webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · Umum
Peringkat tidak cukup
59 Chs

Epilogue (First Part)

Matapos ang tatlong araw na pananatili namin sa Jovial Island ay agad na kaming nagsi-uwian. 'Yong buong tatlong araw ay pinuno lang namin ng masasayang alaala. We even did play chinese garter again at syempre tinutusob lang ako lagi ni Chal Raed. Perks of having a boyfriend who was once a gay who knew a lot about girl's stuff. Well, it's beneficial din pala.

"Why are you still staring at somewhere here, didn't you remember that you have a date?" usal ni Daddy na kakababa lang mula sa kwarto niya.

"Ah, tinatamad ako," sabi ko at napahiga sa couch. "Pero, joke lang! Gusto ko pa lang makita si Chal Raed ngayon. Thanks for reminding me, Dad," humalik ako sa pisngi niya at napangiti lang siya. Alam niyo ba na kahit busy siya sa trabaho ay lagi niya pa rin akong binibigyan ng oras para makapag bonding kami, mag kwentuhan, lalo na sa love life ko, at syempre isa pa, napag-usapan na namin ang review ko para makapag take na ako ng licensure examination for CPA! Tuwang-tuwa talaga ako promise! Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko. Ay oo nga pala, maybe you guys are wondering kung ba't 'di na ako nagtatrabaho as a secretary ni Sir Alonzo, eh kasi pinatigil na ako ng mga Powers, natatakot sila na mastress daw ako at baka kung ano na namang sakit ang makuha ko lalo na't kagagaling ko lang din sa operasyon. Sinunod ko na lang sila, it's for my own good after all.

***

Nasa sasakyan na kami ngayon at pauwi na. Super napagod ako sa date namin! Bumili kami ng kung anu-ano at mga pagkain na rin. Tapos nagpunta kaming park at ipinamigay 'yon sa mga taong nangangailangan. Nag enjoy talaga ako. 'Yong date namin ngayon isn't just for the two of us, but also for others.

"Ay, Chal Raed, may tanong ako," usal ko pa.

"What is it?" nakangiti namang tanong niya.

Kailangan mong sagutan 'to, Chal Raed, I've been curious about this! "Sa five months na nawala ka, ano pa 'yong isa mong ginawa?" tanong ko.

Natawa siya agad at napapailing pa, "it's about..." tumingin siya sa'kin at kumindat. Yiiieee, ang gwapooo, "secret, Girlfriend," nakangising sabi niya!

"I hate you, Boyfriend!! Mabaliw-baliw na ako kakaisip kung ano 'yon! Tapos secret pa rin!" inis ko talagang sabi. Huhuhu, ano ba kasi 'yon?!

"I love you more," sagot naman niya.

"Heh! Love ka riyan, sumisecret ka nga, eh!"

"So, what's the connection?"

"Wala!"

"Hahaha! Don't be mad at me, Mon, you'll know it soon."

"Soon ka nang soon! Hindi naman nangyayari!"

"It's not yet the right time."

"Heh!" tinawanan niya lang ako kaya hindi ko na siya kinausap pang muli. Huhuhu! Paano kong ang secret na 'yon ay—isa na siyang Daddy? Tapos namatay 'yong Mommy ng anak niya kaya ako na lang ang magiging Nanay? Mighad! Nakakaloka!

"Hey, Girlfriend, hindi ka ba bababa?" napatingin ako kung asan kami at nagtaka ako nang nasa bahay kami ng mga Alonzo.

"Anong ginawa natin dito?" tanong ko habang papasok kami. Maraming sasakyan ang andito, pati na rin sa mga Powers? At kay Kuya Mayvee? Eh?

"Gusto ni Miss TS na mag family dinner with the Powers and Marice, as well as your best friends," nakangiting sabi niya at napatango na lang ako.

The three families is getting closer and the bond is getting stronger, at nakisali pa 'yong tatlong Bruha. Ang cute!

"The couple is here!" pambungad pa ni Third.

"Hi, Ate Love," bati sa'kin ni Miracle at isa-isa na rin akong bumeso sa kanila.

"Share it to me later," sabi pa ni Daddy. Iyong tinutukoy niya ay ang date namin ni Chal Raed. Nakakatuwa talaga si Daddy! Minsan nga ay kinikilig pa siya sa tuwing nagkikwento ako, eh.

Umupo na ako sa tabi ni Chal Raed at nakangiti akong tinitingnan ang lahat. Miss Chary, Harris, and Kuya Mico are missing. Sobrang saya siguro kung andito rin sila.

"Don't worry, next time kasama na natin si Kuya Mico," bulong sa'kin ni Chal Raed.

"Sana pati Mommy mo at si Harris," sabi ko.

Hinawakan niya 'yong kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "I'll do my best to make that happen. Sana lang hindi na ituloy ni Mommy 'yong kaso, or kahit magsabi na lang siya ng katotohanan para bumaba 'yong sintensiya ni Kuya Mico and we can just pay for his bill ban para makalabas siya agad. And, syempre sana lang bumalik 'yong dating si Mommy para totally mangyari 'yang gusto mo," aniya.

Napangiti ako. Ang sarap marinig na ganyan siya mag-isip. Haay! What miracle did I make in the past to have a man like him?

"Alright! Everything has settled, let's pray so we can now have a happy eating!" masayang sabi ni Tita TS na siyang agad sinang-ayonan ng lahat.