Nakahiga ako ngayon sa kama habang nakatitig sa kisame, di pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina.
"Hoy, di maka-move on?"
"Huh?"
"Aminin mo crush mo pa rin siya noh? Even though na nagkaroon ka na ng Xyrill noon na minahal mo rin, pero naisip mo ba ate na baka nakatadhana talaga kayong dalawa?" sambit nitong katabi ko, kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Paano mo nasabi, kahit na crush ko siya wala namang mangyayari kapag umamin ako sa kanya. I like him, pero hanggang kaibigan lang kami ni Yuan." sagot ko pero bigla niya rin akong tiningnan ng masama, at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko sabay iniharap sa kanya.
"Ate, bakit di mo i-try baka mag-work, isipin mo kasi simula noong high school kayo, di pa nagkakaroon ng girlfriend si Kuya Yuan at take note kahit anong landi sa kanya ng mga babae noon ay hindi nito pinapansin. You're the only one na nakakakuha ng attention niya, manhid ka ba para hindi mapansin na nagpapa-pansin sayo ang tao?" tinanggal ko naman ang kamay niya sa mukha ko tsaka siya sinagot.
"Isa ka rin naman doon sa mga nakilandi kay Yuan ah, naalala mo iyon noong nasa college tayo? We're your seniors that time, may pa halik-halik ka pa sa pisngi ni Yuan pero anong nangyari? Di ka din naman niya pinansin diba, ako pa kaya?" napanguso naman siya sa sinabi ko, bigla tuloy nag-flash sa akin lahat ng nangyari noon.
Papasok na sana ako ng room noong makita ko sila di kalayuan sa akin.
"Hi, I'm Mila Aquira."
Ngumiti lang si Yuan sa kanya at naglakad papalapit sa akin, nagulat naman ako noong sumunod ang kapatid ko.
"I just want to give you this."
May iniabot siyang maliit na kahon kay Yuan, tsaka niya ito hinalikan sa pisngi. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa ng aking kapatid subalit mas nagulat nakakagulat ang ginawa ni Yuan, dahil itinapon nito ang regalo na nagmula sa kapatid ko.
"I know it's purpose and that won't work on me." naiinis na sabi ni Yuan, tsaka nito tinalikuran ang kapatid ko.
"Ate naman eh, kinalimutan ko na nga iyon pinapaalala mo pa." nag-uusok ang ilong nito habang nakanguso ang bibig. Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko iyon.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa nagkaka-love-life?"
"No!" pasigaw nitong sagot, tumayo pa ito ng kama habang napapailing.
"Really? Ako, alam ko sa sarili ko na crush ko lang siya, at hanggang doon lang 'yon."
"O-oo naman, tsaka noon 'yon hindi na ngayon."
"Sure, swear? Wala na ba talaga?"
"O-of course, swear."
Tinitigan ko naman siya ng maigi, na para bang hindi ako kumbinsido sa kanyang sagot.
"Ganon, oh edi sige." sagot ko at tumayo na sa kama.
"Oh bakit parang hindi ka pa ata naniniwala?"
"Hmm, wala lang hindi kasi kapani-paniwala sagot mo. Eyes doesn't lie."
Lalabas na sana ako ng kwarto pero bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Pinulot ito ni Mila, tsaka niya ito sinagot.
"Oh, sino naman yan?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito at iniabot sa akin iyong phone, kinuha ko naman ito at tiningnan ang nasa phone screen.
"Hello, sino ba it-"
"Who told you to change your phone number without asking my permission?!" sigaw ng nasa kabilang linya. Nagtataka ko namang tiningnan ulit ang screen ng phone ko, unknown number ang nakalagay dito.
"Teka, bakit ka ba sumisigaw? Chill ka nga lang ang agang bungad ah, wala man lang bang good morning muna?"
"Miss Dela Cruz, there is no good in the morning kung ang sales ng company ay bumabagsak just because of your alienatic disappearing existence." sermon nito, ngayon kilala ko na ang kausap ko. Nasa bakasyon kasi siya noon noong nag-resign ako as executive director ng company nila, well he wasn't informed about that.
"Wow ha, ako pa talaga ang may kasalanan? Diba may bago na kayong director d'yan, then why bother me?"
"Whatever, I want you back!" may gigil sa tono ng boses nito, kahit na sa phone ko lang siya kausap ay ramdam ko ang inis niya.
"Hoy, Yuan Clint Villanueva. I am not part your company now, at saka ano mo ako tuta?"
"I'm not saying anything here, I just need your damn help." medyo humina ang boses nito, na para bang labas sa ilong ang pagkakasabi. Di ko alam pero bigla nalang akong natawa sa sinabi niya, alam ko na kung anong problema ng taong ito.
"Don't laugh at me. Meet me at my quarter, 2pm sharp." seryoso nitong sabi at binabaan ako ng phone.
"Kita mo ito, matapos akong sigawan at sisihin, nakuha pa akong babaan ng telepono." bulong ko, naagaw naman ang atensyon ko sa kapatid kong kanina pa ikot ng ikot sa akin. Nagtataka ko naman itong tiningnan.
"Ginagawa mo?"
"Hmm, I doubt." wika niya habang patuloy na paikot-ikot sa akin, cross-armed at taas kilay akong tinitingnan.
"What do you mean?"
"Ate, I know you moved-on already pero ready ka na ba talagang buksan iyang saradong pinto?"
"Anong pinagsasabi mo? Kumain ka na nga doon, baka gutom lang 'yan." napapailing kong sabi at bumalik na ulit ng kwarto para mag-ayos ng sarili. Matapos kong maligo, at mag-ayos ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Nasa taas palang ako ay nakarinig na ko ng ingay mula sa baba, tila ba maraming tao ang nandoon. Pagkatapak ko sa huling baitang ng hagdan ay dinig ko ang isang baritonong boses na galing sa di ko inaasahang panauhin.
"Mag, kamusta na ang napakaganda kong pamangkin?" bungad sa akin ng isang makisig, maginoo pero medyo bastos kong tiyuhin.
"Tito Frankie, buti po nabisita kayo dito." tugon ko tsaka nagmano sa kanya.
"Ay, oo naman. Ano pa't naging pamangkin kita kung di kita bibisitahin dito diba?"
Tumango-tango nalang ako bilang sagot at ngumiti ng mapakla, tiningnan ko naman si Mila sabay tanong na kaming dalawa lang nagkakaintindihan. Tinatanong ko kung bakit nandito itong maingay na kapatid ni Daddy, di ako ready sa kaingayan nila. Sumagot naman ito ng kibit-balikat, di niya rin ata expected ang pagdating ng mga ito. Ang ikinagulat ko sa lahat ay ang kasalukuyang pagpasok ng isang lalaki, wala pa ring kupas ang maapel nitong aura, dagdagan pa ng malaadones nitong mukha.
"Am I welcome to be back in here?" nakangiti nitong tanong, mula sa nagtataka kong pagmumukha ay napalitan ito ng inis. Anong ginagawa ng taong ito sa pamamahay ko at nakuha niya pang ngumiti sa harapan ko?