webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · perkotaan
Peringkat tidak cukup
51 Chs

Chapter 26

Habang nasa ladies room sina Clary at Isabelle, inusisa naman ni Simon si Jace.

"Bakit hindi mo ligawan si Clary?" Ani ni Simon

"Lasing ka na ata..? Kung ano ano na naiisip mong itanong."tugon ni Jace

Lumapit si Simon kay Jace at inakbayan

"Alam mo Pare, maigsi lamang ang buhay kaya kung ako sayo sundin mo ang laman at sinisigaw ng iyong puso." Ani ni Simon

Napatawa lamang si Jace sapagkat para sa kanya ay isang lasing lamang na nagbibiro si Simon.

"So tell me Isabelle.. type mo??" Ani ni Clary

Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng ladies room kaagad na kinulit ng tanong ni Clary si Isabelle.

"Hoy... Isabelle yung tanong ko 😆 " aning muli ni Clary

"Oo na type ko.. kaso parang ang bilis." Tugon ni Isabelle

"Bakit hindi mo bigyan ng chance mukha namang seryoso?" Ani ni Clary

Ibinalik ni Isabelle ang tanong na ito kay Clary.

"Ikaw?? Bakit hindi mo mahalin si kuya Brian?" Tugon ni Clary

Natahimik si Clary sa sinabing ito ni Isabelle.

"Biro lang! Ikaw naman..." dagdag pa ni Isabelle

"Hindi ko naman kasi gusto si kuya. Isa pa para ko na din siyang kuya." Tugon ni Clary

"Eh paano? Ipagpipilitan mo din ang sarili mo sa taong hindi mo naman alam kung gusto ka ba o kung mahal ka!" Ani ni Isabelle

Natigilan muli si Clary sa kanyang pagreretouch.

"Namemersonal ka na.. napakabait mo talagang kaibigan." Tugon ni Clary

"Nagpapakatotoo lang ako.. ano ok ka na labas na tayo baka hinihintay ka na ng boyfriend mo..." ani ni Isabelle

"Oooppsss hindi nga pala kayo 😆" dagdag pa ni Isabelle

Ngumiti si Clary at bumawi naman kay Isabelle.

"Binigay ko pala kay Simon ang number mo.." tugon ni Clary.

Nanlaki ang mga mata ni Isabelle.

"Clarissa Santos! At kanino ka nagpaalam na pwede mong ipamigay ang number ko?" Ani ni Isabelle

Tumingin sa mga mata ni Isabelle si Clary.

"Tinamaan ka na nga kay Simon. Paalala ko lang wala ka pong private cellular number 😂" tugon ni Clary

Napakamot ng ulo si Isabelle.

"Walang hiya ka talaga Clary. Nako! Humanda ka sa akin mamaya." Ani ni Clary

"Sige na tara na..." tugon ni Isabelle

Lumabas na ang dalawa mula sa loob ng ladies room. Dumeretso kaagad sila sa table nila upang ipag patuloy ang kasiyahan.

"Ayan na pala sila.. ano isang round pa?" Ani ni Simon

"Tanungin natin sila.. ako kaya ko pa pero yang dalawa baka hindi na." Tugon ni Jace

Hindi pa nakakapagtanong si Simon, may isang bucket na ng beer ang dumating.

"Oh nag order ka na?" Ani ni Simon

"Hindi pa! Teka baka yang dalawa." Tugon ni Jace

Pagkarating ng dalawa kaagad silang tinanong.

"Kayo ba nag order nito?" Ani ni Jace

"Yuph.. ako nga bakit? Hindi na ba ninyo kaya?" Tugon ni Clary

Tumawa ng malakas si Simon sabay akbay kay Isabelle.

"Kayang-kaya ko pa.. right Isabelle..." ani ni Simon

Siniko naman ni Isabelle si Simon sa tagiliran.

"Ang lakas mo! May pag-akbay ka pa!" Tugon ni Isabelle

Tumawa ang dalawa nina Clary at Jace. Pagsulyap nila sa isa't-isa, nagtama ang kanilang mga mata, unti-unting nagalalapit ang kanilang mga labi.

Abang na abang naman ang dalawa nina Isabelle at Simon sa mangyayari sa dalawa. Subalit naagaw ang atensyon nina Clary At Jace ng tumapat sa kanila ang spotlight.

"Bastos na spotlight ito!" Bulong ni Simon kay Isabelle

Tinawag ng DJ ang dalawa upang magpunta sa gitna. Tumayo naman kaagad si Jace at inakay si Clary. Pinasayaw sila sa gitna at naghiyawan naman ang mga tao

"Para silang bagong kasal.." ani ni Isabelle

"Lasing na si Clary.. siguro oras na para umuwi." Tugon ni Simon

Hindi naman nagdalawang isip si Isabelle sa nais na ito ni Simon. Pagkatapos sumayaw ng dalawa, nagyaya ng umuwi si Isabelle.

"Maybe its time to go home." Ani ni Isabelle

"Maaga pa naman Belle.." tugon ni Clary

"Lasing ka na eh.. lasing na din ako hindi na kita maiihatid mamaya." Ani ni Isabelle

Ayaw pang umuwi ni Clary kaya panay ang pangungulit nito.

"Diba Jace sasayaw pa tayo? Diba kakanta pa tayo? Diba magsasaya pa tayo?" Ani ni Clary

"Oo pero sa ibang araw na lang, magdadrive pa ako." Tugon ni Jace

Nalungkot si Clary ng malaman na uuwi na sila.

"Ok..." ani ni Clary

Maya-maya naman ay nagpresinta na si Simon.

"Ako na ang maghahatid kay Isabelle, total motor din ang dala ko at isa lang ang pwede kong isabay." Ani ni Simon

Tumutol naman si Isabelle.

"What?? No! Sabay kami ni Clary!" Tugon ni Isabelle

"Mahal ang taxi! Isa pa mahihirapan kayong kumuha ngayong oras na ito." Ani ni Simon

Sumingit na sa usapan si Jace.

"Ako na ang maghahatid kay Clary. Pare dahan dahan na lang ang takbo natin, para maging safe tayong lahat." Ani ni Jace

Wala ng nagawa si Isabelle kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ng dalawang lalaki. Lumingon siya kay Clary at nakita niyang nakatulog na ito. Ginising na niya ito upang ihanda sa pag-uwi.

"Jace! Ingatan mo si Clary." Ani ni Isabelle

"Oo ako ang bahala, ingatan mo din si Isabelle pare." Tugon ni Jace

Sumakay si Jace sa motor, ilang sandali pa ay isinakay na ni Isabelle si Clary. Inilagay niya ang kamay ni Clary sa bewang ni Jace at humilig naman si Clary sa balikat ni Jace.

Pagkaalis ng dalawa, bigla namang dumating si Cassandra, at kaagad na hinanap si Jace.

"Isabelle! Nasaan si Jace?" Ani ni Cassandra

"Oh Cassandra! Naandito ka pa pala? Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap!" Tugon ni Isabelle

Walang maisagot si Cassandra sa tanong na ito ni Isabelle, bagkos ay hinanap niyang muli si Jace.

"Nasaan na si Jace?" Ani ni Cassandra

"Kakaalis lang nila." Tugon ni Simon

"Sinong sila??" Ani ni Cassandra

"Si C...." an ni Simon

Naudlot ang sasabihin ni Simon ng sumingit sa usapan nila si Isabelle

"Yung kabarkada niya inihatid na niya lasing na lasing." Tugon ni Isabelle

Nahiwagaan si Cassandra kung sinong kaibigan ang tinutukoy ni Isabelle.

"Ikaw saan ka ba galing?" Tanong muli ni Isabelle

"Sumama kasi ang tiyan ko.. hindi na ako nakapagpaalam." Ani ni Cassandra

Hindi kumbinsido si Isabelle sa sagot na ito ni Cassandra. Pinagmasdan niya ito ng maigi at napansin niyang may chikinini ito sa leeg. At halos gulo ang buhok kumpara sa ayos nito kanina. At higit sa lahat amoy pabango pa ito ng lalaki, na kung tutuusin ay hindi amoy ni Jace

"Ano ang lihim mo Cassandra?" Sambit ni Isabelle sa kanyang sarili

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts