AFTER what happened, Levi never showed his self again. Bumalik ang buhay ko sa dati. Tahimik, walang makulit at bully na demon, simple lang tulad ng kinalakihan ko.
Kyle and I started dating officially. Mabait si Kyle, maalaga, gentleman at perfect boyfriend. Wala na akong hihilingin pa. Ang mga sumunod na buwan na kasama ko siya ay punong-puno ng tawanan at kasiyahan. Pero deep down inside, I know to myself that I will always remember a blondie guy with a dark gray eyes. He will always have a special place in my heart.
Few more years had passed. Naka-graduate na kami nila Erin at Sam. Pumasa kami ni Erin sa 'Architect Licensure Examination' at nagtagumpay na makuha ang aming license.
Bumalik naman ng Korea si Sam upang mag-training bilang 'Idol' sa isang Korean agency. Hindi niya tinuloy ang career sa Architecture industry dahil iba ang tinitibok ng puso niya. Suportado namin siya sa pangarap niya at madalas din kaming mag-video call na tatlo. Minsan ay umuuwi naman siya ng Pinas kapag binigyan sila ng bakasyon ng management.
Erin and I got a job as Junior Architect in Luminous Design Inc. Isang sikat at malaking Architectural firm sa bansa. Masaya ang environment kahit may kasamang stress at pressure sa trabaho pero marami kaming natutunan dalawa. Engage na din sila ni Vlad at ang balita ko ay plano na nilang magpakasal next year. Masayang-masaya ako para sa kaibigan ko dahil natagpuan na niya ang kanyang "Forever and ever."
"Ikaw ang magiging maid of honor ko Apple," masayang sabi sa akin ni Erin na ikinagulat ko.
"Talaga? Oh my God," agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Ang akala ko kasi noon si Sam ang pipiliin niyang maging maid of honor but I guess our bonding got closer simula nang magtrabaho kami sa iisang firm.
"Excited na ako para sa inyo ni Vlad! Congratulations!"
Kinikilig na pumalumbaba si Erin habang nagde-daydream. Kasalukuyang kaming nagla-lunch break sa isang restaurant sa ibaba ng business building kung saan din ang office namin.
"Hay, everything still feels like a dream to me. Wala na akong ibang hihilingin pa kay Vlad. Siya na talaga ang perfect husband to be!" kinikilig na kwento nito habang sumisipsip ng juice.
"Paano 'yan so magiging Queen ka na ng kingdom nila?"
Nalukot ang mukha ni Erin, "Hindi 'no. As if! Ayoko ngang tumira dun sa Kingdom of Transylvania. Girl! Napakaboring dun walang wifi. Di ako mabubuhay. Pumayag naman yung parents ni Vlad na manatili kami dito sa human world."
Nakwento sa akin ni Erin ang tungkol sa totoong katauhan ni Vlad. One time kasi nung college pa kami at nagpunta ako ng apartment ni Erin. Naiwan nilang nakabukas ang pintuan. Di sinasadyang nahuli ko silang nagkakagatan.
Since then, inamin niya sa akin ang totoo na isa palang bampira si Vlad at prinsipe ito sa isang malayong kingdom. Hindi naman na ako nagulat o nagpanic ng malaman ko yun. I had my own share of supernatural stories na kinuwento ko rin sa kanila ni Sam.
"After ba ng kasal niyo ay magiging vampire ka na din katulad niya? Parang sa twilight, naging vampire si Bella and they lived happily ever after ni Edward Cullen."
Umasim ang mukha niya, "Napagusapan na namin 'yan ni Vlad but for now, gusto ko munang i-enjoy ang pagiging tao ko. I'm not closing my door for that possibility pero masyado pang maaga para dun. Hindi naman ako pinipilit ni Vlad, he let me do my own decisions in life."
Tumungo-tungo. Swerte din talaga si Erin at napakamapagmahal ng fiance niya. Pinagpatuloy ko ulit ang pagkain ng pasta.
"Eh kayo ni Kyle? Hindi pa ba siya nagpo-propose sa'yo? Ang tagal niyo na ah! Ilang years na nga kayo?"
"Three and half."
"Pwede na girl! O masyado pa rin ba siyang busy sa pag-aaral?"
Bumuntong hininga ako, "Yup, alam mo naman kapag magdo-doktor matagal talaga ang panahon sa pag-aaral. Okay lang din naman ako dahil 'di ko pa naiisip magpakasal. Marami pa akong gustong ma-achieve sa buhay ko."
"Okay, Ms. Career driven!" aniya sabay tawa.
Umikot ang mata ko at ipinagpatuloy ang pagkain. I'm happy with Kyle. He was the perfect boyfriend every girl would dream to have. Iyon nga lang nitong nakaraang ilang buwan ay naging madalang ang pagkikita namin dahil nagsusunog siya ng kilay sa Med school na naiintindihan ko naman. Isa pa, busy rin naman ako sa trabaho.
"Nga pala, natapos mo ba yung draft na hinihingi ni Sir Peter para sa new project natin with RPHC?"
Ang tinutukoy ni Erin ay yung tungkol sa bago naming proyekto. Na-closed ng sales team namin ang bidding. Ayon kay sir Peter ay isa ito sa pinakamalaking proyekto ng kumpanya namin this year dahil bigatin daw ang Red Phoenix Hotels and Casinos Incorporation. Isa itong well known international company. Marami na silang mga itinayong hotels, resorts and casinos all over Asia. At ngayon nga ay may bago silang itatayo dito sa Manila. Kaya naman pressure at super effort ang buong team upang mapabuti ang project dahil ayaw namin mawalan ng big client.
"Yup, tapos ko na. Napuyat nga ako kagabi dun kaya three hours lang ang tulog ko."
"Hmp, kaya lumalaki ang eyebags mo eh. Masyado ka kasing hard working. Tulog-tulog din pag may time okay? Ayoko maging zombie ka sa kasal ko."
Umikot ang mata ko, "Oo na, nga pala nabasa mo na ba ang email ni Sir Peter. Kailangan natin mag-site visit bukas."
"Oh, hindi ko pa nabasa," agad niyang kinuha ang cellphone at nagpipindot sa touch screen, "Oh! Totoo ba to? Kasama daw ang CEO ng RPHC na mag-ocular inspection? Shocking! What is pressure? Anyway, balita ko gwapo at bachelor daw si Mr. Morgan."
"Sa'n mo naman nakuha ang tsismis na 'yan?"
"Saan pa ba edi sa sales dep. Hello, syempre personal nilang nakita at nakausap yung CEO noong bidding at ang chika nga sa akin ay sobrang pogi at sexy daw ni Mr. Morgan. Ang balita pa ay single ito, walang asawa, walang anak!"
Napatungo na nga lang ako at muling tinuon ang mata sa laptop upang ayusin ang report na hinihingi ng superior ko.