webnovel

Chapter 6: Friendship

Levi's POV

Dali dali akong umakyat papunta sa third floor. Wala namang ibang taong makakakita sakin kung tatalon ako kasi likod naman ng school at nasa classroom o canteen lang ang karamihan. Kung hindi sana nawala ang mga pakpak ko, sobrang dali lang ng pabor niya pero bahala na.

If this is the only way para mas makilala ko si Villaine, gagawin ko.

Ngayon nasa tapat na ako ng balcony at pagtingin ko sa ibaba, andun pa rin si Villaine na nakakunot ang noo. When will her brows not crease? Hindi ba siya tatanda agad niyan? Kinawayan ko siya na siyang kinairap niya.

'Eros, gabayan niyo sana ako.' sambit ko isipan ko at tumingin sa itaas. I'm just a mere mortal pero alam kong walang mangyayaring masama sakin. May tiwala ako sa kanila sa itaas.

Pumwesto na ako para sa pagtalon.

"Hoy Bigas! Are you seriously jumping?!!" and for a split second, I saw a flash of concern in her eyes na agad ding nawala. Nginitian ko siya at nag thumbs up pa. And then I looked down and focused. Umakyat ako sa railing habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa metal sa gilid.

Isa..

Dalawa...

"OMG! Magpapakamatay si Fafa Levi!!! Kyaaaahhhh!!" and then I jumped before anyone could stop me.

...falling fast.

Third Person's POV

Nagpanic ang baklang sumigaw kasama ang dalawa niyang kaibigan na babae at tumakbo agad sa balcony at sumilip sa ibaba. Nanlaki naman ang mga mata ni Villaine at agad na tumakbo, on instinct, para 'saluhin' si Levi.

But he landed smoothly in a position where the right leg is kneeling on the ground and the left arm held support to the ground.

"I just saw an angel... haaaayy.." tsaka nahimatay 'yung bakla na sinalo naman ng dalawa niyang kaibigan na pareho ding gulat sa nasaksihan.

Nanatiling sa ganoong position si Villaine wherein her arms are spread wide in a 'catching' position. Tumayo si Levi na pinipigilan ang kanyang tawa at lumapit kay Villaine.

Levi's POV

Masasalo niya kaya ako sa kalagayan niyang 'yan? Oo nga matangkad siya but it's pretty obvious that I am much bigger than her and heavier. Tumingin ako sa itaas at kinawayan sila na nakakita at sinenyasan na sekreto nalang iyon. They both nodded tsaka hinila ang nahimatay nilang kaibigan. We will check on him later. Hinarap ko ulit si Villaine at hindi ko na naman mapigilang mapangiti.

She's still dazed. Ang lakas ng loob niyang bigyan ako ng ganoong kondisyon pero ang totoo ay hamon lang 'yon at ayaw niya naman talagang ituloy. Handa niya pa akong saluhin ng walang pag-alinlangan. That amazed me. May kabaitan naman palang tinatago eh.

I took her right hand and shook it. "Friends na tayo." at hindi ko na binitawan tsaka ko siya hinila paalis sa lugar na 'yun. We have to check on the guy who fainted.

Villaine's POV

He's insane, paano kung namatay siya dun edi kasalanan ko pa?! Pero hindi ko naman----aish! Why do I even care anyway?? At teka ulit---- magkahawak kami ng kamay habang hila-hila niya ako sa kung saan. My eyes widened and I halted bago hinablot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Where are we going?!" singhal ko.

"Grandma's House!" He answered enthusiastically. Napa face palm ako dahil ansarap na niya talagang suntukin. I heard him chuckled.

"Kaibigan KO, pupunta tayo sa clinic. Titignan natin 'yung nahimatay kanina." simpleng sagot niya. I raised an eyebrow.

"And why is that my concern? Paki ko kung nahimatay siya?"

"It should be your concern. Paano kung ipagkalat niya na pinatalon mo ako sa third floor builduing at kung namatay ako o napaano, kasalanan mo dahil ikaw lang ang nandoon. Besides, hindi man ako namatay, you still tolerated my actions therefore you are to blame. Isusumbong ka niya, kakalat sa campus, mapupunta ka sa Dean tapos----"

"Fine! Fine! Whatever, just shut the hell up!" at inis kong binangga ang balikat niya para mauna sa punyetang bakla na nahimatay sa clinic.

Pagkapasok ko sa clinic, nakita ako nung dalawang babae kanina na nasa tabi ng hinihigaan nung bakla. Their eyes widened in fear.

"M-Miss V-Villaine.." sabi nung isa. I smirked at her at tinitigan siya sa mata na mas lalong kinatakot niya. Wala pa nga akong ginagawa oh.

"Kaibigan KO, wag mo silang takutin." biglang akbay ng gagu sakin. Inalis ko kaagad ang braso niya tsaka siya tinulak at tinitigan ng masama.

"That doesn't have an effect on me." sabay baling ng atensyon niya sa dalawang babaita. "Kamusta na siya?" I rolled my eyes and leaned on the wall with my arms crossed.

Mina's POV

Nakakatakot talaga ang aura ni Miss Villaine pero kabaliktaran naman si Levi. Hindi kami magkaklase o ano pero sikat na sikat siya sa campus o kahit sa ibang skwelahan. Nakakasilaw ang kagwapuhan niya lalo na sa itim na itim niyang buhok at dark brown niyang mga mata tapos parang lagi siyang may nakakasilaw na aura, yung tipong head turner. Haaiisstttt.

"Hoy Mina tinatanong ka!" sita sakin ni Katreena dahil napatulala ako kay Levi. Bago pa ako makasagot, unti-unting gumalaw si Angelo slash Angela slash Angel. Tapos inalalayan siya ni Kat na maupo at pagmulat ni bakla sa mga mata niya, tinapat ni Levi ang kanyang mukha malapit kay bakla.

"Are you alright?"

Natulala si Angel at tila naging heart pa ang hugis ng mga mata niya. He nodded slowly kaya ngumiti si Levi. Shet mahihimatay din ata ako--- este kami pala ni Kat.

"Mahihimatay na naman ako in three-- two----" simula ni bakla ng naputol siya.

"Subukan mo lang at ng hindi ka na magigising." malamig na boses ni Miss Villaine na ikinatindig pa ng balahibo ko sa may batok. Scary talaga siya. Huhu.

"He-he-he! J-joke lang ateng--- I mean, Miss V."

Napapailing si Levi bago umayos ng tayo. Lumapit si Miss V--, makiki Miss V na rin ako, kay baklita.

"You will not say a thing of what you saw. Do.you.understand?"

Mabilis na tumango si bakla at pati kami ni Kat ng tumingin siya samin.

"Nako, wag na kayong matakot diyan. Mabait 'yan. I'm Levi by the way. And you are?" tapos nagpakilala kami sa isa't-isa.

"Oy kaibigan kong maganda, ayaw mo bang magpakilala sa kanila?"

"NO."

"Shy raw siya pero simula raw ngayon, friends na kayo sa kanya." deklara ni Levi.

"What the fck??!"

"Don't say bad words!"

Umirap siya at tuluyan ng lumabas ng clinic. Finally, nakahinga rin ako ng maluwag.

"Nice meeting you guys. See 'ya around. Sundan ko lang." sabay kaway niya na tinugon namin.

"Bye Fafa Levi!" hirit ni bakla kahit nakalabas na si Levi. Nagkatinginan kaming tatlo tapos sabay----

"Kyaaahhhhh! Ang gwapo niyaaaaaa!!"

***

Levi's POV

Nawala sa paningin ko si Villaine at baka umuwi na rin muna dahil lunch time na. Isasabay ko pa man din sana siya pero di bale, next time siguro. Dumiretso ako sa canteen para hanapin 'yung dalawa. Nakita ko naman agad silang nakapwesto sa may gilid.

"Oh kamusta pagporma mo sa Prinsesa ng kadiliman?" tanong ni Claude.

"Magkaibigan na kami at hindi ko siya pinopormahan at lalong lalong hindi siya Prinsesa ng kadiliman. Mabait 'yun." paliwanag ko habang nakikikain sa pagkain nilang dalawa. Madami naman rin kasi.

Sabay natawa ang mga loko at nag apir.

"Grabe bro, iba talaga ang kaibigan natin. Sobrang tinik sa chicks. Akalain mo 'yun, naging kaibigan niya ang mahal na prinsesa? Eh balita raw wala pang nagtangka na kaibiganin siya noon pa man." wika ni Weston. Nakakalungkot mang isipin pero alam kong totoo 'yun dahil ganun kailap ang pagkatao niya. Sigurado naman akong may dahilan kaya hindi ko siya hinuhusgahan.

I will help her find not just her soulmate without my bow and arrow, but also her lost soul.

To be continued...