webnovel

Kabanata I

"Magandang Buhay! I'm Miracle Andreah Gracia... 17 years of age. I am thankful na naka-abot ako sa edad na toh... Wish ko kay Papa God na makapag-Debu ako..." natigil ako sa pagsusulat sa Diary ko ng dumating ang paborito kong Nurse...

"Hi ate Jean!"

"Aba mukhang maganda ang mood ng kapatid ko ahh... Its time for your medicine."malapad ang ngiti niya habang inaayos ang syringe at itinusok sa maliit na hose na nakakabit sa kamay ko. Nakaramdam ako ng konting kirot.

"Anong ginagawa mo? "

"Wala naman ate... Gaya pa din ng dati."

Ipinakita ko sa kanya ang bago kong notebook. Di ko na mabilang kung ilang note book na ang nagamit ko para sa Diary ko.

"Nasan na nga ba yung iba kong Diary ate?"

"Nasa cabinet ko... Diba sabi ko sayo baka mawala yun dito." yung cabinet na tinutukoy ni ate yung personal cabinet niya rito sa Hospital.

Di pa gaanong matagal na Nurse si ate dito. Samantalang ako since birth nandito na, parang dito na ko nakatira.

Si Ate Mira Jean Gracia, 24 years old. Nag-aaral pa lang si Ate nandito na ko.

When I was a child, I was diagnose of Acute Chronic lymphocytic leukemia... Mababa pa noon ang stage level ng cancer ko... Ngayon I'm in stage III. Sabi nga ng ibang doctor dito napaka bata ko pa para sa ganoong sakit, rare daw kasi yung case ko. Pero umaasa ako namakakasurvive ako sa sakit na to.

"Mamaya darating sila Mama at Papa. Pati si Doc Seb." makahulugang ngiti ang itsura ni ate. Alam niya kase na crush ko si Doc Seb.

"May good news ba ate? Pwede na ba kong lumabas? " may pag-asa kong tanong. Lagi ko kaseng tinatanong kay ate kung pwede ba kaming mamasyal. At lagi niyang sagot "Palakas ka muna, ipapasyal kita kahit saan mo pa gusto."

Napayuko lang si ate... Wala siyang maisagot. Napangiti lang ako... Mukhang alam ko na ang ibabalita ni Doc sa akin.

"Basta Kapatid, palakas ka... Mahal na mahal ka namin." maluha luhang sabi ni ate.

"Oo naman ate. Ako pa ba."

Saka niya ko hinalikan sa noo at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

Naiwan ako sa apat na sulok ng puting puti na kwarto. Kasama ng ilang makinarya na tanging nagsasabi ng kalagayan ko. Nabalik ang tingin ko sa notebook at ballpen. Naalala ko yung mga sinusulat ko...

Napatingin ulit ako sa pintuan. Naiwang bukas ni ate ang pinto kaya kita ko ang mga tao palakad lakad sa pasilyo.

Tumayo ako at iniwan ang notebook at ballpen ko sa mesa sa gilid ng kama ko.

Tinanggal ko ang pocket mask sa mukha ko, ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng sapat na hangin. Kaya ko naman huminga kahit wala yun, pero hindi ganon katagal.

Tinanggal ko lang naman yun para isara ang pintuan. Pero bago ko pa man maisara ang pintuan may napansin ako... Isang binata... Nakatayo siya malapit sa isang pintuan malapit sa kwarto ko.

"Psssstt...." sitsit ko sa kanya... Pero di siya lumingon.

"Pssst..." nagtatakang lumingon lingon siya... Ng magtama ang mata namin, sinenyasan ko siya na lumapit.

Lumapit naman siya...

Malapad ang ngiti ko ng pinansin niya ko...

"Bakit? Kailangan mo ba ng nurse? " tanong niya habang palingon lingon at nag-aabang kung may nurse bang palakad lakad.

"Hindi... Gusto ko lang ng kausap. Sinong sinsilip mo dun?" naaalala ko kase may dating patient dun si Marie, pero nakalabas na siya. Siguro bagong pasyente ang nandoon at kamag-anak nitong lalaki.

"By the way I'm Miracle... And you?" nakalahad ang kamay ko. Tinitigan niya pa ito.

"I'm Zachary... " pero hindi siya nakipagkamay.

Mukhang nawewerduhan siya sa itsura ko.

"Hmmmmmm... Gusto ko lang makipagkaibigan. Yung dating nakaconfine diya kaibigan ko, nakalabas na siya... "

"Kalbo ka? " nakaturo pa siya sa ulo ko.

"Oo... Hmmm hehehe dahil sa cancer.."

"Ahhh... Ilang months ka na nakaconfine dito?"

"204 months"

"17 years... " ang bilis niya magcompute ahh...

"Wait... Diyan ka lang ahh..."

Bumalik ako sa kama ko... Kinuha ko ang camera at mask ko.

"Tara! "

"Teka?! Pwede ka bang umalis sa kwarto mo? Baka mamaya hanapin ka ng bantay mo."

"Okay lang yan... Wala pa naman sila mama at papa... Tsaka kilala naman ako ng mga nurse at guard dito eh. " hatak hatak ko siya papuntang elevator.

"San tayo pupunta? "

"Sa Rooftop... "

*Ting tunog ng pagbukas ng elevator.

"Were here! "

Ang ganda talaga ng view mula dito.

"Dito ka ba lagi tumatambay?"

"Oo..." pumunta ako sa gilid kung saan lagi akong umuupo. Kinuha ko yung isang pocket mask may isang oxygen tank din doon.

Nakatitig lang siya sa akin.

"Zachary... Magkwento ka naman."

"Anong ikukwento ko? "

"Yung buhay mo sa labas... Ano bang itsura ng paligid sa labas? Yung school mo? Teka? Nag-aaral ka ba?" napalingon ako sa kanya... Titig na titig lang siya sa akin. Tulala.

"Hello? Huyy... Back to the world Zach!"

"Sorry... Hmmmm... "

"Ano na?"

"Di ka ba natatakot? I mean... I'm stranger... Pero kung kausapin mo ko parang matagal na tayong magkakilala."

"Hindi ako natatakot. Alam mo kasi, yung pakiramdam na pagkatakot, yun yung mas lalong nagpapahina sa akin. Kaya iniisip ko na wag matakot." totoo naman. Ano bang dapat kong ikatakot? Mukha naman siyang mabait.

Napangiti siya.

"Okay... Pormal akong magpapakilala sayo... I'm Zachary Hernandez, 19 years old. College student...." napahinto siya.

"...hindi ko alam kung bakit ako nandito."

"Huh?" nagtataka ako sa sinabi niya kaya naman nagtanong ako.

"Bakit? Naligaw ka ba dito? O kamag-anak mo yung nakaconfine dun sa kwartong tinitingnan mo kanina?"

"Ahh.. Oo.. Kilala ko nga yung nakaconfine dun. " balik ulirat niya.

"Kilala mo lang? Di mo kamag-anak? "

"Oo... Kilala ko lang."

"Kwento ka pa... "

"Maganda naman sa labas kahit magulo... Alam mo yun maingay, maraming tao... Kaibigan... Malawak pero siksikang mga daanan. Maganda yung school ko. Kahit na maraming pasaway na estudyante." patuloy niya sa pagkukwento habang ako kumukuha ng litrato.

"Bakit pinipicturan mo yung ulap?"

"Ang ganda kasi eh... "

"Miracle... Pwede bang Mira na lang ang itawag ko sayo? "

"Oo naman... Smile! " sabay tapat ko ng camera sa amin ni Zach *Click

"Uyy ang pogi mo dito ohh... "

"Blurred naman eh... Hahaha"

"Miracle! Andito ka na naman. Sinong kausap mo? " si Doc Seb. Sabay kaming napalingon ni Zach.

"Sige Mira, una na muna ako, baka hinahanap na ko sa baba eh. Bye!" paalam ni Zach, tumango lang ako bilang sagot.

Tumayo na din ako para malapitan si Doc Seb.

"Kausap ko lang yung bago kong kaibigan Doc... Yung bantay dun sa kabilang room... Si Zach."

Naka kunot noong tinitigan lang ako ni Doc Seb.

"Okay.... Pero diba sabi namin sayo wag na wag kang aakyat dito na hindi kasama ang ate mo or yung parents mo." Hayy pinapagalitan na naman niya ko...

"Okay lang ako Doc..." nakangiti kong sagot sa kanya... Hinawakan niya ko sa braso para alalayang bumaba.

Napahinto kami sa tapat ng elevator...

"Doc... " nahilo ako at nahihirapan huminga...

*Blackout!

-----------------------------------

Dedicated to: @maikyaridine0716