Buong gabi naghintay si Cassandra sa pag-uwi ni Jace. Subalit kahit anino ni Jace ay wala siyang nakita.
"Nasaan ka na ba Jace!" Sambit ni Cassandra sa kanyang sarili
Nakatulog na si Cassandra sa kakahintay kay Jace. Madaling araw naman na ng dumating si Jace. Hinayaan na lamang niya si Cassandra na natutulog.
Kumuha ng Alak si Jace at uminom. Habang umiinom nananariwang muli sa kanyang ala-ala ang sinabi ni Isabelle.
"Buntis si Clary!"
Paulit-ulit niya itong nadidinig sa kanyang isipan. Binato ni Jace ang baso ng alak, Napukaw naman nito ang natutulog na si Cassandra.
"Jace! Hon ano ba ang nangyayari sayo?" Ani ni Cassandra
"Matulog ka na.. gusto kong mapag-isa!" Tugon ni Jace
Naamoy alak naman ni Cassandra si Jace.
"Akala ko ba masama ang pakiramdam mo? Bakit umiinom ka ng alak?" Ani ni Cassandra
"Hayaan mo na lang ako! Please lang Cassandra!" Tugon ni Jace
Nasigawan ni Jace si Cassandra, sumama naman ang loob nito kaya umalis siya sa bahay ni Jace. Hinayaan lamang ni Jace ang pag-alis ni Cassandra
"Clary gising na... nandito na tayo." Ani ni Brian
"Sorry.. natulugan pala kita." Tugon ni Clary
Pagbaba ni Clary sa kotse, nahilo siya at napahawak ito bigla sa kotse. Pinasundan naman ito ng hawak ni Brian.
"Ok ka lang Clary?? Namumutla ka!" Ani ni Brian
"Ok lang ako Bry.. napagod lang siguro ako." Tugon ni Clary
"Halika na.. pumasok na tayo sa loob upang makapagpahinga ka na." Ani ni Brian
"Salamat Brian.. salamat ng marami." Tugon ni Clary
Pagkapasok nila diniretso na ni Brian si Clary patungo sa kwarto. Kinuha ni Clary ang kanyang pouch at kinuha ang kanyang atm.
"Bry if we need something gamitin mo ito." Ani ni Clary
"Wag na ako na ang bahala." Tugon ni Brian
"No Bry! I insist.. ikaw na ang tumulong sa amin ng anak ko. Sana naman kahit sa mga gastusin dito, ay ako naman ang tumulong." Ani ni Clary
"Pero Clary may pera pa naman ako.." tugon ni Brian
"Brian?? Ako na... isa pa nakalaan talaga yan in case of emergency, Savings ko yan.. kaya sige na tanggapin mo." Ani ni Clary
Walang nagawa si Brian kung hindi ang tanggapin ang alok ni Clary. Kinuha niya ang atm Card at saka naman ibinigay ni Clary ang code.
"Paano pala ang trabaho mo?" Ani ni Brian
"Tatawagan ko na lang si Lea para isend sa akin lahat ng paperworks ko." Tugon ni Clary
"Ok hindi ba magtatagal? Halos 9 months din." Ani ni Brian
"Don't worry remember im the boss." Tugon ni Clary
Napangiti si Brian
"Ok sige sabi mo eh.." ani ni Brian
"Basta ipangako mo sa akin ikaw lang ang makakaalam kung nasaan ako." Tugon ni Clary
"Oo magiging maingat ako.. kahit sa pinsan ko magdodoble ingat ako." Ani ni Brian
"Brian... thank you uli. Tatanawin ko itong malaking utang na loob." Tugon ni Clary
"Sige na magpahinga na kayo." Ani ni Brian
Lumabas na ng kwarto si Brian at nagtungo naman sa kabilang kwarto.
Kinaumagahan, maagang gumising si Jace upang hanapin si Clary, inuna niya tunguhin ay ang companya ni Clary, nagbabakasali na makakuha siya ng impormasyon doon.
"Lea please kung alam mo kung nasaan ang boss mo sabihin mo na sa akin." Ani ni Jace
"Sorry pero wala akong alam kung nasaaan siya." Tugon ni Lea
"May kilala ka pa ba na alam mong pupwede kong mapagtanungan?" Ani ni Jace
"Wala eh! Ang alam ko lang ay ikaw at si Isabelle. Hindi naman masyadong makwento si Ms. Clary tungkol sa buhay niya." Tugon ni Lea
Nadismaya si Jace sapagkat unang araw pa lamang ay tila mahihirapan na siyang hanapin si Clary.
"Sige Lea maghihintay na lamang ako dito. Magbabakasaling dumaan siya dito." Ani ni Jace
Awang-awa naman si Lea para kay Jace. Nanatili siya sa companya ni Clary buong araw. Subalit walang Clary ang dumating. Kaya nagbakasali muli siyang maghintay ng magdamag.
"Kahit ilang araw ako magpabalik-balik dito, hinding hindi ako mapapagod makita lang kitang muli" sambit ni Jace sa kanyang sarili
Samantala, nagbalik naman sina Isabelle at Simon sa bahay ni Clary upang icheck ang lugar ng mga properties nila.
"Sigurado ka ba na doon din nakalagay sa safety box ang mga list of properties nila? Ani ni Simon
"Let's try.. siguro naman magkakasama lang iyon doon." Tugon ni Isabelle
"Sige.. sana naman maging ok na ang lahat at sana makakuha na tayo ng kasagutan." Ani ni Simon
Nagkibit balikat na lamang si Isabelle habang nag titingin ng mga papeles.
"Ok! Nakita ko na!" Ani ni Isabelle
"Talaga?? So saan tayo unang magsisimula sa paghahanap kay Clary??" Tugon ni Simon
"May mga properties sila sa Tagaytay, zambales. Tugegarao, Bagiuo at Pampanga." Ani ni Isabelle
"Ang dami... sobrang yaman pala ni Clary." Tugon ni Simon
Tumaas ang kilay ni Isabelle habang nakatingin kay Simon
"Love please mag seryoso na muna tayo. Gusto ko ng makita ang kaibigan ko." Ani ni Isabelle
"Sorry na Love.. inaaliw ko lang ikaw, masyado ka ng stress." Tugon ni Simon
"Kailangang malaman ito ni Jace. Para mas mapabilis tayo sa paghahanap." Ani ni Isabelle
Tinawagan ni Isabelle si Jace. Sa kasamaang palad hindi ito sumasagot.
"Ugh! Jace nasaan ka ba!" Ani ni Isabelle
Mayamaya ay may nagsalita sa may pintuan ng kwarto.
"Nandito na ako..." ani ni Jace
"Good you are here! Look ito ang nakita namin ni Simon."tugon ni Isabelle
Ipinakita ni Isabelle ang lahat ng land properties ni Clary kay Jace. Bumuo ng plano ang tatlo, napagkasunduan nilang sama-sama na lamang sila sa paghahanap kay Clary.
Nagsipag uwian na muna sila upang maghanda ng kanilang mga gamit at ng magkaroon ng pahinga para sa kanilang lakad bukas.
"Makikita at makakasama din kita Clary.." sambit ni Jace sa kanyang sarili
Nangilid ang mga luha sa mata ni Jace.
Pagdating ni Brian sa bahay ni Isabelle nakita niya itong nagaayos ng gamit.
"Saan ka pupunta?" Ani ni Brian
"Kuya! Good dumating ka na, aalis kami hahanapin namin si Clary." Tugon ni Isabelle
"Huh? Nawawala si Clary?" Ani ni Brian
Isinalaysay ni Isabelle ang lahat sa kanyang pinsan.
"Gusto mo bang tumulong din ako?" Ani ni Brian
"Hindi ko tatanggihan yan kuya. Heto dito ka magpunta sa Baguio.." tugon ni Isabelle
"Ok sige makakaasa ka."ani ni Brian
Niyakap ni Isabelle ang kanyang pinsan.
"Pasensya ka na kung inililihim ko si Clary. May mga rason lang talagang mahirap ipaliwanag kung bakit." Sambit ni Brian sa kanyang sarili
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.