webnovel

Home Again

Shanaia Aira's Point of View

" I'm sorry Aira. Hindi dahil sa hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita, alam mo yan. Kailangan ko lang iwanan ka para sa ikabubuti ng lahat. You have to set me free, it's for your own safety. Goodbye for now." tumalikod na siya at hindi na ako nilingon pa. Pilit akong humahabol pero palayo sya ng palayo.

" Gelo! wag mo akong iwan! "

" Gelo! "

Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib. Walang ampat sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko kaya ito. Para akong pinapatay, hindi ako makahinga.

" Baby!" tinig ni Gelo yun, bumalik sya.

" Baby wake up!" tawag nya ulit this time may kasama ng marahang pagyugyog sa balikat ko.

" Huh!" idinilat ko ang mga mata ko at ang gwapong mukha ni Gelo ang bumungad sa akin.

" Nananaginip ka. Umuungol ka at tinatawag mo ako kaya napabangon ako. Umiiyak ka. What is it baby? " tanong nya.May pag-aalala sa kanyang mukha. Bigla akong bumangon at niyakap sya ng mahigpit saka ako umiyak ng umiyak sa balikat nya.

" Shh. hush now baby. It's just a dream." saad nya, panay ang hagod sa likod ko.

" Bhi, umalis ka, iniwan mo ako. Parang totoong-totoo. Hindi ako makahinga." mabilis syang kumalas sa akin at pumunta sa may table. Pagbalik ay may dala na sya na isang basong tubig at pinainom nya sa akin.

Matapos uminom ay nahimasmasan na ako. Nawala na yung mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Lumapit sya sa akin at muli akong kinulong sa mahigpit na yakap. Hinalikan nya ako sa ulo.

" Baby ang panaginip ay bunga ng ating mga alalahanin. Nag-aalala ka dun sa sinabi nung lola kaya nadadala mo hanggang sa pagtulog mo. Huwag mo ng isipin yon, hindi kita iiwan. Hindi ko pwedeng iwan ang nag-iisang source ng happiness ko. Tara bangon na tayo para makapag - breakfast na. " untag nya sa akin at nagpahinuhod naman ako.

Nagpa-room service na lang kami para sa breakfast. Matapos kumain ay medyo nawala na yung mga agam-agam ko. Tama si Gelo, bunga lang ng mga alalahanin ko yung panaginip ko kanina. Hindi ko na dapat iniisip pa yon. Nananalig kami ni Gelo na hindi hahayaan ng Diyos na mangyari sa amin yon.

Nang makapag-pahinga ng konti ay sabay na kaming naligo.As usual, ang maharot na si Gelo ay hinarot na naman ako sa loob ng bathroom. Syempre marupok ako kaya hayun natagalan na naman kami sa paliligo.

Napagpasyahan namin na hindi muna maglilibot ngayong araw. Pahinga muna raw kami. Pupuntahan namin ang room nila tito Anton sa taas para personal na ipakilala sa kanila si Gelo. Siguradong magugulat sila dahil isang artista ang fiance ko.

Matapos magbihis ay umakyat na kami sa susunod na floor kung saan naka-check in sila tito Anton. Gaya nga ng inaasahan ko, nanlaki ang mga mata ni tita Liana ng pagbuksan kami ng pinto.

" Oh my goodness! Gelo Montero?" sambit ni tita na napatakip pa ng bibig sa gulat.

" Yes po tita. Si Gelo nga po, ang fiance ko." sabad ko tapos nagmano kami ni Gelo kay tita Liana na nakatulala pa rin sa gulat.

" Bakit hindi mo naman sinabi Aira na si Gelo Montero pala ang fiance mo? Nakapag-ayos man lang sana ako." saad ni tita Liana na mukhang na-starstruck pa yata kay Gelo.

" Tita Liana si Gelo lang po yan, ayos lang po kahit hindi pa kayo nagsuklay." biro ko.

" Sus ikaw naman nakakahiya pa rin syempre.Tara kayo,nasa loob ang tito Anton nyo kasama ang mga bata." untag ni Tita Liana. Sumunod kami ni Gelo sa kanya.

" Papa nandito na si Aira kasama ang fiance nya. " anunsyo ni tita Liana nung nasa loob na kami. Napalingon si tito Anton na nanonood ng tv kasama si Neiel, Andrei at ang bunsong anak nila na si Athena.

Gaya ni tita Liana kanina, nagulat din si tito Anton ng makita ang kasama ko.

" Whoa! bakit may artista tayong bisita dito? Don't tell me Aira na siya ang fiance mo?" may ngisi sa labi si tito na tila nang-aasar.

" Grabe ka sa akin tito. Wala po ba akong karapatan na magkaroon ng fiance na artista? Palibhasa si ate Shane ang paborito mo kaya ka ganyan sa akin. " nakalabi kong turan.

" Hoy joke lang. Alam ko na kanina pa kung sino ang fiance mo, nabanggit na nitong dalawa. At isa pa ikaw talaga ang paborito ko hindi si Shane, ayaw ko lang sabihin kasi nagmamaktol yon. Mas maganda at mas matalino ka dun, manang ka nga lang."

" Tito!" bulalas ko.

" Biro lang! Pakilala mo na ang tito mong pogi dyan sa fiance mo. " turan ni tito Anton.

" Tito si Gelo po. Bhi siya naman si tito Anton ang pinaka poging tito sa mundo ng modelling next to tito Nhel. " asar ko naman kay tito.

" Hoy mas pogi ako sa tito Nhel mo noh! Di ba Neiel? "

" Papa bakit ako ang tinatanong nyo eh daddy ko yon? syempre alam nyo na isasagot ko. " nagtawanan kami sa sagot ni Neiel dahil naasar si tito.

Doon na kami nag-lunch ni Gelo. Madali namang nakapalagayan ng loob ni Gelo ang mga kamag-anak ko. Palihim din syang nag-sorry kay Neiel at Andrei at nagpaliwanag kung bakit nya nagawa sa kanila yon. Naintindihan naman sya nung dalawa at bago kami bumalik ng suite namin ay close na sila kay Gelo.

____________

Nung mga sumunod na araw ay tinuloy namin ni Gelo ang paglilibot sa buong Japan. Sobrang na-enjoy ko ang bakasyon naming ito. Isa ito sa matagal na naming plano pero hindi natutuloy dahil sa dami ng mga nangyari nung mga nakaraang taon. Mabuti na lang na-plano na pala ito ni Gelo bago pa sya bumalik ng showbiz kaya nung magkaroon ng pagkakataon ay nagpa-booked na sya kaagad.

Kumpleto na ang mga nabili naming pasalubong. Bawat lugar na pinupuntahan namin ay bumibili kami kaya ilang araw pa bago kami umuwi ay nakaayos na ang mga ipamimigay naming pasalubong.

Huling araw na namin sa Japan. Hindi na kami lumabas ni Gelo sa room namin. We just cuddle the whole day. Mas magandang fully rested kami para sa flight namin kinabukasan.

Walang ginawa si Gelo kundi maglambing sa akin sa buong araw. Tinatawanan ko na lang siya kasi alam ko naman kung bakit extra sweet sya sa akin ngayon. After kasi nitong bakasyon namin dito sa Japan, may one week na lang kaming natitira at doon sa bahay namin sa Tagaytay gugugulin yon tapos nun back to work na sya. May bago na naman kasi syang movie. At sigurado, malabo na naman kaming magkasama ng ganito. Mami-miss na naman namin sigurado ang isa't isa.

Kinabukasan bumalik na kami ng bansa. Umaga ang flight namin kaya nag-aagaw na ang liwanag at dilim nung nasa bahay na kami. Wala ang mga kapamilya ko. Si daddy at kuya Andrew ay may dinaluhang political gathering. Si ate Shane may shooting. Si mommy may taping sa tv station at si Dindin ay hiniram ng mommy ng ex husband ni ate. Iniwan lang namin kay yaya Didang ang mga pasalubong at siya na ang bahalang magpamigay dahil may mga pangalan naman.

Bumiyahe na kami ni Gelo papuntang Tagaytay. Dahil medyo traffic kaya halos madaling araw na kami nakarating. Ang ending pareho kaming bagsak pagpasok pa lang ng bahay.

Sinulit namin ni Gelo ang natitirang isang linggo sa bakasyon namin. Hindi na kami namasyal dahil madalas naman kaming pumunta dito. Naglinis lang kami ng bahay at nagtanim ng mga halaman sa bakuran. Namili kami ng mga gamit. Yung mga kulang sa kusina ay kinumpleto namin pati na rin sa bedroom. Dito kasi namin balak tumira ni Gelo pag nagpakasal na kami. Yung condo ay pang-emergency purpose na lang. Kapag hindi na kayang mag-drive pauwi ng Tagaytay, dun na lang sa condo uuwi.

Mas naging intimate kami ni Gelo dito sa Tagaytay nung mga sumunod na araw. Siyempre bahay namin kaya kung ano-anong kabaliwan ang nagagawa namin. Hindi iilang beses na muntikan na kaming mag all the way pero sa huli, nakakapag-pigil pa rin kami. Disiplina lang yan ika nga.

Pero kaya pa ba naming magpigil kung yung natitira naming bakasyon ay malapit ng matapos?

Hindi ko alam. Bahala na si Batman.