webnovel

III - SEVENTEEN

Violet, pink, red, orange and black. Nag-aagawang kulay ng kalangitan para sa pag-usbong ng haring araw. Ngunit hindi pa man ito sumisikat ay marami ng nangyari sa gabing iniwan ko ang gubat.

Ngayon ay nasa isa sa mga dorm na ako ng lugar na tinatawag nilang ARTA. Nakadungaw sa bintana at hindi makatulog. Habang ang kasama ko naman sa silid na ito'y tulog na tulog na. Sya ang babaeng may puting buhok na nagpakilalang Greth. Isa sya sa mga nakapasang challenger.

"Brrd..."

From the light of the white glowing stone on my hands, I saw how creepy the creature looks like, a meter away from me. It's long sharp teeth is showing and mouth's salivating. Long white hairy that covers all along its body. Probably fifteen feet. A body like a beer but with a tail of a fox that almost above it's head.

"Brrr grrr grr brrrd"

Nakakatakot tingnan. Nakakatakot pakinggan. Ngunit unti-unting nawala ang bahala ko sa sarili dahil sa maamong pakikitungo nito sa akin. And it feels like its telling something. Hindi ko lang maintindihan but I know it has. For me.

"W-what?"

Napamaang ako nang hindi inaasahan ang ginawa nito. Yumuko ito sa harapan ko. Hindi isang simpleng pagyuko lang. Isa itong pagpapakumbaba at may buong respeto. Tila'y ako'y mula sa nakakataas na antas. A royalty perhaps.

"Anong ginagawa m--"

"Let's hurry up!"

May paparating. Naalarma ako. Ano ba ang dapat gagawin?

"M-may paparating."

The monster just growled loudly. As if it was ready for any danger coming. Hindi ba sya natatakot? Panu kapag nakita sya ng mga paparating? Tapos armado ang mga ito?

"Get away from her!"

Isang boses babae ang sumigaw sa gilid ko. Humarap ang halimaw sa kanya kaya nama'y nadali ng mahabang bunto't nito ang punong kinasasandalan ko't nabali. Dahil dun ay bumagsak ako sa lupa kasabay ng puno.

"Shit!" Daing ko.

"Get the girl, Greth at tumakbo na kayo palayo dito."

"Ngunit paano ka? Wala na tayong oras!"

"We still have seven minutes left. Makakaabot ako."

Masakit ang likod ko ngunit nakakabangon pa naman ako. Sasabihin ko sanang hindi kalaban ang halimaw. Na mabait ito't hindi naman ako sinaktan.

The monster release a three white sharp thing to the man standing in front of him. The man effortlessly dodge it. Hindi pa man nakakabawi sa pag-iwas ang lalaki'y humampas na ang mahabang buntot ng halimaw sa kanya. But a sphere made of water protects the man from it.

I've read hundred books of fantasy genre. Paborito ko iyon. At bata palang ako'y naniniwala na ako na ang mundo ng mahika ay tunay. Na itinatago lang ito ng ating normal na mga mata.

Sa halos tatlong oras ko ng nakatunganga lang dito sa bintana'y marami na akong naisip na posibling dahilan kung bakit napunta ako sa lugar na ito. It's either nabaliw na ako sa mga fantasy book na binabasa ko o tuluyang nagkatotoo ang pinaniniwalaan ko.

I doubted first. Oo at naniniwala ako sa mundo ng mahika ngunit ang maisabuhay ito'y parang kabaliwan na. Funny how my belief was shakin when it was all becoming real.

Pero totoo ba talagang nasa ibang mundo na ako? The superpowers, the werewolves, the vampires, the monsters, the witches and sorcerers, andito na ba talaga ako sa mundo nila?

"We decided that the game challenge will be over here. Congratulations for those who pass!"

Napuno ng hiyawan at palakpakan. Lahat ay tila masaya sa narinig mula sa lalaking nasa harapan naming lahat. Isa ako sa nakahilerang 'challenger' kung tatawagin. Ngunit hindi ako isa sa mga natutuwa sa ibinalita ng babae.

Napagkamalan lang ako...

Hindi ko na nasundan pa ang pakikipaglaban ng lalaki sa halimaw. Dahil ang kasama nitong babae ay bigla nalang lumitaw sa harapan ko. Inalalayan nito akong tumayo. The next thing she did makes me want to vomit. She has a superspeed! At ginamit nya ito upang makalabas kami ng gubat.

"Hey!" Tawag pansin ng babae sa akin. "You're quite. Are you alright?"

Pilit akong tumango upang masagot lang ito. My head is still spinning from the shock they gave me. Hindi ko makalimutan kung paanong naglabas ng tubig ang lalaki mula sa mga kamay nya. And this girl... she has a weird white hair with gray eyes. Her beauty is like the beauty of the woman who usually play in a fantasy character.

"Napahanga nyo kami sa ipinakita nyong lakas sa pakikipaglaban. Kaya nararapat lang na tanggapin namin kayo. Sa pagpasok nyo sa ARTA ay mas susubukin pa ang inyong lakas, tatag at determinasyon sa pakikipaglaban."

Maraming sinabi ang lalaki. Hindi ko magawang makinig. I waited until for his closing remarks until I slowly raise my hands...

"Yes, young lady?"

Nakagat ko ang labi. Hindi dahil sa nararamdamang hiya kundi dahil sa in'address nya sa akin. Kung titingnan ay mukhang ako ang pinakamatanda sa kanila dito. They are probably all teen here while I am twenty-one.

"I-I'm..."

Hindi ko alam kung papaanong sasabihin sa kanilang hindi ako isa sa mga challenger. Nangangamba akong baka may consequence kapag nalaman nila ang totoo. Pero anong mangyayari sa akin kapag nagpatuloy ako sa paniniwala nila sa akin? I am just normal. And hearing about ARTA...

"...h-hungry." Nakagat ko ang dila sa nasabi ko. How stupid.

Nagtawanan ang lahat.

"Me too!"

"Nakakagutom naman talaga ang lumaban."

"Oh! I'm craving for galmona!"

The boy clap his hand to have all our attention.

"Mukhang lahat nga kayo nagutom. Kaya mukhang kailangan na namin kayong dalhin sa ARTA. At bukas din ay magkakaroon ng kaunting salu-salo para sa tagumpay na nakamit ninyo."

Kinuha ko ang bato mula sa aking bulsa at itinuon ito sa buwan. Hindi gaya kanina, nawala na ang liwanag nito. Isa nalang itong puting bato na mukhang perlas. Hindi ko mawari kung para saan ito at bakit ibinigay sa akin ito ng halimaw. Pero may pakiramdam akong hindi ordinaryo ito. Gaya na lamang ng mundong ito.

Kailan kaya ako makakabalik sa reyalidad kong mundo? Maybe ilang oras lang sa ngayon ay mamamalayan ko na naman ang nakatulalang sarili kaharap ng bahay ko. O baka ay ilang minuto nalang o segundo. Pero kung ako ang masusunod, gusto ko munang manatili dito.

Awesome how this things are so easy for me to accept. Eh sa noong bata palang ako'y heto na ang pinapangarap ko. Impossible ngunit dahil naniniwala ako'y kaya siguro nagkakatotoo na. I don't care if I may be crazy for believing all of this. Pero gusto kong maranasan ang buhay sa mundo ng mga nilalang na hindi ko katulad.

Hindi ko tuloy maiwasang umasa na baka may superpowers rin ako. Kasi sa mga librong nababasa ko'y may dahilan naman kung bakit sila napapadpad sa ganitong mundo. Ako kaya ang hinahanap ng mga kalaban? O ang tutupad sa isang propesiya? The long lost powerful princess perhaps? Funny!

"Wenyuna, wake up!"

I growled. Hindi namalayang nakatulog na pala ako. Niyuyugyog ako ni Chesca ngayon kaya nakaramdam ako ng inis. Iyon pa naman ang ayaw ko sa lahat. At alam na nya iyon!

"Wake up, weaky-weaky!" Hinampas nya ako ng unan sa mukha.

"Stop it, Chesca."

"Chesca? This is me, Greth! You're in the ARTA. Heeler?"

Napabangon ako dahil doon. Oo nga pala. I've traveled here. Nakapasa sa isang game na wala naman akong ginawa kundi ang mapagkamalan. Tinanggap ang PASS at mukhang mapapasubok sa pagpasok sa ARTA: ang paaralan kung saan hahasain ang iyong lakas sa pakikipaglaban.

I yawned. Isang oras lang ata ang naitulog ko. "What now?"

"Remember the salu-salo? Tinatawag na tayo! Yieeh! I'm so excited to see what ARTA look like. Eh sa ang dilim nang dumating tayo dito. Di ko ma appreciate!"

Buti nalang talaga at hindi pa ako nakabalik sa normal ko. Sayang nga kung hindi ko man lang makita ang ganda ng mundong ito.

"Let's go then." Tumayo ako. "Basta ay sasakay tayo ng lumilipad na nilalang huh? Gusto kong ma'experience yun!"

"Y-you mean a Repha? Suicidal lang?"

Owh. Maybe that was a name for their flying creature. Ngunit mukhang delikado iyon. I wonder if gaano kaya kalakas ang mga kalaban nila dito?

"May mabait naman sigurong nilalang dito except for monster, di ba? Wala ba kayong mga tinatawag na guardian? witch's broom? Or any cool transfortation for flying?"

Kunot na kunot ang noo nya, "What are you talking about? May mga ganun ba dapat? You look like from somewhere else, Yuna. O baka ako lang talaga ang walang gaanong alam sa Amheirapha?"

"Amhei-- ano nga yong sinabi mo? Pakiulit."

"Ano? Yung Amheirapha?"

"Amheirapha." Hindi ko alam kung bakit pero tumibok ng malakas ang puso ko sa pagbigkas ng pangalang iyon. "Ano yun?"

"What?! Seryoso ka? May nangyari ba sayo sa game kahapon at parang may amnesia ka?"

Peke akong natawa. "Of course alam ko yun! What I mean is...uh... Kung a-ano yun?"

"Ay gaga talaga. Alam daw nya tapos tinatanong ano yon. Seriously."

"It's the world of magic, right?" Okay. Tsambahan nalang to.

"Malamang. Alangan namang it's a world of no magic? Wala namang ibang mundo maliban sa Amheirapha. Gosh, girl! Nakakabobo ka kausap!"

I smiled. Kung alam nya lang na may earth pa. O baka gusto nya ay kantahin ko pa ang nine planets na ngayon ay eight na? Baka maloka sya pag kweninto ko sa kanya ang mga alien.

Pumasok ako ng CR upang makaligo. Pagsara ko ng pintuan ay muntik na akong mapatalon sa gulat nang may tao sa harapan ko. Pero shit, salamin lang pala!

But wait...

Why it feels my face became like seventeen?

Follow me po on WATTPAD @Unrcgnzd

GOD BLESS PO SAYO :)

unrcgnzdcreators' thoughts