"S-So how can I?" Alangan niyang tanong.
Ano na kaya ang facial expressions nito ni Aladdin ngayon? Si Teacher Amy kasi eh. Bakit ba naman kasi kailangan niyang mag-explain ng ganoon? Hindi ba puwedeng i-orient ko muna iyong tao bago niya pangunahan? Masyadong advance eh.
"Hindi mo ba siya tinuruan bago mo isama rito, Jasmine?"
Well, sanay na ako sa ganiyan niyang linyahan. Hindi ko alam kung bakit pero sa lahat kasi sa amin, ako ang pinakaayaw niya. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya pero lahat ng gagawin ko ay lagi niyang hinahanapan ng mali. So, ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya? Siyempre ang mga tanong nga na gaya niyan which is aaminin ko naman talaga na may mali ako kahit papaano. Well, ayaw kong maging bastos kaya sinbukan kong gawing seryoso ang ekspresyon ng mukha kong kanina ay nakangiti.
"Malamang hindi. Anong gusto mo? Ituro ko pa pati iyong mga nakakairitang pagpapa-visual na hindi ko naman naging practice kahit minsan?" Saad ko sa isip ko pero sa totoo, umiling lang ako bilang sagot sa kaniya. Hindi naman ako ganoon kabastos eh. Saka, baka maging iba na ang tingin sa akin nitong kasama ko pag ginawa ko iyon.
"H-Hi!" Saad ni Aladdin sa kung sinumang balak niyang lapitan. Hindi ko alam kung sino eh saka wala akong paki, nasa cellphone ko iyong attention ko.
Paano kami nag-ce-cellphone? Iyan lagi ang tinatanong sa amin sa tuwing makikita nila kami na may hawak na telepono o kaya naman pag trip lang nilang itanong. Ganito kasi iyan. May application sa android na tinatawag na talkback at voice over naman kapag sa IOS. Sinasabi noong application na iyon ang kung anumang nakalagay sa screen o kung saan kami nag-na-navigate. Sinasabi rin noon lahat ng pipindutin namin sa keyboard ng phone kaya nakakapag-type kami. Tapos, puwede mong bilisan o kaya bagalan ang pagsasalita noon, depende na lang sa gusto mo at sa kapasidad ng pag-intindi mo. Iyong iba naming gamit, nagsasalita rin. Halimbawa ay iyong scientific calculator o kaya iyong calculator lang talaga. Iyong relo rin kaso ang pangit lang doon, halatang-halata na bulag ang gagamit kasi kakaiba iyong mga hitsura nila. Hindi naman siya sobrang iba pero medyo weird lang siyang tingnan kasi hindi siya katulad ng mga normal na gamit talaga.
Paano naman kami nagsusulat? Mayroong tinatawag na braille. Puro tuldok lang ang hitsura noon pero bawat tuldok ay may katumbas na letra, o di naman kaya ay contractions. Hindi puwedeng paliitin ang sulat ng mga bulag, unlike sa sulat ng mga nakakakita kaya may tinatawag na contraction na kung saan nagiging shortcut siya para mabawasan iyong cell ng slate na gagamitin. Iyong slate? Pinapasukan iyon ng papel tapos doon kami magtutuldok gamit ang stylus, kumbaga sa nakakakita ay lapis.
"Jasmine? Okay ka pa?" Napahaba yata ang pag-e-explain ko ah. May bigla na lang kasing humawak sa balikat ko at obvious na kung sino. Nandito na pala si Aladdin.
"Oo. ikaw? Buhay ka pa?" Bigla naman siyang natawa sa tanong kong iyon. Anong nakakatawa? Seryoso kaya ako.
"Of course. I just went to a new adventure I guess." Sagot niya na parang masayang-masaya pa. Pero WTH? Anong adventure pinagsasasabi nito? Nababaliw na ata.
"Adventure? Mukha bang adventure itong pinasukan mo? Ikaw eh. Nagprisinta ka pa kasi."
"Ang saya kaya. Kasi naman, nag-ce-cellphone ka na nga, nakasagad pa ata ang volume ng earphones mo. Nakipag-visual-an lang naman ako sa mga iba nating kasama rito. But, I admit. Medyo hindi ko ito expected. Sobrang iba mo kasi sa kanila eh."
"Paanong iba?" Pagtatanong ko pa rin kahit na kung tutuusin ay alam ko na naman ang sagot.
"Like, hindi mo ni minsan hinawakan ang mukha ko, kahit pa noong una tayong nagkakilala. Ni hindi mo rin pinakialaman o tinanong man lang kung anong suot ko o kung anong kulay ng mga bagay na mayroon sa paligid. Hindi rin kita nakitang mangapa, not unless may hinahanap ka. Hindi mo rin tinanong kung sino ako kahit na minsan bigla na lang akong lalapit sa iyo."
Tama nga ang hinala ko. Ganitong, klaseng mga practice nga ang makikita niya. So ano? Lalayo na kaya siya sa akin kahit na iba naman ako? O mananatili pa rin siya sa tabi ko dahil aware na siya at wala siyang pakialam kahit ano pang malaman niya? Bihira kasi ang nakikipagkaibigan sa aming mga bulag dahil sa maling perseption. Gaya nga ng sabi ko, madalas nila kasing nilalahat pag nakita na nila sa isa kahit kung tutuusin ay hindi naman dapat.
"Kung ginawa ko iyon, anong magiging impression mo sa akin?" Medyo tumalikod ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang sagot na aasahan ko. Malay ko ba kung ang isagot niya ay malamang iba ang tingin niya noon sa akin at didistansya siya sa akin sa tuwing makakasalubong niya ako.
"Hmmm. Wala naman. Siguro ganoon pa rin?" Mukhang alangan ah! Nagsisinungaling ata ito, as if naman maitatago niya sa akin ang katotohanan na ganiyan ang pagtingin nilang mga sighted sa lahat ng bulag.
"Next time ba, do you want me to describe you the surroundings? I can do that, you do not need to ask for it. Do you also want me to let you touch everything? Kasi nga hindi ba? For you to visualize anything and everything, we should let you touch and explore your surroundings." Dagdag niya pa. So ano ito? Parang sa pag-aaral lang? After ng lesson, may application dapat?
"No. Ayaw ko. Ayaw. Ayaw." This time, humarap na ako sa kaliwa ko dahil nandoon siya.
"Pero sayang din naman kasi-"
"Wala naman akong pakialam sa paligid ko eh, not unless bagong environment. Saka, kasayangan pa sa oras kung ipapakapa mo pa sa akin ang lahat."
"Eh bakit sila?"
"Kasi, hindi ako pinalaki sa practice na ganoon. Imagine mo na lang kapag nakakita ka ng kapa nang kapa. Nakakairita iyon hindi ba? Puwede naman kasing i-explore ang surroundings kahit hindi ka kumapa ng mag-isa eh. Mas maganda kasi para sa akin na ang mga makakapa ko lang ay iyong mga dapat kapain saka iyong wala akong masisirang kahit ano."
"Eh di tutulungan kita sa pangangapa mo." Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon at halos hindi ko na mapigilang humagikhik sa harap niya.
"Why are you laughing? I'm serious."
"Hindi ko kasi maintindihan pero ang green ng naiisip ko sa sinabi mo."
"Jasmine, listen to me. Hindi green ang sinasabi kong pangangapa. Ang sinasabi ko is I'm gonna help you to visualize everything nang hindi ka nakakasira ng kahit ano." Parang gustong maluha ng mata ko sa sinabi niyang iyon. Bibihira kasi ang lalaking kasing bait niya at bibihira lang din iyong taong willing talaga na tulungan kami. Si Papa nga lang ang kaisa-isang lalaking mala-Aladdin sa akin eh. Iyon bang he's always showing me the world, yeah, like that.
"Sure ka ba sa sinasabi mo, Aladdin?" Itinanong ko para may assurance ako.
"Yes. If you will let me." Hawak na naman niya ng dalawang kamay ang pisngi ko habang sinasabi iyon. Ano ba? Tradisyonal na ba talaga sa kaniya ito? Ano bang mayroon sa pisngi ko at lagi niyang hinahawakan? Saka ano rin bang mayroon at umiinit ang mukha ko sa tuwing gagawa siya ng kahit anong galaw?
"I will," Maikling sagot ko na siya naming tinugunan niya ng shake hands.
Hindi na umimik si Aladdin pagkasabi ko noon kaya hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Paano naman kasi niya gagawin ang sinasabi niya na sa tingin ko ay katulad ng ginagawa ni Papa? Saka, pagtitiyagaan niya ba iyon? Cellphone na lang sana ulit ang aatupagin ko nang biglang may kumalabit sa akin. At sino naman itong napakalaking istorbo na ito? Busy ako sa cellphone ko eh.
"Hi, Jasmine! Here's Carra, at your right. And who is with you?" Ah, si Tita Irene pala, Mamma ni Ate Carra na isa sa mga bestfriend ko na bulag din. Ang dami kong bestfriend ano? Para kasi sa akin, pare-pareho lang ang halaga ng mga kaibigan ko, walang rank 1 to 10.
"Si Alad-"
"Ali po. Ali." Pagputol niya sa sasabihin ko, dahilan ng mapangiti ako sa isip ko.
"Are you Jasmine's boyfriend?"
Ano ba naman ito? Puwede bang umalis muna sandali kung ito lang ang itatanong ni Tita Irene? Hindi ko na kasi alam kung paano ko pa pakakalmahin, ang buong Sistema ko eh. Para akong sasabog na hindi ko alam tapos para rin akong tumatakbo at walang pupuntahan dahil dead end ang tinatahak ko. So ano ito? Over acting lang ba ako mag-react o may ibig sabihin ang lahat ng nararamdaman ko?
"No po. We're just friends." Nakaramdam naman ako ng kaunting lungkot noong sabihin niya iyon. Bakit kaya?
"Okay, sige, sabi mo eh. Ikaw nang bahala sa kaniya Jasmine, ha?" Pagpapatuloy niya at tumango na lang ako bilang sagot. Hilig ko iyon eh, bakit ba? At iyon, nagpaalam na siya sa anak niya at ako na naman ang kukulitin nito for sure. Panibagong orientation na naman din para kay Aladdin.
May iba't ibang manorism kasi ang mga blind pero case to case basis kasi iyon. May mga blind na ikot nang ikot, mayroon din kapa nang kapa, mayroon ding laging nakayuko, at mayroon ding nagtutuktok ng mga bagay. Tapos, may mga tinatawag din na MDVI o multiple disability with visual impairment. Ibig sabihin, may mga iba pa silang kapansanan bukod sa pagiging bulag like autistic din sila, o kaya may intelectual disability, at iba pa. Isa na si Ate Carra sa mga tinutukoy ko kaya ko nasabing bagong kaalaman na naman ito para sa taong kasama ko ngayon. Hindi niya pa kasi nakikilala si Ate Carra eh.
"Ate Jasmine?" Sinasabi ko na nga ba ito na naman ang bungad nito sa akin eh. Lagi niya kasi akong tinatawag na ate kahit mas matanda naman siya sa akin.
"Hmmm?"
"Mamaya bibigyan mo ako ng box?" Jusko ano na? Paano ko siya ipapakilala kay Aladdin? Excited ako, oo. Pero kaya niya kayang i-handle ito?
"Sige, mamaya. Gusto mo may laman pa sa loob eh. Oo nga pala, Ate Carra. Mai ipapakilala ako sa iyo." At inilahad ko ang kamay niya sa direksyon kung saan sa tingin ko ay nandoon pa rin si Aladdin.
"Ano pangalan mo po?" Malamang sa alamang, tinanggap na niya ang kamay ni Ate Carra. Nagkakatanungan na eh.
"A-Ali. Ikaw? Carra ang name mo hindi ba?" O sige hayaan na lang muna natin silang mag-usap, hindi muna ako iimik.
"Opo."
"So iyon nga, ako si Ali. Friend ako ni Jasmine."
"Kuya Ali, gusto ko po manonood kami ni Ate Jasmine mamaya." Teka. Cellphone lang ang dala ko at hindi hard drive! Paano na ito?
"Puwede naman. Anong papanoorin ninyo?" At halos mabitawan ko ang cellphone ko sa sagot niya.
"Aladdin po."
Yes totoo ang sinabi niya. Kahit naman kasi MDVI siya, pinalaki pa rin siya nina Tita Irene na nanonood ng mga movies and fan din siya ng Disney gaya ko. Hindi ko lang alam kung bakit sa lahat ng kaaadikan niya, Aladdin pa talaga. Hindi naman sa bawal, kaya lang luma na iyon saka iba ang kuwento noon.
"A-Aladdin? Luma na iyon eh. Pangit iyon!"
"Hindi po."
"Pangit iyon. Luma na saka pangit ang animation ng Disney sa movie na iyon." Natatawa tuloy ako. Pakiramdam ko kasi, naiirita na itong si Ate Carra sa pinagsasasabi ni Aladdin. Aba! Laitin daw ba ang favorite movie niya?
""Maganda po ang Aladdin kasi favorite ko po iyon." O hindi ba? Sabi na tama ako eh. Ganiyan na kasi ang linyahan niya kapag naiirita na siya.
"Ikaw naman, Ate. Joke lang naman eh. Alam mo, ganoon din name ko."
"Aladdin?" Halata ko naman ang pagtataka na bumabalot kay Ate Carra kaya ako na ang sumagot.
"Yes. His name is Aladdin but he prefer if you will call him Ali."
At hayun. Tuluyan ko nang inilihis ang atensyon ko dahil naglalaro na sila. Parang bata lang din si Aladdin na makikipaglaro at makikipagtawanan sa kaniya tapos hahawakan din niya iyong mga box na mayroon si Ate Carra. Nabalik lang ulit ang atensyon ko noong umupo na sila ulit at mag-usap. Noong una, maayos pa ang usapan eh. Hanggang sa,
"Ate Carra, puwede bang humarap ka sa akin at tumingin ka sa akin ng diretso?" Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Paano mangyayari iyon eh bilang MDVI talagang manorism niya na igalaw sa iba't ibang direksyon ang ulo niya?
"Ali, you can't force her to face you. Normal na sa kanila iyan." Pagsingit ni Teacher Amy pero nagulat na lang ako sa isinagot sa kaniya ni Aladdin.
"I am not forcing her and this is not normal. This is, manorism, right? Natuturo naman po iyan sa kanila eh. Please, hayaan niyo na po ako na gawin ito."
Dahil makulit siya, pinanindigan niya iyon at matagal niya ring tinuruan si Ate Carra na humarap sa taong kausap niya. Well kung sa bagay. Kung ako naman din ang kausap niya tapos nakakakita ako tiyak na mahihilo rin ako dahil sa pag-ikot ng ulo niya sa iba't ibang direksyon eh. Ay wait, ang exaggerated. Ang ibig ko lang naman kasing sabihin ay kahit may kausap siya, kung saan-saan pa rin siya bumabaling. Saka, kung ikaw rin naman na tao ka, hindi mo rin naman gugustuhing hindi nakatingin sa iyo ang kausap mo hindi ba? Ang pangit kayang tingnan noon.
"Iyan. Tama. Kapag may kaharap ka o kausap, nakaharap ka dapat sa kaniya. Okay lang kahit hindi ka tumingin na mata sa mata basta ang importante nakaharap ka sa kaniya. Nauunawaan mo ba ako?"
"Opo."
At doon. Doon na sila nagsimulang maging close na as in close talaga. Medyo hindi ko lang maintindihan sa part ko kasi hindi ba hindi dapat ako nagseselos? First of all, walang kami. Second, dapat maintindihan ko na MDVI si Ate Carra at nakikipaglaro lang sa kaniya si Aladdin. Third, wala akong kasiguraduhan kung magugustuhan niya ako. And finally, wala pang aminan na nagaganap. So bakit ako nakakaramdam ng ganito? Ako iyong may mas malinaw na isip kaya dapat ako iyong umuunawa. Pero bakit parang sa sitwasyon na ito gusto ko na lang umalis at dumistansya muna sa kanila?
So, ikukuwento ko na lang din. Computer training pala ang ipinunta namin doon at sa dinami-rami ng bulag na nandoon, iisa lang ang nakapaghatak ng sighted which is ako ng. Yes, tama ako, si Aladdin lang ang tanging sighted na estudyanteng nahatak papunta rito. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil may pasok sa mga araw na iyon kaya ayaw lumiban noong iba. O kaya naman sadyang ayaw lang nilang sumama. And dahil nga nandoon na si Aladdin at napalagay na sa kaniya si Ate Carra, siya na ang guide niya at masasabi kong napakatiyaga niya kasi hangga't hindi nakukuha noong isa, ituturo at ituturo niya pa rin. Tinulungan niya pa sa pagkain. Pero siyempre, hindi pa rin naman ako nawala sa paningin at sa pag-aalala niya. Lagi niya kaming pinagsasama ni Ate Carra at nakikipagkuwentuhan din siya sa amin.
"Kuya Ali, love mo po ako?" Teka lang ha? Magseselos ba ako ulit o mananahimik na lang dahil sa biglaang tanong na iyon ni Ate Carra. Medyo malapit na rin kasi ang oras ng uwian at wala na kaming ginagawa noon.
"Oo naman. Ikaw ba? Love mo rin ako?" Hindi ko inasahan ang sagot na iyon.
"Opo." at sa tingin ko ay ginawa niya ang ginawa niya sa akin noon sa practice ng play.
"Ali! Salamat ah!" Pasigaw na saad ni Ate Sheila. Pauwi na siguro siya. Hindi ko na narinig na umimik si Aladdin, tumango siguro.
At sumunod na kaming umuwi noong dumating na iyong madrasta ni Cinderella. Well akala ko lang iyon pero taliwas sa inaasahan ko ang nagsalita. Kahit matagal pa siyang mawala, nakarehistro sa utak ko ang boses niya at hinding-hindi ko iyon makakalimutan..
"Jasmine anak." Si papa. Si papa na hindi ko alam kung kailan pa nakauwi at kung alam niya ba ang pinaggagagawa sa akin noong madrasta ni Cinderella habang wala siya.