webnovel

The Fangirl (Published under Dreame)

Serenader 3: JAMESON FAULKERSON With: LANCE JEROLD KIM

AriadneWP · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
99 Chs

Chapter 3

[KISSES' POV]

Until now ay hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa 'kin ni Jameson kanina.

"I don't like you anymore Kisses. You're just nobody now. Hindi ka nababagay para sa isang tulad ko."

It really hurts me a lot when he said that. Ang dami naming memories sa isa't isa since college days tapos ang ending ay magkakaganito? Life is really not a fairytale. Akala ko ay magiging masaya na ako dahil sa mga blessings na dumarating sa buhay ko after the pain. Pero yung pain na wala na dapat, bumalik ulit.

Ilang saglit pa ay dumating na ang taong inaasahan kong makita ngayon. Ang lalaking pinagkakatiwalaan ko.

"Fuck! What happened to you?" nag-aalang tanong niya sa 'kin. Naabutan niya kasi akong umiiyak. "Why are you crying?"

Ako naman ay napayakap sa kanya habang umiiyak.

"Lance... Sobrang sakit... Hindi ko na kaya pang tiisin 'tong nararamdaman ko..." hagulgol kong sabi sa kanya.

"Is it him? Did he hurt you again?" tanong niya sa 'kin.

Hindi naman ako sumagot dahil alam kong alam na niya ang dahilan.

Si Lance lang ang tanging nakakaalam at umiintindi sa sitwasyon ko. Siya lang ang tanging taong napagsasabihan ko ng lahat tungkol sa akin. He's been close to me simula nang pumasok siya sa showbiz. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya dahil of all celebrities ay ako ang una niyang nilapitan which is nakakagulat. Akala ko kasi ang una niyang lalapitan ay ang official ka-loveteam ngayon ni Jameson na si Elisa dahil mas sikat ito sa akin. Pero ako ang una niyang nilapitan. Nagpakilala pa siya sa akin at sinabi niyang fan daw niya ako. Mas lalo pa namin nakilala ang isa't isa hanggang sa naging close na talaga kami.

"Shhh! Tahan na Kisses. Mas lalo ka lang magiging kawawa kapag nakita ka niyang umiiyak." pagtatahan sa 'kin ni Lance. He is really my superhero. Lagi siyang nasa tabi ko sa tuwing nasasaktan ako o 'di kaya'y kapag kailangan ko ng tulong.

"Pasensiya na kung umiiyak ako ngayon. Dapat pala nating ayusin ang issue na kumakalat ngayon tungkol sa atin." sabi ko sa kanya.

May kumakalat na issue sa amin na nag-da-date raw kami ni Lance. At puro negative comments ang nababasa ko mula sa netizens especially sa akin. Ang sabi nila ay famewhore daw ako. Ginagamit ko raw si Lance para isalba ang career ko sa showbiz. Hindi raw kami bagay. May nababasa rin akong death threats na layuan ko raw si Lance. Natatakot nga ako dahil sa mga pangbabanta nila sa akin. Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko at 'wag magpaapekto sa sinabi nila. Iniisip ko na lang na matatapos din 'tong paghihirap ko.

"Wag muna nating isipin ang issue na yan. Ang mahalaga para sa akin ay ang nararamdaman mo ngayon." sabi sa 'kin ni Lance.

Ito ang gusto ko sa kanya eh. He's just being himself despite of his popularity. Hindi niya iniisip ang sasabihin ng ibang tao, unlike Jameson. Hindi na ako nagtataka pa kung bakit si Lance ang No. 1 sa Brand Reputation Ranking bilang Most Popular Actor every month. He is every woman's ideal actor and leading man. Hindi na niya kailangan pa ng official ka-loveteam to prove na magaling siya sa larangan ng acting. Kahit anong genre pa yan ay game na game siya. Kaya nga naiingit ako sa kanya dahil mas lalong nagiging successful ang career niya. Unlike me, simula nang pumasok si Elisa sa showbiz and replaced me as Jameson's official loveteam ay bumagsak na ang popularity ko. Wala namang kaso sa akin yun, pero dahil sa nangyari ay natigil din ang panliligaw sa akin ni Jameson at iniiwasan na niya ako parati.

"Thank you Lance dahil parati kang nasa tabi ko kapag malungkot ako." sabi ko sa kanya.

"Wala yun. We're friends at ikaw lang ang tanging taong pinagkakatiwalaan ko sa showbiz." tugon niya sa 'kin.

Speaking of showbiz, may sasabihin pala ako kay Lance tungkol do'n.

"But maybe this is the last time na magkikita tayo." sabi ko sa kanya.

Napabitaw naman siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya.

"Eh kasi, napag-isip-isip kong mag-retire na as an actress." sagot ko sa kanya.

"What? You're retiring?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes, although I'm not really quitting showbiz. But I want to try performing again on stage." sagot ko sa kanya.

Pinasok ko lang naman ang pagiging actress because of Jameson. Before Elisa enter the showbiz, ako ang naging official ka-loveteam niya dati. Nag-hit din ang tambalan naming dalawa at binansagan kaming Real Loveteam of PH. Pero ang lahat ng iyon ay nawala when Elisa exist in showbiz. Lahat ng sa akin ay kinuha na niya including Jameson.

Ano pa ba ang magiging dahilan ko para pasukin pa ang pagiging actress kung laos na ako?

"If that's your decision. I will support you. But I hope magkita pa ulit tayo in the future. Alam mo namang you're the only one that I trust. I can't trust anyone even my own manager." sabi sa 'kin ni Lance.

"I don't know kung mangyayari ang sinabi mo. But I hope so. Only future can tell if magkikita pa ulit tayo o hindi na." I said to him.

"Goodluck for your new journey, Kisses Alonte." Lance said. He planted a kiss on my forehead and hugged me again.

I hugged him back. Ito ang mamimiss ko kay Lance. Ang pagiging kapatid niya sa akin.

I guess this is goodbye for Actress Kisses Alonte.

And also goodbye to Jameson Faulkerson.

[JAMESON'S POV]

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa sinabi ko kay Kisses kanina. Shit! What have I done?

I hurt her again, as always. But I have reasons kung bakit ko 'to ginagawa sa kanya. Hindi ko lang talaga masabi.

"Babe, are you okay? Kanina pa ako nagsasalita rito." narinig kong sabi ni Elisa.

But I didn't answer again. Iniisip ko pa rin ang pag-iyak ni Kisses kanina dahil sa akin. If only I could comfort her.

"Be ready for the next scene Elisa." narinig kong sabi ni Direk.

Dahil sa pag-aalala ko sa kanya ay tumakas muna ako sa set para puntahan siya. Matagal pa naman ang next scene ko kaya may time pa ako para sundan siya.

I checked my phone to know where is she right now. I secretly put a chip tracker on her phone so that I can know her location anytime.

Napatigil naman ako nang makarating na ako sa kinaroroonan niya. She's at a restobar right now that our friend owned. This is also our hideout from the showbiz world. Dito namin nagagawa ang mga gusto namin as a normal person.

Nang makapasok ako sa loob ay hinanap ko agad siya.

And there she is. I saw her crying. Balak ko sana siyang lapitan pero may lumapit sa kanyang isang lalaki.

Ang lalaking kaaway ko sa showbiz. Si Lance Jerold Kim.

Nakita kong lumapit si Kisses kay Lance at niyakap niya ito. Napakuyom naman ang kamao ko dahil do'n.

Siya na naman? May balak ba siyang agawin ang lahat sa akin?

Simula nang pumasok si Lance sa showbiz ay malaki na ang galit ko sa kanya. Halos lahat ng meron ako noon ay kinuha na niya lahat. Ang pagiging top spot sa Brand Reputation Ranking for Most Famous Actor in consecutive months. Ang pagiging highest paid actor in the Philippines. Mga endorsements na gusto ko. And even freedom. Tapos aagawin din niya sa akin ang babaeng mahal ko? Ano ba ang meron sa kanya na mas sikat pa siya kaysa sa akin? He's just a piece of trash.

Hindi ko hahayaang agawin din niya sa akin si Elisa bilang official ka-loveteam ko lalo na't napapansin kong may gusto siya sa lalaking yun. Si Elisa na lang ang meron ako.

Pero kukunin ko rin balang araw ang lahat sa kanya na dapat ay akin. My popularity, my freedom, my endorsements at pati na rin ang babaeng mahal ko. Hindi ko hahayaang hilain niya ako pababa nang ganun-ganun lang.

Maghanda ka na sa pagbagsak mo Lance Jerold Kim.