webnovel

The Fangirl (Published under Dreame)

Serenader 3: JAMESON FAULKERSON With: LANCE JEROLD KIM

AriadneWP · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
99 Chs

Chapter 4

[RAFAELA'S POV]

Pagkatapos ng morning class ko ay dumiretso kami ni Lucas papuntang cafeteria para kumain.

"Lucas baby!"

"Waaa! So handsome Lucas."

"Lucas my loves!"

"Lucas, notice me please."

Pagkarating pa lang namin ni Lucas sa cafeteria ay iyon agad ang mga narinig ko. As usual, campus heartthrob slash playboy pala 'tong kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon eh mukha namang unggoy 'to. Pero syempre joke lang. Pogi talaga 'tong si Lucas. Kahawig niya ang lalaking kinaiinisan ko na si Lance Jerold Kim, kalaban ng my loves kong si Jameson Faulkerson sa showbiz. Kaya nga maraming naiingit sa akin dahil friend ko siya. Actually, childhood friend ko si Lucas. Close kasi ang mommy niya sa parents ko kaya naging close din kaming dalawa. Yung daddy naman niya ay may ibang pamilya na. May half-brother siya na once ko lang nakilala noong bata pa kami. Buti na lang at hindi ko na na-meet ulit ang kapatid niyang iyon dahil naiinis ako sa kanya. Napakamanyak niya kahit bata pa lang siya. Ninakawan ba naman niya ako ng halik, although sa cheeks lang iyon pero kahit na. Tapos niyakap din niya ako mula sa likod. Yuck! Nandidiri pa rin ako kapag naaalala ko iyon.

"Hi babe."

May lumapit na isang babae kay Lucas sabay yakap sa braso nito. Ito yung girlfriend ni Lucas last week, or should I say ex-girlfriend dahil tapos na ang one-week relationship nila.

"Ah Jam. Ikaw pala." malanding sabi ni Lucas sa babae.

Parang alam ko na ang kasunod nito.

Bumitaw yung babae sa braso ni Lucas at hinarap niya ito.

*pak*

Tama nga ako. Bigla na lang sinampal ng babae si Lucas. Yung mga estudyanteng kumakain ay napatigil muna sa pagkain at pinapanood ang eksena nila.

"Damn you! It's Yam. Hindi ako palaman sa tinapay." sabi ng babae sabay walk out habang umiiyak.

Napatingin naman ako kay Lucas. Nakita ko siyang hinihimas ang pisnging sinampal ng Yam na yun.

"Ikaw naman kasi. Tigil-tigilan mo na yang pambababae mo. Maliban sa sinasaktan mo ang damdamin nila ay alam mo namang may amnesia ka pagdating sa mga pangalan nila." sermon ko sa kanya. Kahit na kaibigan ko siya ay hindi ko itotolerate ang pananakit niya sa damdamin ng mga babae.

"Ouch! Ang sakit naman ng sinabi mo Rafaela. Wala ka talagang puso para sa akin." at umarte pa talaga si Lucas na inaatake siya sa puso.

"Hindi bagay sa 'yo ang umarteng nasasaktan ka. Syempre babae din ako at alam ko ang nararamdaman nila."

"At hindi mo alam ang nararamdam ko?" - Lucas

"Syempre, alam ko. Alam kong natutuwa kang saktan ang feelings ng mga babae."

"Ay grabe ka naman Rafaela. Napaka-judgemental mo talaga sa akin." - Lucas

"Hay naku Lucas! Pumila ka na nga. Nagugutom na ako." pag-iiba ko sa usapan. Baka tumagal pa 'tong panenermon ko sa kanya.

"Hindi ko na kailangan pang pumila." - Lucas

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bag.

"Tadah!" sabay pakita niya sa akin ang isang lunch box. "Akala mo ikaw lang ang pwedeng magbaon. Syempre meron din ako."

Ngiti lang ang naging reaksyon ko.

"Tara Rafaela." at hinila niya ako palabas ng cafeteria.

"T-teka lang Lucas. Hindi tayo sa loob kakain?" tanong ko sa kanya.

"May naisip akong magandang place para kumain." sagot niya.

Sinundan ko lang si Lucas hanggang sa mapadpad kami sa isang playground.

"Dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yup. Magandang tumambay dito lalo na't napaka-peaceful ng paligid tuwing lunch." - Lucas

Umupo kaming dalawa sa isang swing na may silungan, dalawang mahabang upuan at isang mesa sa gitna. Para siyang picnic table swing. Nilabas ko na rin ang baon kong kanin at adobong baboy na niluto ni Mama.

"Ano nga pala ang baon mo?" tanong ko kay Lucas.

"Pork steak. Pinaluto ko kay Mommy. Gusto mo share tayo? Basta share din tayo sa baon mo." - Lucas

"Sige ba. Gusto ko ring ma-try yang pork steak na niluto ni Tita."

At naghati kami ng ulam ni Lucas para sa isa't isa.

"Hmm! Ang sarap naman nito Lucas." ang komento ko nang matikman ko ang pork steak na baon niya. The best talaga ang Mommy pagdating sa cooking.

"Your Mom's Adobong Baboy will always be my favorite. The best talaga si Tita." komento naman ni Lucas.

At tama nga siya sa sinabi niya kanina, masarap kumain dito sa playground.

Habang kumakain kami ay nagsalita ulit siya. "Oo nga pala, samahan mo ako mamaya sa mall ha." - Lucas

"Ha? Bakit mo naman ako inaya? First time to ha."

"Nahihirapan kasi akong pumili ng gift para sa 'Girlfriend of the Week' ko. Ikaw lang ang makakatulong sa akin since babae ka." - Lucas

Napakaadik niya talaga sa mga babae. Pero nagtataka rin ako minsan.

Bakit hindi rin niya ako gawing 'Girlfriend of the Week' niya? Hindi ba ako masyadong kaganda para syotahin niya ako in one week? I'm just curious lang naman. Hindi naman ako nag-e-expect na maging girlfriend niya. Pero mabuti na ring hindi dahil baka in the end maging awkward lang. At saka loyal ako kay Jameson my loves noh although wala na ang first kiss ko na para lang sa kanya dapat. Huhuhu!

I wonder kung sino kaya yung lalaking iyon sa bus na nahalikan ko?

Magkikita pa kaya kaming dalawa balang araw sa bus?

[LANCE'S POV]

Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain ng fried chicken.

"Grabe, ang sarap talaga nito Lance. Alam mo talaga ang mga pagkaing gusto ko." sabi sa 'kin ni Kisses.

I just smiled while watching her eating. How can everyone hate this girl? Kisses is genuine and have a good heart. She doesn't deserve to be hated by millions of people in social media. I feel bad for her. Kisses is the only person that I trust in showbiz. When I met her in person, I feel lucky to see her and talk to her. She's my idol and also my inspiration to enter the showbiz world. But I don't have a romantic feelings for her. I only considered her as a friend or a sister.

"Okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Oo Lance. Salamat talaga dahil palagi kang nasa tabi ko." nakangiting sagot niya.

"Syempre, parang kapatid na rin kita." tugon ko kay Kisses.

Naiinis talaga ako sa gagong Jameson na yun dahil sinaktan niya ang babaeng 'to. Ano ba ang nakita niya sa Elisa na yun at pinagpalit niya si Kisses bilang official loveteam? Kung sabagay, sarili lang naman niya ang iniisip niya. Kaya lang naman siya kumakapit kay Elisa to gain more popularity. Pero kahit anong gawin niya ay nasa Top 2 pa rin siya at ako ang No. 1. Kaya nga malaki ang galit sa akin ng gagong yun dahil sa tingin niya ay inaagawan ko siya kahit hindi naman.

*kriiiinnnnnggggggg!*

Tumunog naman ang cellphone ko. Nag-text sa akin ang manager ko at pinapabalik niya ako sa company. Baka may new project na naman siguro ako.

"Kailangan ko nang umalis Kisses. Tumawag kasi ang manager ko." sabi ko sa kanya.

"Sige. Well I guess this is goodbye." tugon niya.

"Nope, it is not a goodbye yet. I'll see you soon."

At umalis na ako para bumalik sa agency na pinagtatrabahuan ko.

It is not a goodbye yet Kisses dahil sasamahan kita para sa new journey mo.