webnovel

I - WEDDING

Magic do exist.

Bata palang ako ay naniniwala na ako na ang mundong ito ay puno ng misteryo. Misteryong hindi kayang abutin ng may hangganang siyensya. Na binulag ang ating mga mata sa mundong hindi natin inaakala. At pinakapinaniniwalaan kong isa sa mga mahiwagang bagay na ito ay ang mahika.

Fantasy scenes will never be imagined without seeing it first. Without experiencing it. Without a based. Ganyan ang paniniwala ko. That magic was known into this normal world b'coz it really does seen through an eyes. Make it exist through mind and believed. But literally, I know it was place somewhere magic is capable of.

"Ano, Yuna maganda na ba ako?"

When I believe what specifically magic is, most people use it as a metaphor for their love story. That fairytale do exist through their bind hearts. Bagay na hindi ko sinang-ayunan. Kasi hindi ako naniniwala sa pag-ibig.

Ang sabi ng photographer, magkunwari daw akong aayusin ang wedding gown ni Chesca at kukuhanan nila kami. Ngayong nagsalita si Chesca habang tutok na tutok sa sariling suot mula sa salamin, nakalimutan ko na ang gagawin. Niyakap ko sya mula sa likod at tiningnan rin ang suot nya sa repleksyon.

"You're the most beautiful bride today, bestfriend."

We both giggled. I heard a few clicks pero hindi na namin ito pinansin pareho. Parang pareho kaming ayaw munang humiwalay sa isa't isa.

"I'm so happy for you."

"Thanks, Yuna."

"Make sure na hindi ka na iiyak, huh?"

I just remember her always running with tears in me. Sumusumbong na nanloloko na naman ang boyfriend nya. Reason why at first when she announce that she will be getting married with her boyfriend ay nagmamaktol pa ako. I had a doubt. But this is her happiness. How can I not support her?

Humarap sya sa akin ng may ngiti ngunit ang mga mata ay naluluha. "Iiyak parin ako, nuh! But in joy na!"

"Tsus! Kaya mamimiss kita eh! Wala na akong iyakin na bestfriend na makakasama sa bahay!" I pouted.

Since eighteen ay magkasama na kaming tumira sa iisang bubong ni Chesca. She's an independent one even do her family is rich. Nakilala ko sya dahil isa sya sa mga active na tumutulong sa Bahay-ampunan na pinanggalingan ko. You see, I am an orphan. At mahilig ang pamilya nila Chesca na tumulong sa mga batang ulila katulad ko.

When I was on my legal age ay pinahintulutan na akong makaalis sa ampunan. Chesca offered me her house, her help, na dahil gusto kong makapagsimula agad ay grinabbed ko ang lahat ng offer nya. Nagpakapal ako ng mukha just to live.

Gusto ko mang bayaran sya ngunit ayaw nya. She treat me like a sister na walang hinihinging ano mang kapalit mula sa akin. That's what I love about her.

"Congrats, Chesca!"

"You're so lovely today, iha!"

"Wow! Ang ganda talaga ng bride namin. Congrats!"

Mas maaga pa sa ibinigay na time ng organizer ang pagdating ni Chesca sa Church. She look very excited at the same time lovely with her wedding dress. Masayang-masaya ang kanyang mukha habang binabati sya ng ilang mga kasama namin sa labas para sa entourage.

"Let's start na! Let's start!" Ang organizer. "Line up na po tayo!"

Nagsimula ang tugtog na pang entourage at nagsimula na ring maglakad ng mga assignated person. Habang unti-unting pumapasok ang mga ito sa loob ay napansin kong hindi mapakali si Chesca sa tabi ko.

"Ches!" Tawag ko sa atensyon ng kaibigan. Lumingon naman ito sa akin kaya ngumiti ako. "This is it!"

"This is it!" She gave me her shaking thumbs up.

"Whoa! Relax there, dear buddy!"

Pinaypayan nya ang sarili. Napansin kong pinagpawisan na pala sya. And as her made of honor and her bestfriend, syimpre at todo pahid naman ako upang hindi masira ang ganda nito. Baka pag nagkalat ang eyeliner nito, umatras pa ang groom.

"Nakakakaba pala to!" She exclaimed.

"It's alright. Pagnakita mo naman ang groom mo ay for sure mawawala yang kaba mo."

"You're right. I'm excited to see him and be with him in front of the altar."

"Magkakatotoo na yan. Any minute from now."

Bago ang turn ko for entourage ay sinigurado ko munang maayos na si Chesca bago ito iniwan kasama ang ama nya. Huminto ako sa gitna at sa may gilid ng aisle kung saan naghihintay rin ang ina nito. Ngumiti ang ina ni Chesca sa akin habang naluluha at ganun rin naman ako sa kanya. This day is important to the both of us. To everyone.

The door close. Everyone is in silence. Lahat ng ulo ay nasa pintuang hinihintay na magbukas. Sari-saring emosyon ang nangibabaw sa akin at alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam nun. Especially when the wedding song started to play as the door open and revealed the beautiful woman in white.

Hindi ko alam kung ano ang nakakaiyak sa sitwasyon. But I can't stop my tears. The feeling is too overwhelm. The ambiance is too much. Habang unti-unting naglalakad si Chesca patungo sa groom nya.

Titig na titig lang ako kay Chesca. Nakangite. But then my gaze of her suddenly shook. Namalayan ko nalang ang sariling hawak na ang bulaklak na katulad ng hawak nya. I was the one walking in the aisle too.

Napakurap ako ng ilang beses. Tiningnan ang paligid ko at nasa kinatatayuan lang naman ako. Sa gilid. Hinihintay ang pagdating ni Chesca sa harapan ng kanyang groom.

Kinusot ko ang mga mata. Iniisip na guni-guni ko lang ang kanina. Ngunit mukhang dinadaya na naman ako ng mga nakikita ko.

There I saw myself again!

Naglalakad ako sa aisle, hawak ang bulaklak. Nakasuot ako ng wedding dress. Ang mga mata ng mga tao ay nakatuon lahat sa akin. Lahat sila nakangiti...

I gasp loudly. Bigla akong napaatras. Nakarinig ako ng mahinang tilian sa likuran ko.

"Be careful, Miss. Yung gown ko!" Someone said from behind.

Binalingan ko ang nabangga ko sa likod. Mga babae ang kapwa kahilera ko sa upuang yun. Nakatayo lahat ng tao dito kaya siguro noong napaatras ako ay nadali ko ang isa at nagkadalian ang lahat ng nasa hilera.

"S-sorry!" Wala sa sarili kong paumanhin bago inayos ang sarili.

Nasa akin ang mga mata ni Chesca. Gine'gesture nya kung ano ang nangyayari sa akin. I am ready to smile to tell her I'm okay pero bumalik na naman ang pagbabago sa paligid ko.

A soft melody played in every corner. A hand is being lifted waiting for my hold. Pilit kong inaninag ang may-ari ng kamay ngunit malabo ang hitsura nito. But I can feel his smile and I can feel my smiles too. We were both happy. Dahil ikakasal kami...

"Ma'am Yuna!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa harapan ko na ang mukha ng baklang organizer.

"Ma'am Yuna! Come on quick! Pumunta ka na doon and help Chesca with her gown!"

Tumingin naman ako kung nasaan si Chesca kanina ngunit wala na ito doon. Nasa harapan na pala sila ng altar at kailangan talaga ako dun dahil masyadong mahaba ang gown nya! Pag hindi ako tumulong ay baka mahirapan ito.

Agad akong tumakbo palapit at tinulungan ang groom na ayusin ang gown ni Chesca para maayos syang makaakyat sa platform ng altar. Hinawakan ko ang mahabang laylayan nito upang hindi masagi sa kung saan at magasgasan. I am ready to put it and walk into my designated chair nang nakita ko na naman ang sarili.

Nasa harapan ako ng altar kasama parin ang lalaking malabo ang mukha. Malabo naman lahat ng nakikita ko. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit sobrang lapit ko na sa lalaki ay hindi ko parin kayang aninagin ang mukha nito. We are facing an old man probably the priest that will bless and complete us as one.

"Ma'am? Magsisimula na po ang seremonya. Maaari na po kayong umupo."

"Y-Yuna?"

"Ma'am Yuna! Umalis na po kayo dyan!"

Nagbalik ang malay ko na nakatingin sa nag-aalalang mukha ni Chesca. Mabagal pa ang naging proseso ng utak ko at napaikot pa ang ulo ko't napabaling sa maraming taong nasa harapan. Lahat sila'y nakatingin sa akin. Some are throwing glares at me.

"Ano bang ginagawa nya dyan?"

"Sinasayang nya ang oras. Naku naman!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon ko lang napagtanto. Magsisimula na ang seremonya and here I am at the front! Tumingin ako kay Chesca, sa groom, at sa pari na nanghihingi ng pasensya.

"S-sorry po! Sorry!"

Embarrassment. Mabilis akong umupo sa upuan ko. Sobrang nag-init ang pisngi ko na gusto ko nalang tumakbo. If Chesca wouldn't mind ay kanina pa ako nawala dito.

Sa buong seremonyas ay wala akong ginawa kundi ang natulala. Iniisip kong maigi kung ano ang mga nangyayari sa akin. Bakit bigla ko nalang nakikita ang mga bagay na ganun? Pangitain ko nga lang ba yun? When we hold each other hands ay ramdam ko ang lambot doon at ang init. It feels real.

Pero bakit ganoon ang nakikita ko? Anong nangyayari sa akin? Hindi naman ako nilalagnat para magdeliryo. Am I hallucinating? Hindi din naman ako lasing.

At sa lahat ay isang wedding event pa talaga? Na ako ang bride? What the heck lang. Kung malalaman ito ni Chesca ay baka isipin nitong pinapangarap ko ang maikasal katulad nya. Like eww. She knows I hate wedding. She knows I am not a fan of true love. She knows my plan of being a single forever. She knows that I will be a virgin old woman.

Pero hindi ko maiwasang kabahan at manlamig. Lalo na't sa twing pinapatayo ang lahat ay nababahala akong baka magbalik na naman ang ganung pangitain. Baka manatili na naman akong nakatunganga at pagbubulungan na naman ng lahat. Ayaw ko ng mapahiya. At baka isipin pa ng lahat na masyado akong disturbo para sa kasal ng bestfriend ko.

Good thing ay hindi na naulit pa muli. Natapos ang seremonyas at madaming picture taking ang naganap bago pumunta sa reception. Wala parin ako sa sarili that Chesca ask me many times if I am just fine. Okay lang ang laging sagot ko.

Kaya naman ay sinubukan kong kalimutan ang nangyari sa akin. Maybe I'm just too tired dahil sa halos isang buong linggong paghahanda sa kasal ni Chesca. Ngayon ay sinisingil na ako ng pagod at kung anu-ano na ang nakikita.

"Ngayon ay ihahagis na ng ating Bride ang kanyang bulaklak. So for those single ladies out there, magsitayuan na po at baka kayo ang papalaring ikasal sa susunod!" Tili ng baklang host.

Nagtawanan kaming lahat. Nagsimula nang magtayuan ang mga dalaga at pumunta sa gitna kung saan nasa harapan nila si Chesca. Wala akong planong makipag-agawan dahil wala naman akong planong sumalo dahil wala din naman akong planong humagis. Isa pa'y allergy ako sa kahit anong uri ng bulaklak. Pero dahil ako ang bestfriend ng bride, asahan ng kukulitin ako nyan hanggang sa napapayag ako.

"Okay. Alam naman natin ang mechanics nito. But knowing our bride is such a lovely one, may ibibigay syang premyo sa makakasalo ng bulaklak! It's a limited edition fantasy book!"

I glared at Chesca. She give me her fairy godmother wand gesture. Alam nya talaga kung paano ako hulihin eh nuh? Bahala na nga ang allergy.

Lahat ng babaeng makakasama ko sa pagsalo'y mukhang gusto ang premyong makukuha. Geez. Mukhang marami pa akong magiging karibal sa bulaklak.

"In three, two, one then go ay ihahagis nyo na po, Ma'am Chesca. Okay? Game? Three...two...one... Go!"

Buong lakas kong ibinahagi ang dalawang kamay ko upang mapigilan ang mga babaeng agawin ang bulaklak ko. Hindi yata nila inaasahan ang gagawin ko kaya lahat sila ay natumba. May kumapit sa mga kamay ko na napasali din sa akin sa pagtumba. Everyone's laughing at us. Pero sa huli ay sa aking tiyan dumapo ang bulaklak. Na syang nagpapanalo sa akin.

Humatching ako ng tatlong beses bago ako naging okay. Mabuti nalang at inilayo agad sa akin ang bulaklak at hindi ito napunta malapit sa ilong ko.

"Ma'am Yuna wins! She's our next bride to be!" And they cheered for me. "Do you have a boyfriend, Ma'am? For sure magp'propose na yun anytime sayo." Inilapit nya ang microphone sa bibig ko for my answer.

"I have no boyfriend. And I don't have any plan to marry someone. Its just the prize I love." I honestly said.

Mahaba ang naging oras. Chesca's parents volunteered to drop me off total ay madadaanan lang din nila ang bahay namin ni Chesca na ngayon ay ako nalang ang mag-isa. Exhausted akong bumaba. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse nila bago ako pumasok sa loob.

I was closing my eyes as I open the gate. Antok na antok. I'm about to enter when someone shouted from my back.

"At tatakas ka pa?!"

Mabilis akong napalingon sa likod ko.

At yun ang simula kung saan mapapadpad ako sa mundong pinaniniwalaan kong TOTOO.

Follow me po on WATTPAD @Unrcgnzd

GOD BLESS PO SAYO :)

unrcgnzdcreators' thoughts