KINABUKASAN ay nagpunta ang buong team sa site. Matatagpuan ang six hectares property sa Entertainment City, ASEANA Paranaque kung saan itatayo ang Red Phoenix. Malapit iyon sa location ng mga prestihiyoso at malalaking hotels and casinos sa Pasay.
Nakasuot kami lahat ng basic safety equipment katulad ng neon green na safety vest, hard hats at glasses. Hiniling kasi ng upper management ng RPHC na magkaroon ng site visit kasama ang CEO dahil kakarating lang nito from UK last week.
Lahat kami ay nakatayo at nagpupulong sa labas ng construction site habang inaantay ang pagdating ng CEO. Halata ang tense sa mukha ni Sir Peter, ang aming Senior Architect. Ang balita kasi ay cold at terror daw si Mr. Morgan. Perfectionist ito at isang maling kilos ay 'di ito magdadalawang isip na sirain ang buhay mo.
Maya-maya pa at may bumulong na isang middle aged man kay sir Peter.
"Parating na si Mr. Morgan. Team, don't forget to smile, lalo na kayong mga babae. Make sure to charm the CEO," tumagal ang tingin ni sir Peter sa amin ni Erin.
"Don't worry sir, kayang-kaya ni Apple yan!" tinapik pa ni Erin ang balikat ko.
Pasimple ko siyang pinandilatan ng mata, "Anung sinasabi mo dyan? Bakit ako ang tinuturo mo?"
Bumulong siya pabalik, "Anu ka ba naman, engage na ako at alam mong napakaseloso ni Vlad. At least ikaw, di naman masyadong seloso si Kyle. Kaya mo na 'yan."
Magrereklamo pa sana ako pero nahinto ang dila ko nang makita ang isang black 'Volvo' na huminto sa tapat ng construction site. May nakasunod na dalawa pang itim na sasakyan dito. Naunang lumabas ang mga body guard na nakasuot ng itim na amerikana. Wow ah! Ang init kaya. Good luck sa outfit nila.
Tumayo at humilera sila sa harapan na tila mga robot.
"Bongacious naman pala talaga 'tong si Mr. Morgan. May pa-grand entrance. Kulang na lang red carpet," bulong ni Erin.
May isang body guard ang nagbukas ng pintuan sa backseat ng itim na Volvo habang may isa pa na nag-aabang sa tabi at nakahanda ang itim na umbrella.
Tila slow motion sa mata ko ang mga sumunod na nangyari. Halos magkandahaba na ang leeg ng bawat isa sa amin kakatanaw sa inaasahang mabigat na kliyente. Dahan-dahang nagbukas ang pintuan nito at unang umapak sa sementadong sahig ang isang itim na leather shoes.
Sunud na lumabas ang tuktok ng ulo nito na….blonde hair? Mabilis na kumabog ang dibdib ko at 'di ko alam kung bakit. Hanggang sa tuluyang umibis ng kotse ang isang matangkad na binata. Nakasuot siya ng Rayban clubmaster shades, white long sleeve polo at black slacks.
Sabay-sabay na nag-bow ng ulo ang mga body guards. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa direksyon namin. Para naman akong biglang naging yelo sa paninigas ng buo kong katawan. Hindi ako makapaniwala. Nililinlang ba ako ng mata ko?
Ang buhok, tindig, tangkad, kilos. Kilalang-kilala ko yan. Dahil kahit lumipas na ang ilang taon ay ni minsan 'di siya naalis sa isip ko.
Huminto sa tapat namin si Mr. Morgan na tila isang Diyos na bumaba sa lupa. Dahan-dahan niyang tinangal ang suot na shades at nagtama ang aming mata. Sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko pakiramdam ko nabibingi na ako.
His dark gray eyes penetrated each layer of my soul. Mga matang may kakayahan na paikutin ang buong mundo ko sa paraan na siya lang ang makakagawa.
Unti-unting tumaas ang sulok ng bibig niya.
"Levi…."
+++
Dear Diary,
Bakit minumulto ulit ako ng nakaraan?
Dapat hanggang chapter 45 lang ito pero dahil may pumasok na maganda plot sa isip ko kaya paabutin ko ito ng chapter 50! :) Pa-vote naman ng powerstone si Author para ganahan ang brain cells! Hehe.
BTW! I ALREADY POSTED THE FIRST 5 CHAPTERS OF MY NEWEST NOVEL: ADIK SA’YO (SHABU O AKO?) CHECK IT OUT!!!
I’m sure you’ll like it! :)
Join our FB Group: Cupcake Family PH