Epilogue
Homecoming
"Bakit alam ni Riley tungkol sa larong Kingdom Quest?" Tanong ko sakanilang dalawa.
Nasa dorm parin kami, dahil kagabi hindi nila ako makakausap dahil nakatulog agad ako sa kakaiyak. This is not me.
Umupo si Janice at nakaangat ang paa nito sa lamesa. Nginuso niya si Ysa na may dalang baso.
"Bakit alam nila?" Ulit ko pero mahinahon parin ang boses ko. Ayoko magalit dahil tapos na, gusto ko lang malaman ang pangyayari.
"Casey, sorry talaga. Narinig kasi nila Riley at yung mga kasamahan niya yung usapan namin ni Janice." Tumabi saakin si Ysa at hinawakan ang kamay nang mailagay na niya ang baso sa lamesa.
"Nung paalis na kayo ni Zachariah, napagusapan kasi namin ni Ysa tungkol sa pagiging strcasey mo." Pahayag ni Janice at umayos ng upo.
Bumuntong hininga ako. "Alam na kasi niya."
"Ha? Username lang sinabi ko sakanila." Gulat ang mukha ni Ysa sa sinabi ko.
Ngumuso ako at umiwas ng tingin. "Yun nga, timing yung pagkasabi niya dahil kasama ko si Zachariah."
Ilang minuto kaming tumahimik at nakita kong tumayo si Janice kaya napatingin kaming dalawa ni Ysa sakaniya.
"Homecoming party diba? Masquerade? Sali tayo!" Aniya na malaki ang ngiti.
"We don't have dresses. Diba? Plano nating tatlona hindi tayo sasali dahil manunuod lang tayo ng movies sa labas?" Ysa explained at tumango ako bilang sang-ayon.
Naalala ko na naman si Zachariah, ininvite niya ako. Hindi ko mapigilang masaktan habang iniisip na nasaktan ko siya.
"Yun nga, sasali tayo. Maaga pa naman eh, puntahan natin ang tita ko. She's Mara Bella diba?" Ngumisi ito at halata sa mukha niya na excited ito.
Now that she's mentioning it. Mara Bella is one of the famous fashion boutique. Kilala na namin ang tita niya dahil nakarent na rin kami ng gown noon.
"What are we waiting for? Let's go!" Tumayo si Ysa at hinihila ako.
"Wala akong pera." Angil ko at umirap.
"Ako bahala." Janice winked at us and I heard Ysa's clapped her hands and excitedly jumping inside the room.
HABANG nasa loob kami ng boutique ay wala ang tita niya pero kilala na nila kami ng mga trabahante sa loob. Janice already called her tita at sinabing walang perang lalabas saamin. Nakakahiya naman pero wala kaming magawa ni Ysa.
Nasa fitting room na silang dalawa dahil tinatry na nila ang piniling ball gown. Napatingin ako sa akin at napabuntong hininga. Makikita ko na naman siya.
"Okay lang ba ma'am? Or baka may kulang?" Someone snapped me back in reality, napatingin ako sa likod at nakita ko ang isang middle aged na babae na trabahante dito. Hindi ko siya kilala dahil bago lang ito.
Ngumiti ako. "Okay lang ako, ate."
"Love life?" Biglang tanong nito, nanlaki ang mata ko at umiling.
"Hindi po." Tumawa ako ng mahina dahil nakakagulat naman ang tanong niya.
"Alam mo may sasabihin ako sayo." Lumapit ito saakin at tumabi sa sofa. Hinimas niya ang buhok ko bago ito binitawan.
"Kapag may makakaharap kayong problema sa relasyon niyo, harapin niyo ng taas noo. Huwag niyo itong takbuhin, dahil sa ganoong paraan maliligtas niyo pa relasyon niyo." Malalim ang bawat pagbigkas niya at ngumiti saakin.
"Ate, wala po kaming relasyon." I stated. Totoo naman, walang namamagitan saamin ni Zachariah.
"Wala ba? Baka hindi mo alam may nabuo. Mahal mo diba?" Bawat bigkas ng salita niya ay parang tumatama sa puso ko.
Mahal ko? Si Zacharia? Ang isang bad boy?
"Babalik na ako, madami nang tao. Basta kapag may kailangan ka tawagin mo ako." Tinuro nito ang nametag niya na nakalagay na 'Helena'. Tumayo ito at umalis.
Ang lalim naman ng mga sinasabi ni Ate, pero sa sinabi niya ay nakapaggulo sa isipan at damdamin ko. I liked Zachariah, but within these days mas lalo ko siyang nakilala. I'm happy kapag nasa tabi ko siya, malungkot ako kapag wala ito. Damn, in love ako? All this time?
Tinignan ko ang gown at tumango. "I need to face him."
Kinuha ko ang gown na napili nika para saakin at isinuot. Napatingin ako sa salamin at hindi ko mapigilang mapangiti.
The lustrous, pearl-beaded fabric of this ball gown. It fitted perfectly on my torso. It was an ivory colored that complemented my light skin. It is strapless that revealed my collarbones. Down flowing like a river with silk ombre color from ivory to tan opal. It is very simple but it symbolises elegance.
I turn around at kitang kita ang pag-angat ng ball gown ko with its glitter all over ay maganda tignan.
Gabi na nang napagdesisyunan namin na pupunta na kami sa university. Inihatid kami ng taxi dahil mahihirapan kami kapag jeep ang sasakyan namin.
Ysa and Janice are both breathtakingly gorgeous. Ang ganda din ng mga gown na pinili nila. We all complimented our looks at palagi lang kaming nag pipicturan sa taxi.
Nang nakababa na kami ay isinuot na namin ang aming masks since it is a masquerade ball. Kitang kita ko din sa mga estudyante na excited din. Pagkapasok namin sa loob ng university at pumunta sa gym dahil doon gaganapin ang party ay namangha ako.
Ang ganda! Ang galing talaga ng mga presidents in all department for making these place magical. Para kaming nasa isang forest, with those little lanterns sa gilid na nakakadagdag ng ganda sa loob.
And now I'm going to find Zachariah, pero saan ko siya hahanapin? Naka mask ang lahat dito.
"Cassiopeia! Akala ko hindi ka pupunta dito ha?" I heard Riley's voice at hinawakan niya ang braso ko.
Napalingon ako sakaniya na nakataas ang kilay kahit hindi niya makikita iyon. "Hindi ko naman talaga aagawin ang trono mo bilang homecoming princess."
Ngumiti ito. "That's good then."
Aalis na sana ako pero narinig ko ang sinabi niya kahit maingay sa loob. "Si president pala, nakita ko malapit sa last table. Becareful, nakakapit yung babaitang Erich na 'yon." Narinig ko ang maarteng sabi niya.
Lumingon ako sakaniya. "Erich?"
Tumango ako. "That girl, naninira. Gusto niya pala ang president ng department niyo, narinig namin na naglalaro ka sa Kingdom Quest kaya sinabi niya sakin kapag makita kita aayain kita sa laro." Ngumiti ito. "Though gusto ko yun, add me later ha?"
"Bakit mo sinasabi sa'kin ang lahat na 'to?" Biglang tanong ko, nakakapagtataka naman kasi.
"I like you okay? But I don't like you stealing my spotlight." Aniya at tinapik ang balikat ko bago umalis.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Ibang iba si Riley sa iniisip ko. Wala pala siyang kinalaman kahapon? Si Erich pala may pakana ng lahat.
Pinuntahan ko ang sinabi ni Riley at ayun. Nakita ko ang tindig ng katawan niya, pero napasimangot ako ng makita na may nakakapit sa braso nito. Erich!
Padabog akong pumunta sa harap nila at hinawakan ang braso ni Zachariah. Pakapalan na ng mukha, I'm taking this risk dahil mahal ko siya.
"Zach, we need to talk!"
Tumingin silang dalawa sakin at nakita kong pumagitna saamin si Erich. "Girl, shoo. Ayaw na sayo ni Zachariah diba? Umalis kana dito."
Tinignan ko siya ng masama. "Says who?"
Sasabat pa sana si Erich pero narinig namin ang malalim na boses ni Zachariah na napatikom saaming bibig. "Shut up, both of you."
Bumabalik na naman ang pagiging cold.
"Saan mo ba tayo gusto mag-usap?" Seryoso ang boses nito kaya napalunok ako.
"Sa labas." Nagkakautal pa ako dahil sa kaba, my heart is beating faster.
"Zachariah, iiwan mo 'ko dito?" Erich sounds so desperate kaya napangiwi ako. Patay na patay talaga ang babaeng to 'no?
Unang naglakad si Zachariah kaya sumunod ako sa likod niya.
"Now talk," seryosong pagkasabi nito.
Napayuko ako at ginagalaw ang aking kamay na kanina pa nanamawis. Get a grip of yourself, Casey. Kasalanan mo 'to kaya ayusin mo.
Huminga ako ng malalim at pumikit. "I'm sorry dahil niloko kita gamit ang account na 'yon, sorry dahil hindi ko agad sinabi sayo, sorry dahil nasaktan kita, sorry—"
Hindi na niya ako pinatapos sa pagsalita ng bigla niya akong hinalikan.
Napatingin ako sakaniya na nanlalaki ang mata. Ramdam ko ang init sa mukha ko and I'm blushing.
"I thought hindi ka magsosorry." Ngumiti ito at hinawakan ang ulo ko then he cups my face.
"So, may tanong ako. Bakit mo naisipang magsorry saakin?" I don't know why pero parang may naririnig ako na pang-aasar at tuwa sa boses niya o sadyang guni-guni ko lang 'yon.
"I want to know the truth. Don't lie to me again."
Huminga ako ng malalim. This is it, hindi ko alam if may mukha pa ba akong maiharap sakaniya pagkatapos nito.
Pumikit ako. "Mahal kita, Zachariah!"
"Mahal din kita, Cassiopeia. Don't worry matagal ko nang alam." Aniya na sa mababang boses at rinig ko na natatawa din ito.
Hindi ko mapigilang kiligin at ang ngiti ko ay hindi na maitago sa tuwa. Pero nakakapagtataka naman ang sinabi niya.
"Anong alam mo?"
"Ikaw si strcasey," he smiled and cup my face. Bago pa ako makapagsalita ay hinalikan na niya ako pagkasabay 'nun ay may umiilaw sa gilid at alam kong fireworks 'yon dahil sa ingay.
Binitawan niya ang mukha ko at ngumiti. "I love you, Casey."
Can I be more happier than this?