@ International_Pen
((( SEAN )))
Saka umandar yung sasakyan nila. Babaing yun! Di ba niya alam pinagdadaanan ko ngayon. Tapos Belat lang makukuha ko sa kanya. Hindi man lang Flying kiss. Napailing na laman ako… dumagdag pa sa Gigil ko. Pero namalayan ko na lang sarili ko… na nakangiti. Baliw talaga ang biik kong yun. Well, ingat.
Pero itong biik na nasa ilalim ng sasakyan namin. Makakatikim na talaga ito sa akin. Tss…
((( SENA )))
Hala, nay ko po. Nakita kami ni Sean. Pero di naman kami hinabol,… ahahaha… siguro alam noon papunta na kami sa Airport. Dyan ka nagkakamali… O Sean my labs. May lakad ang dakila mong biik. Magpalandi ka lang kasi. Bagay naman, negosyante ka natural, dami ng babae mo. Maya na kami uuwi Sean. Sumunod sa akin tauhan mo eh…
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com