Nathaniel Ruix
"Please! Let him go!!"
Nagising ako sa malakas na sigaw na nangagaling mula sa girlfriend ko.
Wala akong makita dahil nilagyan nila ng blindfold ang mga mata ko. Susubukan ko na sana itong tanggalin pero kahit sa mga kamay at paa ko ay may tali din pala. Ito talaga ang kinakatakatukan ko, paano na si Liyanna? Sinaktan ba siya nila? Ano na kaya ang itsura niya? Ayos lang ba siya? Fuck. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling mangyari man iyon.
Ilang sandali pa at naramdaman ko na lang na may lumapit sa harapan ko.
At inalis nito ang pagkakatakip ng blindfold sa aking mata hanggang sa unti-unti ko nang nakikita ang mga taong nasa paligid ko. Unang hinanap ng mga mata ko ay si Liyanna. At sunod na inalis rin ang nakatakip sa aking bibig. Nakahinga na ako ng maluwag lalo na nang makita kong okay lang si Liyanna, pero iyak pa rin siya ng iyak habang nakatingin sa'kin.
"Nathaniel Ruix! Ang anak ng bilyonaryong si Calvix Sullivan. Manang mana ka talaga sa kanya, parehas kayong demonyo. Sa wakas, nakuha na rin kita." Sabi nung lalaking nanakit sa akin kanina at biglang napahalakhak.
Sinubukan kong mag salita kahit sobra na akong nanghihina.. "A-Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Pera?! Fine! Ibibigay ko. Sabihin mo lang! Basta palayain mo na kami ng girlfriend ko! Wag mo siyang idadamay dito."
Laking gulat ko nang tinawanan niya lang ako ng malakas. Para akong nakakita ng demonyong tumatawa sa aking harapan ngayon.
"Bata.. Hindi ko kailangan ng pera mo. Hustisya, hustisya ang kailangan ko. Dahil walang magagawa 'yang pera mo sa ginawa mo sa kapatid ko!"
Bigla niya akong sinakal at pinagyuyugyog kasabay nang pag tagis ng bagang n'ya. "Natatandaan mo pa ba ang ginawa mo sa kuya noon, ha?!" sigaw niya.
My eyes widen.
"Ikaw.. Ikaw si Gabriel?!" Di makapaniwalang usal ko. Bigla niya 'kong binato ng bote ng wine na hawak niya kaya naman halos mapapikit ako sa sakit na naramdaman, kumalat ang mga bubog sa sahig. Si Liyanna naman hindi na makapagsalita dahil may nakatakip na sa kanyang bibig ngayon.
"Naaalala mo pa pala ako? Paano naman ang ginawa mo sa kuya ko? Tanda mo pa ba, ha?! Ano? Sagot! Sumagot ka!!" galit na galit niyang sambit.
Mahinang napailing ako sa kanya.
"Gabriel.. Makinig ka sa akin! Aksidente lang ang lahat! Wala akong ginawang masama sa kanya!" pagpapaliwanag ko pa.
Siya Si Gabriel Ceda. Ang kuya niya ay isa sa mga katulong namin noon sa probinsya. Yun ay Si Kuya Javier.
Nagkaroon kasi ng aksidente sa isa naming bahay sa probinsya kung saan si Kuya Javier ang caretaker doon nang mga oras na iyon. Nilooban kasi iyon at siya ang bantay noon sa bahay. Namatay si Kuya Javier dahil sa pagkakasaksak sa kanya ng kung sinong mang magnanakaw na iyon.
Napagkamalan lang ako na ako ang pumatay dito dahil ako ang nakakita ng lahat nang nangyari sa kanya. Hindi kasi ako makauwi sa mansion kaya doon ako tumuloy nung gabing iyon. Ako ang nakasaksi ng lahat kung paano siya pinatay, nakita ko ang pagkakasaksak kay Kuya Javier at ang pag kuha ng mga magnanakaw ng mga mamahaling gamit doon sa bahay. Wala lang akong nagawa dahil isang hamak na 8 years old pa lang naman ako noong panahon 'yon. Hindi ko alam ang gagawin, tumago lang ako nun sa isang tabi at umiyak lang ng umiyak. Nag paliwanag ako sa parents ko pero hindi rin sila naniniwala kaya ganon rin siguro itong Si Gabriel sa akin. Akala nila ako ang pumatay! Pero hindi! Dahil parang tunay na kapatid ko na kung ituring si Kuya Javier kaya hindi ko talaga magagawa ang bagay na iyon sa kanya.
Kaya naman bata pa lang ay pinapunta na ako nila Dad sa ibang bansa para doon na ako manirahan at hindi raw kumalat ang balita na may pinatay ako dito sa Pilipinas. Kahihiyan kasi iyon sa pamilya namin kung sakaling malaman ng mga tao sa Pinas. At kaya lang naman ako dito bumalik dahil gusto ko lang makasama ulit si Liyanna. Siya na lang kasi ang tinuturing kong pamilya sa buhay. Wala na kasing pakialam ang parents ko sa akin, hindi na nila ako priority simula nang may pinatay daw ako. Ang sama nila di ba? Kaya siguro nagiging masama na rin talaga ako. Sila na kasi mismo ang gumagawa ng dahilan upang tuluyan na akong maging masamang tao.
"Hindi na ako maniniwala sa'yo, Bata." tumawa siya. "Ang mga magulang mo na mismo ang umamin sa akin na ikaw talaga ang pumatay sa kapatid ko." dagdag niya pa.
Doon na ako biglang nawalan ng lakas sa narinig. Namalayan ko na lang na lumuluha na pala ako. Ang sakit lang, ganito na talaga ako kawalang kwenta para sa kanila? Pamilya ko ba talaga sila? Bakit nila sinabi ito kay Gabriel? Hindi naman iyon ang totoo! Hindi ko rin kayang gawin iyon. Nakakalungkot lang talaga kasi isipin na kahit pala pamilya ko ay wala na din talagang tiwala sa akin.
"Kawawa ang bata. Sige, umiyak ka pa. Dahil mamaya lang ay paglalamayan mo na din itong girlfriend mo." sambit niya at humalakhak na naman ang demonyo.
"Kahit ano pang gawin mo sa akin, wala akong aaminin. Dahil hindi ako ang pumatay sa kanya!" matigas kong sabi dito. Lumapit siya sa akin bigla akong sinakal. Halos hindi na ako makahinga sa ginagawa niya.
"Papatayin kita tulad ng ginawa mo sa kuya ko." sambit niya at may bigla siyang nilabas na isang matulis na bagay. Kutsilyo. Ito ang bagay na ikinamatay ni kuya Javier.
Napapikit ako.
"Sandali! Hindi pa pala ito sapat. Gusto ko munang makita kang nahihirapan bago kita tuluyang patayin."
Ibinalik niya ang panyong nakatakip sa aking bibig pagkatapos ay binitawan niya na ako at bigla siyang lumipat kung saan naroon si Liyanna.
Bigla akong kinabahan.
"Ashais." tawag ni Gabriel doon sa lalaking lumapit din kay Liyanna. "Enjoy watching." sabi ulit ni Gabriel.
Bigla akong nagtaka. Sobra na akong naguguluhan.. Anong gagawin nila sa girlfriend ko?! Ilang sandali pa at bigla na lang pinunit nang lalaking iyon ang damit ni Liyanna! Halos manlaki ang mga mata ko nang bigla nitong halikan si Liyanna. Mas lalo lang humagulhol ang girlfriend ko.
I cried so hard.
Wala akong ibang nagawa kung di ang umiyak lang ng umiyak sa mga nakikita ko.
Ilang sandali pa at lumapit na sa akin si Gabriel. Nakakalokong nginitian niya pa ako. May kinuha siyang isang maliit na bote mula sa kanyang bulsa.
Inalis niya ang takip sa bibig ko.
"FUCK YOU!!" sigaw ko habang may luhang dumadaloy mula sa aking mga mata.
"Shut up, kid!" sabi niya at malakas niyang ibinuka ang aking bibig at bigla na lang pinainom sa akin ang laman ng kaninang hawak niyang maliit na bote. Ang lakas ng tama sa akin. At wala pang isang minuto ay sobrang nanghihilo na ako. Parang nawawala na ako sa aking sarili, nanlalabo na rin ang mga paningin ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sumasakit na rin ang lalamunan ko, para itong nasusunog.
Habang kinakaya pa ng katawan ko at hindi pa tuluyang pumipikit ang mga mata ko ay muli akong napatingin kay Liyanna. Wala na siyang saplot ngayon.
"N-Nathaniel.. I'm so sorry, I'm really sorry.." humahagulhol na sabi ni Liyanna. Ito ang huli kong narinig mula sa kanya.
Nakapikit na ang mga mata ko. Hindi ko na rin alam kung bakit humihingi sa akin ng tawad si Liyanna nung mga oras na iyon.
Wala na akong maintindihan.
Hanggang sa tuluyan na talaga akong nawalan ng malay..