. Siya ang nagpakalat ng pekeng issue. Tinotoo niya talaga ang pagbabanta niya. Dahil sa nangyari ay sinunod ko na siya para tantanan na niya si Kisses.

Ngayong wala na si Kisses sa showbiz. Sa tingin ko ay ito na huling sulat na matatanggap ko mula sa kanya. Nagtagumpay na siya sa kanyang plano para sa akin.

Patawarin mo sana ako Kisses kung nasaktan kita. Ito lang ang paraan ko para protektahan kita mula sa kanya.

*kriiiinnnnngggggg!*

Tumunog naman ang phone ko. As usual, my manager is calling me. Siguro may bago na naman akong project. Hay! Kailan kaya ako makakapagpahinga?

Sinagot ko yung tawag.

"Hello manager? Napatawag ka?"

("Where are you right now Jameson?") tanong sa akin ng manager ko. Halatang galit ito sa 'kin. May issue na naman ba tungkol sa 'kin?

"I'm in my condo unit right now. May problema ba?" I asked.

("Yes, malaking problema. I just watched Elisa's recent interview. May sinabi siya sa interview na ideal guy niya raw ang kalaban mo sa showbiz na si Lance Jerold Kim.") - My Manager

"Tumawag ka para lang diyan? Eh ano naman kung ideal guy niya ang mukhang paa-ng 'yun?"

("Do you think I called you kung walang problema? Malaki ang magiging epekto nito sa career mo. You know that Elisa is always No. 1 on Brand Reputation Ranking for Most Famous Actress in consectutive months. Dahil sa kanya ay maayos pa rin ang career mo sa showbiz despite of nalalamangan ka na ng lalaking yun. Pero ngayon, dahil sa recent interview niya, I don't know kung ano na ang mangyayari sa career mo. Marami akong nababasang positive feedback mula sa netizens tungkol sa kanila. Bagay daw sila, sana magka-movie o teleserye sila together, or worst sana maging official loveteam sila. Mas lalong bababa ang popularity ranking mo kapag mawala sa 'yo si Elisa.") - My Manager

As usual, popularity ko lang naman ang mahalaga sa kanya. He never cared about my feelings. Kung hindi lang sana pinalitan ng agency ko ang dati kong manager ay may kakampi sana ako ngayon.

"Anong gusto mong gawin ko?" I asked my manager. I have no choice but to solve this fucking problem. Baka magpadala ulit sa 'kin yung B.M. sender ng black letter na may pagbabanta at may gagawin na naman siyang hindi maganda. I need to protect the people around me especially Kisses.

("You need to court Elisa.") - My Manager

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya sa 'kin.

"What? No way. Hindi ko magagawa 'yang sinabi mo."

("Iyon lang ang naisip kong solusyon sa problema. Unless meron ka ring naisip na solusyon.") - My Manager

"Well, wala pa. Just give me time to think." I said.

("Three days is enough to think. Pero kung wala kang naisip na solusyon, susundin mo ang solusyon kong ligawan mo si Elisa.") - My Manager

Huminga ako nang malalim. "Okay." at pinatay ko na ang tawag. I need to go to my friend's restobar. Kailangan ko munang mag-unwind. Baka maka-isip ako ng plano do'n.

***

Nang makarating ako sa restobar ng kaibigan ko ay sinalubong agad ako nito.

"Bro, long time no see. Kumusta ka na?" salubong sa 'kin ni Tim nang makapasok ako.

"As usual. Ikaw, kumusta ka na? Hindi mo man lang sinabi sa 'king nakauwi ka na." tugon ko sa kanya.

"Lowbat kasi ang phone ko kaya hindi ko nasabi sa 'yo." - Tim

Napatango lang ako sa sinabi niya.

"Oh hi Jameson." narinig kong bati sa 'kin ni Dave nang makita niya ako. Kaibigan din namin ni Tim.

"What do you want to order? Food or drink?" tanong sa 'kin ni Tim.

"Drink. Give me your expensive wine." sagot ko.

"Woah! Mukhang maglalabas ng gold card si Jameson." narinig kong react ni Mitchell. Friend din namin.

"Jameson best boy." - Dave

Umupo ako sa isang bar stool at hinintay ang order ko.

"Wait, si Kisses yun ah. Puntahan natin." - Dave

Nagpantig ang tenga ko sa sinabing pangalan ni Dave.

"Wag na, mukhang may date yata siya. May kasama siyang isang lalaki." - Mitchell

Hinanap ko naman siya sa bahagi ng restobar.

And I saw her.

Kasama na naman niya ang mukhang paa-ng 'yon. Si Lance. Kahit na naka-disguise ito ay alam kong siya yun.

"Mukhang tama ka nga. Pero mukhang pamilyar sa 'kin yung guy." - Dave

Nakita kong tumayo si Lance at parang papunta ito sa restroom. Naiwan si Kisses na mag-isa.

"Ito na ang order mo." - Tim

"Thanks bro." tugon ko habang hindi ko pa rin iniiwas ang tingin ko kay Kisses.

Lalapitan ko ba siya?

"Lapitan mo na bro. Alam kong namimiss mo na siya." sabi sa 'kin ni Tim which gives me courage to do it.

I was about to stand up para lapitan siya pero may isang babaeng lumapit sa kanya. She's not familiar to me.

"Woah! New friend ni Kisses? She's pretty." narinig kong sabi ni Tim. Halatang na-crush at first sight na ito.

Well, she's pretty. But I don't care though. Si Kisses pa rin ang pinakamaganda para sa 'kin.

[RAFAELA'S POV]

Pagkarating ko sa isang restobar ay hinanap ko agad siya. Nag-aya kasi 'tong si Kisses at sa isang mamahaling restobar pa talaga. Ayoko namang tanggihan dahil ang rude ko naman para gawin yun since new friend ko siya. Hindi ko tuloy napaghandaan ang suot ko. Halata ngang mamahalin yung restobar na 'to dahil sa labas pa lang ay sosyal na. Mukhang mapapasubo ako sa laki ng magagastos ko rito.

Nang mahanap ko si Kisses ay agad ko siyang nilapitan. Hindi naman siya mahirap hanapin. Kahit malawak sa loob ay konti pa lang naman ang customers dito which is mostly mayayaman. Ako lang yata ang mahirap dito.

"Rafaela." salubong niya sa 'kin at niyakap niya ako.

"Pasensiya na Kisses kung ngayon lang ako. Hindi ko kasi napaghandaan yung suot ko. At saka first time ko rin dito." sabi ko sa kanya.

"It's okay friend. You're just in time. At saka you look great nga sa suot mo. Napaka-elegante mong tignan." tugon ni Kisses. Ang suot ko kasi ay sparkling crop top na tinernohan ko ng loose long pants at high heels. Mayroon din akong dalang gucci designed na purse which is fake. Ang laman lang ng purse ko ay phone, makeup, at kakarampot na perang meron ako.

Umupo na ako sa isang vacant seat sa kabilang side ni Kisses. Bale kaharap ko siya ngayon.

"By the way, may kasama pala tayong isa pa. You know him na at nasa restroom siya ngayon. Tsaka siya rin ang magbabayad lahat ng inorder natin." sabi sa 'kin ni Kisses.

Napatango naman ako at nakahinga nang maluwag dahil do'n. Hindi na kasi ako gagastos pa rito although nakakahiya rin naman. But I need to accept it dahil konti lang talaga ang meron akong pera.

Habang hinihintay namin yung isa pa naming kasama ay napatingin ako sa paligid ng restobar. Hindi ko mapigilang mamangha. Halatang mamahalin talaga ang place na 'to. Para siyang isang fancy restaurant at the same time ay bar na rin. Kaya nga restobar eh.

Pero may pumukaw sa aking mga mata.

Tama ba 'tong nakikita ko?

Isang robot waiter na nagserserve ng orders sa mga customers? Ang astig! Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.

"Hmm! I think you like this place."

"Ay kalabaw!"

Nagulat naman ako nang may nagsalitang isang lalaki mula sa likod ko.

"Tim, ikaw pala. Bumalik ka na pala rito. Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin?" narinig kong sabi ni Kisses sa lalaki.

"Pasensiya na Kisses. Na-lowbat kasi ang phone ko kaya hindi ko nasabi sa 'yo. By the way, who's this lovely lady?" sabi ng lalaki at nakatingin na ito sa 'kin. Pakiramdam ay namumula na ang pisngi ko sa huling sinabi niya. Ang gwapo niya. Para siyang isang k-pop idol slash model ng Calvin Klein underwear.

"She's Rafaela. My new friend. Co-trainee ko siya actually." pagpapakilala ni Kisses sa 'kin sa gwapong lalaking 'to.

"Nice to meet you Rafaela. I'm Tim by the way. Friend din ni Kisses at ang owner ng restobar na 'to." pagpapakilala naman ng lalaki sa sarili niya sa 'kin. Woah! Sa kanya ang restobar na 'to?

"Nice to meet you Tim." tugon ko naman. Nilahad ko ang isa kong kamay sa kanya para makipag-shakehands.

Hinawakan naman niya ito. Pero imbes na makipag-shakehands ako sa kanya ay hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"It's a pleasure to meet a beautiful lady like you." sabi niya sabay kindat sa 'kin.

"Hay naku Tim! Lahat na lang ng babae ay sinasabihan mo ng ganyan." narinig kong sabi ni Kisses.

"Grabe ka naman Kisses, 'wag mo naman akong siraan sa harap niya." - Tim

"Wag kang ma-fall sa kanya Rafaela. Playboy 'yang si Tim." - Kisses

Nakita kong napakamot si Tim sa ulo niya. Mukhang nagsasabi ng totoo si Kisses.

"Anyway, hindi mo ba lalapitan si Jameson? Nando'n siya ngayon sa bar counter. Gusto ka sana niyang lapitan pero yung loko, nahihiyang lumapit sa 'yo." sabi ni Tim kay Kisses habang nakatingin sa bar counter.

Napatingin naman ako sa bar counter at may nakita akong isang pamilyar na mukha.

Biglang nag-heartshaped ang mga mata ko.

OMG! Si Jameson Faulkerson. Nanaginip na naman ba ako?

Kinurot ko ang isa kong braso. Waaa! Hindi ako nanaginip! Nakikita ko siya ngayon.

Nakita kong umiinom siya. Shems! Para siyang nag-e-endorse ng isang alak. Kahit pag-inom pa lang niya ay model na model na ang datingan. Ang gwapo niya sa personal kahit may kalayuan ang tingin ko sa kanya.

"Rafaela."

Natigil naman ang pag-de-daydream ko nang tawagin ako ni Kisses. Hindi ko napansing wala na pala si Tim.

"Ha? Ano nga ulit ang sinabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Napansin ko kasing nakatingin ka sa kanya." sagot sa 'kin ni Kisses sabay turo kay Jameson my loves. Hala! Napansin niya ang pagtitig ko kay Jameson. Hindi pa niya alam na isa akong Jamesonatics. Na-guilty tuloy ako lalo na't alam kong may past silang dalawa sa showbiz.

"Sorry kung nakatingin ako sa kanya. Isa kasi ako sa mga fangirl niya." pag-amin ko kay Kisses. Ayoko namang magsinungaling sa kanya dahil friend ko siya.

Ngumiti naman siya sa 'kin. "Gano'n ba? Kaya pala. But you don't have to say sorry. Okay lang naman sa 'kin kung isa ka niyang fangirl. Walang kaso sa 'kin yun." - Kisses

Ngumiti lang din ako sa kanya. Sana hindi siya mailang sa 'kin lalo na't alam na niya ang katotohanan. Natatakot akong baka isipin niyang isa ako sa mga haters na nag-co-comment ng negatibo sa kanya. Mostly kasi sa Jamesonatics fandom ay hate na hate siya, excluding me. Sa totoo lang, mas gusto ko pa nga siya kaysa kay Elisa Vermunte. Pero mas gusto ng karamihan sa Jamesonatics ay si Elisa.

May bigla namang lumapit sa 'ming isang lalaki. "Sorry Kisses kung natagalan ako sa restroom. Tumawag kasi ang manager ko."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ng lalaki.

.

.

.

.

.

Ang lalaki sa bus.

"I-ikaw?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Napatingin naman sa 'kin ang lalaki. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa suot niyang cap at shades.

"Rafaela, are you okay? Parang nakakita ka kasi ng multo?" tanong sa 'kin ni Kisses.

"Eh kasi Kisses. Ito yung lalaking aksidente kong nahalikan dati sa bus." pagpapaliwanag ko sa kanya kahit na wala siyang ideya sa nangyari.

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Really? Nahalikan mo na dati si Lance?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. Teka, paanong si Lan...

*shock*

Napatakip ako bigla sa bibig ko nang ma-realize ko na ang sinabi ni Kisses.

"It's nice to see you again for the third time, Rafaela." sabi sa 'kin ng lalaking 'to.

No way. This can't be happening to me.

First kiss ko si Lance Jerold Kim? Ang lalaking kinaiinisan ko at kalaban ng my loves kong si Jameson?

Waaaaaaa! Hindi pwede 'to!

To be continued...

AriadneWPcreators' thoughts