webnovel

You are Mine... Legally

Shanaia Aira's Point of View

" Salamat po Mayor Arguelles. Tutuloy na po kami." paalam ko ng medyo humupa na ang pamumula ng mukha ko.

" Walang anuman. Congratulations Mr. and Mrs. Montero." turan pa ni mayor.

" Salamat ulit mayor. We'll go ahead, para makarami." biro ni Gelo na may pilyong ngisi sa labi.

" Hahaha. Ikaw na talaga Montero. Sige na ng makarami kayo." panggagagad pa ni mayor dun sa huling sinabi ni Gelo. Nag-init muli ang mukha ko. Kainis naman tong dalawa na to. Kinakabahan na nga ako sa maaaring mangyari mamaya, kung magbiruan pa sila parang normal lang na may nangyayari na talaga.

Tuluyan na nga kaming lumabas sa bakuran ni mayor Arguelles. Nagpasalamat kami sa guard na nagpapasok sa amin kanina nung nasa gate na kami.Humingi pa nga ito ng autograph kay Gelo para sa anak nya dahil favorite daw nito si Gelo.

Habang daan pauwi ay hindi ako kumikibo. Ewan ko ba kung bakit imbes na masaya ako dahil kasal na kami ni Gelo, ay mas lamang yung kinakabahan ako. Oo, kinakabahan dahil sa maaaring mangyari mamaya. Yun bang kaba na may halong excitement at takot. Ang gulo ko di ba? Kasi sabi ng mga friends ko, mas masakit pa raw sa dysmenorrhea ang first time.

Nilingon ko si Gelo na busy sa pagmamaneho. Ang laki ng ngiti nya sa labi at halata sa mga mata nya na masaya sya. Masaya rin naman ako. Masayang masaya, nga lang, yun nga kinakabahan ako.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang mabuting nagawa ko para pagkalooban ako ng isang katulad ni Gelo. Lagi ko iyong tinatanong sa sarili ko, minsan naisip ko na hindi ko deserve si Gelo. Sobrang gwapo nya, sakto lang ang tingin ko sa itsura ko. Sikat sya, talented pero ako, simple lang. Siguro mahal lang ako talaga ni Lord. Nung gawin Niya si Gelo, maaaring ako yung iniisip Niya.

" Hey, staring is rude." sita nya nung mapatingin sya sa gawi ko.

" At kailan pa ipinagbawal sa atin yon ha?" mataray kong tanong, napahiya kasi ako, nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

" Sabi ko nga, titigan mo pa ako." natawa na lang ako sa kanya. Takot talaga sa akin to pag nagtataray ako.

" Seriously bhi, hanggang ngayon hindi pa rin mag sink in sa akin na kasal na nga tayo. Imagine, single pa ang status ko kanina tapos isang oras lang ang lumipas naging married na. Bilis ng pangyayari!"

" Ako baby lutang pa rin hanggang ngayon. Hindi na nga maalis yung ngiti sa labi ko kanina pa. Imagine, yung babaing crush ko nung bata ako, tapos unang niligawan at unang naging girlfriend ay asawa ko na ngayon. Ang bait talaga ni Lord sa akin, kasi ibinigay Niya yung isa sa mga angel nya para mahalin at alagaan ako. Napaka-palad ko talaga. "

" Grabe ka naman bhi. Angel talaga? "

" Oo baby. Ikaw ang anghel ng buhay ko. Maraming tukso dito sa mundo pero hindi ako napariwara kasi nandyan ka. "

" Bhi artista ka hindi ka basketball player. Kung makapambola ka, wagas! " sabay irap ko sa kanya.

" Oy Mrs. Montero, kahit kailan hindi kita binola. Seryoso ako sayo kaya pinakasalan nga kita di ba? " katwiran pa nya. Medyo nanibago naman ako sa itinawag nya sa akin. Oo nga pala, Mrs. Montero na ako ngayon.

" Oo na nga bhi.Hindi na ako kokontra. Ikaw na! " pagsuko ko. Napansin ko na huminto na kami. Nasa bahay na pala kami. Bumaba si Gelo at mabilis na binuksan ang gate namin. Ako na ang nagmaneho papasok sa garahe para maisara na nya ang gate.

Hinintay ko sya sa may front door. Nang makalapit na sya ay bigla nya akong binuhat na pa-bridal style na sya namang ikinagulat ko.

" Bhi ano ba! Ibaba mo ako at walang magsasara ng pinto."

" Di ba ganito pag bagong kasal, binubuhat ng groom yung bride nya papasok ng bahay?"

" Oo nga pero magla-lock pa tayo ng pinto."

" Kaya ko namang i-lock yan ng karga kita ah." sabi nya tapos sinimulan na nga nyang i-lock ang pinto ng karga ako. Nang matapos ay dumiretso na kami sa kwarto at maingat nya akong inilapag sa kama namin.Sumunod sya pero nasa ibabaw ko sya.

Putspa! kung makatingin naman itong si Gelo parang ako si Catriona Gray, ang intense. Yung kaba ko kanina heto na naman dahil sa mga tingin nya. Yung tingin nya kasi punong-puno ng pagmamahal, paghanga, excitement at —pagnanasa? Yun yun eh! May halo na ngang pagnanasa yung tingin nya kaya lalo akong kinabahan. Mukhang ready na talaga sya na sakupin ng China ang Bataan. OMG!

Then he cupped my face and kissed my lips. He kissed me hard and kissed me good. Hinalikan nya ako hanggang sa hindi na ako halos makahinga.

" Bhi!" imbes na pagtutol ay parang iba yung lumabas na tono sa akin. Nakakahiya. Kaya naman hinalikan nya ulit ako. This time mas marubdob kaysa dun sa nauna.

Bumaba ang mga halik nya tungo sa aking leeg. He kissed every inch of skin on my body. We used to make out but this time it felt different. Siguro dahil ito ang unang beses na gagawin na namin talaga dahil mag-asawa na kami.

He worshipped my body like it was his most priced possession. Fresh pleasure embrace my whole being. Tuluyan ko na yatang naiwala ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa ginagawa nya sa akin. I know this is his first time too but he's acting like a pro. Nanonood siguro to sa internet.

I moaned and wondered. I heard him groaned before his feet parted my legs. Ramdam ko ang kahandaan nya na nagpapatunay na hindi lang ako ang nakakaramdam ng tila libo-libong kuryente na dumadaloy sa kaibuturan ko.

Napahawak ako sa braso nya ng magsimula ng sakupin ng China ang Bataan. Nakaramdam ako ng matinding sakit na parang pinaghiwalay ang aking katawan. Hindi ko nakayanan kaya napaluha ako. Huminto naman si Gelo at hinalikan ako ng paulit-ulit sa buong mukha ko tapos hinagod ang ulo ko hanggang sa humupa na ang sakit na aking nararamdaman. Naging patient naman sya sa akin at hindi sarili lang nya ang iniintindi nya.

Nang matiyak nya na maayos na ako, his body move to a rhythm I wasn't familiar of. Ganon pa man, like the rhythm that was buried deep within me, I moved with him. Hanggang sa ang Bataan ay buong puso ng nagpasakop sa China, hindi lang minsan kundi paulit-ulit. Hindi naman kasi kami parehong na-inform na mesherep pala eh.. hayun para tuloy kaming adik. Madaling araw na nung tumigil kami.. resulta, hindi na ako halos makalakad papunta ng CR. Putspa! Ang hapdi kasi, bakit kanina hindi naman. Pahamak na Gelo to, ang landi kasi tapos ang gwapo at ang hot pa. Ako naman, natuklasan ko na hindi lang pala ako marupok pagdating sa kanya kundi sobrang rupok.

" Haay baby lalo yata akong na-addict sayo. Ang sarap mo!" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Jusme! wala ng filter ang bibig nito.

" Hoy bhi! yang bibig mo nga! Naging asawa mo lang ako naging brutal na yang bibig mo." sita ko. Mukhang lalandiin na naman yata ako dahil pilyo na naman ang ngisi. Susme, paumaga na at pagod na ako.

" Baby natural lang yan dahil mag-asawa tayo. Masanay ka na. Ano another round? " hayun sabi ko na eh.

" Bhi naman matulog muna tayo, patilaok na yung mga manok. Uuwi pa tayo ng Metro mamaya dahil may pasok na ako bukas. Baka hindi na ako makalakad nyan. " reklamo ko.

" Okay matulog na tayo pero mamayang gabi na tayo luluwas ng Metro at dun ka rin sa condo natin matutulog mamaya. Okay ba baby? "

" Oo na nga po. Kung fertile lang ako malamang pagluwas natin buntis na ako dahil dyan sa kalokohan mo. Buti na lang hindi." napatingin syang bigla sa akin dahil sa sinabi ko.

" Ayaw mo pang magka-baby tayo? " tanong nya.

" Gusto naman bhi pero hindi muna sa ngayon. Nag-aaral pa ako tapos ikaw kasalukuyan ka pa lang namamayagpag dyan sa career mo. Kawawa naman ang baby kung hindi natin sya maaasikaso ng maayos di ba?"

He heaved a sigh. " Sabagay tama ka. So hindi muna? Let's say right after you graduate from Med school, pwede na? " tanong nya.

" Pwedeng-pwede na bhi. For now, ikaw na muna ang baby ko at ako muna ang baby mo. Ayos ba? "

" Alright. Let's enjoy each other before the baby comes. Another round? " pilyong tanong nya.

" Akala ko ba matutulog na tayo? Maisingit mo lang eh no! Sige uuwi ako sa amin mamaya. " banta ko.

" Sabi ko nga matutulog na tayo di ba? Kulit mo rin baby."

" Sira! Ako pa makulit ngayon. "natatawa ko ng turan. Hinila na nya ako papunta sa kanya saka ako niyakap ng mahigpit.

" I love you baby. Thank you for being my best friend for years, for being my girlfriend for almost 6 years and now atlast you are mine, legally. God is so good to me for giving me one of His angels. I love you and you mean the world to me." he said then kissed my lips gently.

" Wow naman ang sweet ng baby boy ko. Pero seryoso bhi, mahal na mahal din kita. Feeling ko nga hindi kita deserve eh. You see, ang gwapo mo, talented, ang hot na may six pack abs, mabango, mabait tapos sobrang thoughtful pa. Kung ako, angel ako para sayo, ikaw naman para kang Greek god sa mythology na mahirap abutin. But thank God, naabot kita at hindi lang yon, nakatali ka na sa akin.I love you very, very much bhi. Thank you for loving me back. "

He smiled sweetly at me and gave me a peck on the lips. Then we both drifted to sleep.