webnovel

The Book of Haesis

Kian's POV

3:30PM NANG HAPON

"Kian, nasabi ko na ba sayo na mahigit tatlong oras na tayong nakakulong rito sa kuwarto mo?" inip na tanong ni Brian sabay tingin sa cellphone niya.

"Eh anong magagawa ko? Ang sabi ni Papa dito lang raw muna tayo kasi nag aalala siya na kunin tayo nang liwanag nang buwan, at sa tingin ko wala rin tayong magagawa sa bahay na to," saad ko ng nakakross ang mga kamay.

"Ano ka ba Kian? Ang laki ng bahay mo, Hindi mo ba kami puwedeng i-house tour dito?"

"Oo nga noh, hindi naman tayo lalabas ng bahay, sigurado namang papayagan ako ni Papa" pangisi kong sabi sabay tayo sa higaan ko, "Tara na! Iho-house tour ko kayong dalawa rito."

"Hay sa wakas," buntong hiningang saad ni Brian sabay tayo kasama si Aidan.

"Pero bago iyon, mag-paalam muna tayo kay Papa. Baka mag alala siya satin," saad ko sabay bukas ko nang pinto, bumaba kaming tatlo at pumunta kay Papa.

"Pa! Mag-iikot lang muna kami rito sa bahay. Iho-house tour ko lang si Aidan pati iyong katabi niyang kolokoy," pangiti kong asar kay Brian, palihim akong tumawa at napangisi naman si Papa.

"Sige, basta't magiingat kayo ni Aidan kasama iyang...kolokoy mong kaibigan."

"Sige po, papa," paalam ko sa kanya sabay takbo papunta kay Aidan at Brian.

"Ah Kian, sino 'yung sinasabi niyong kolokoy?" tanong ni Brian nang nakakros ang mga kamay.

"Wala iyon, ngayon tara na!" pagsisinungaling ko sa kanya sabay hila sa dalawa.

Una ko nang pinakita ang kitchen sa kanila ngunit halos mahulog na ang mga panga nila sa nakita nila.

Humph!, Kusina pa lang yan ah.

"Kahit sa kusina niyo may sariling TV? At may mga sariling chef nga talaga kayo. Wow! Sobrang cool nito," nanlalaking matang sabi ni Brian. Halos mahulog na ang panga niya sa loob nang kusina ko.

Sunod kong pinakita ang swimming pool, dining area, garden, movie theater at Game Room.

"Wow! Totoo ba iyong nakikita ko? Parang arcades sa mall tong kuwartong at may mga pamparelax pa rito," hulog pangang saad ni Brian,at sunod naming pinuntahan ang martial arts room.

"May Martial Arts Room rin kayo? Nag-aaral ka bang mag martial arts, Kian?" tanong ni Aidan.

"Ah minsan lang, simula kasi nang umalis si Papa papuntang Amerika ay medyo wala nang gumagamit nang kuwartong to…Tara na! Siguradong mahuhulog na naman iyang mga panga niyo sa susunod na kuwarto," saad ko sabay sarado nang pinto at dinala ko sila sa library.

"Ah, sinabi mo bang mahuhulog ang mga panga namin? Eh parang aantukin lang kami sa kuwartong to eh," reklamo ni Brian sabay kross nang mga kamay.

"Hehe, Pasensya na, Nakalimutan ko na ako lang pala sa ating tatlo ang may interesado tungkol sa mga libro," pangiti kong patawad sa kanila habang hinihimas ko ang batok ko, pumasok kami sa loob at nakita nila Brian at Aidan ang sankatutak na libro sa silid-aklatan.

"Ang dami namang libro rito," hulog pangang Sabi ni Brian.

"Siyempre maraming libro dito library to eh, at isa pa Brian, Hindi ba sinabi mo kanina na hindi mahuhulog iyang panga mo rito, Eh bakit parang kinakain mo ang mga salita mo? " Pabiro kong saad sa kanya

"Tsk! Oo na, talo na ako," saad nito at napatawa na lang ako, sa pagtawa kong 'yun ay may biglang nahulog na libro mula sa isang shelf.

"Ano kaya iyon?" tanong ni Aidan sabay takbo at kinuha ang libro.

"Ano iyan Aidan?" tanong ko sa kanya at binasa naman ni Aidan ang pamagat nang libro.

"The Chosen Seven: The Moonlight's Power" basa ni Aidan sa libro, nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, agad akong lumapit at kay Aidan at tiningnan ang libro.

"The Moonlight? I-Iyan ang libro na binili ko sa Alzecha Book Store. Iyan iyong librong nakakatakot kasi muntik na akong higupin niyan" hinala ko.

"Tara, basahin natin," saad ni Brian, umupo kami sandali at binuksan na namin ang libro.

"Hoy! Seryoso ba kayo?." tanong ko nang nanginginig

"Oo naman, umupo ka na kaya," tugon nito, wala na akong nagawa at umupo na lang at binasa ang libro.

"Ang Buwan nang Haesis ay ang isa sa pinakamalakas na buwan sa buong Magical universe. Ang hangad nito ay kunin ang aura nang mga pinili niyang mga bata upang ang sarili nito'y mapalakas, gagawin nang buwan ang lahat upang ma kuha ang lakas nito. Ngunit kahit nangangailangan ito nang lakas ay makapangyarihan parin ang buwang ito, naglagay siya nang sumpa sa mga kanta, bidyo, litrato, o kahit sa mga libro," basa ni Aidan, halos tumutulo na ang pawis namin sa pagbasa at tinuloy na ni Aidan ang pagbasa

"Kaya kung nakikinig ka sa isang musika, nanonood nang isang bidyo, niyayakap o tinitignan ang isang litrato, o di naman kaya binabasa mo ang isang libro na may kinalaman sa buwan…maghanda na kayo dahil sa ilang sandali ay makakapunta kayo sa mundong hindi niyo inaasaha. Protektahan ang tahanan, Talunin ang mga kalaban, at umasang kayo ay magkakaroon nang bagong kapangyarihan," basa ni Aidan sabay tingin sakin.

"Ano kayang ibig sabihin non?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sa inyo, kayo ang nagbabasa diyan eh," pabirong sabi ni Brian, ngunit nanlaki ang mga mata namin nang biglang lumiwanag ang libro, Dahil sa liwanag ay napatakip kami sa mata dahil sa dilaw nito, Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay parang hinihila ako.

" AAAAAAHHHHHHH!!!!!!! Tulong!, Tulungan niyo kami!" sigaw naming tatlo.

KIAN'S MAID POV

"Ah Bodyguard! Nakita mo ba sila Mr. Kian?" tanong ko sa matsong bodyguard.

"Hindi ko sila nakita eh. Bakit may nagyari ba?"

"Eh kasi, kanina pa ako nagiikot sa mansion pero hindi ko sila makita. Nag-aalala lang ako sa kanila," sagot ko, ilang beses na akong tumingin sa orasan hanggang sa mag 8:00PM na, agad ko na iyong sinumbong sa papa ni Mr. Kian

"Mahigit limang Oras na po silang nawawala Sir, nag-aalala na po ako," sumbong ko kay sir habang hinihimas ang braso ko. Tinignan lang ako ni Sir at umalis sa harapan ko sabay akyat sa 2nd Floor, sinundan ko siya para malaman na rin kung nasaan si Master.

"Nakita mo ba kung nasaan si Kian?" T

tanong ni Sir sa nakasalubong niyang B

bodyguard.

"Huli ko pong nakita sina Mr. Kian sa Library."

"Salamat," pasasalamat ni Sir sabay takbo, halatang nagmamadali si Sir papuntang Library. Mabilis akong huminga ng palabas at palalim nang nakapunta na kami sa library at ang nakita lang namin ay ang isang nakatiklop na libro, agad na kinuha ni Sir ang libro at binasa ang Title.

"The Chosen Seven: Moonlight's Power," basa ni Sir sa libro, Grabe ang lamig nang pagkakasabi niya dun, pero trabaho ang pinunta ko rito hindi mga Lalaki.

Pero nanlaki ang mga mata ni Sir nang mabasa niya ang pamagat nang libro, nakataas na ang isang kilay ko dahil hindi ko alam kung bakit.

"Hindi Maari!" hindi makapaniwalang sabi ni Sir habang lumalapit siya sa libro, naninigas at nanlalaki ang mga mata niya. 13 years na akong nagtatrabaho sa kanila pero ngayon ko lang nakita si Sir na ganun kagulat.

"S-Sir, Ano pong nangyayari?" mahinahon kong tanong kay Sir ngunit hindi ako sinagot ni Sir at kinuha at binuksan ang libro.

"Wala na, huli na ako" malamig na pagkakasabi ni Sir habang yakap niya ang libro. "Nabigo akong protektahan sila," naluluhang sabi ni sir sabay yakap sa Libro.