webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
126 Chs

Chapter Seventy-Nine

"Hubby tingnan mo!" pinakita ko sa kanya ang damit.

Lumingon sya at tinignan ang damit na pinapakita ko. Mabilis rin syang tumingin sa kabilang direksyon. Para syang may hinahanap o may nakikita na hindi ko nakikita.

"Bagay kaya sa'kin 'to?"

"Kunin mo kahit ano. Kung nagustuhan mo, bibilhin na'tin," nababagot na sabi nya.

"Psh! Nakakainis 'to."

"You said something?"

"Wala po. Miss!" tawag ko sa sales lady.

"Yes ma'am? Nakapili na po kayo?"

"Oo. Kukunin ko ito, ito, ito, ito at pati na rin ito," kumuha ako ng ibat-ibang damit at ibinigay dun sa babae.

"Sige po ma'am." Umalis na sya dala ang mga damit.

Ang boring ni TOP kasama ngayon. Magkasalubong na naman kasi ang dalawang kilay nya. Parang naiinis na naman sya. Ang aura nya, medyo dark na naman. Ang sungit pa. Kanina pa yan nung pumasok kami sa mini mall. Problema nya? Sinabi ko naman sa kanya hwag nalang pero nag-insist sya na mag-date kami. Pero ano 'to? Bakit sya ganito ngayon?

"TOP nuod tayo ng movie!"

"Walang bagong movie dito. Puro luma."

"Ahh.. Kahit na! Tara!" hinila ko sya papunta sa second floor.

Pumunta kami sa movie hall. Ang showing palang dito is Twilight na back-to-back with New Moon. Oohh.

"Let's watch this!"

"Ang alin?" tanong nya, sa iba sya nakatingin.

"Ito oh," itinuro ko ang showing.

"Sige," sabi nya pero hindi naman nya tinignan kung alin ang palabas.

"Tara na bilis, bili tayo ng ticket."

Pumila kami. Hindi naman masyadong mahaba ang pila. Pero dahil Sunday, madaming couples ang manunuod. Pag-pila namin biglang humaba ang pila. Buti nauna kami.

"Two hundred thirty lang po ang dalawang ticket," sabi nung babae.

"What?! Bakit ang mura?!" tanong ko.

Nagulat ang ticket girl.

"Here, keep the change," abot ni TOP ng pera at kinuha ang ticket.

Hinila nya ako at mabilis na pumasok sa loob ng sinehan. Bakit ba sya nagmamadali? Nasa may bandang gitna kami pumwesto

"Bakit ang liit ng sinehan dito?" na-aamaze na tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Nasa probinsya ka Miracle. Kaunti lang ang mga nakatira dito."

"Ahh. Oo nga pala," tumingin tingin ako sa paligid since bukas pa ang ilaw, maliwanag pa sa loob. "Hubby may nakalimutan tayo."

"Ano?"

"Ang popcorn!"

"Gusto mo ba?" tanong nya sa'kin.

Sunod-sunod ang tango ko.

"Dito ka lang," hinalikan nya ako sa pisngi bago tumayo at lumabas para bumili.

Nang makaalis na sya may narinig akong usapan sa likod.

"Kyaah! Ang gwapo!"

"Oo nga! Tingnan mo kinunan ko sya ng picture!"

"Ang hot nya! Grabe! Ang tangkad pa!"

"Ang lapad pa ng balikat!"

"Pa-bluetooth ng picture ha."

"O sige."

"Grabe! Sya na ang pinakagwapo na nakita ko sa lugar na 'to!"

"Tama!"

"Ang sexy nya!"

"Inaakit nya ang mga mata ko! Hahaha!"

"Nakakasabog ng ovaries ang kagwapuhan nya!"

"Tingin palang nya mabubuntis na ako eh!"

"Walang pinipiling anggulo!"

"Grabe talaga sobrang gwapo!"

"Bagay kami!"

Shiz! Sana hindi si TOP ang pinag-uusapan nila. Pero malabo naman na hindi, si TOP lang naman kasi ang nakikita kong gwapo rito. Meron din naman iba, pero iba parin ang level ng kagwapuhan ni TOP. Sobrang nasa tuktok ang kagwapuhan nya, bagay sa kanya ang nickname nya na TOP.

Tumayo ako at kinuha ang mga paperbags. Mabilis ako lumakad paalis. Ayoko ng mga naririnig ko. Nagseselos ako.

"Miracle," si TOP may dalang malaking box ng popcorn at dalawang strawberry milkshake.

"Hubby," muntik ko na syang hindi mapansin.

"Saan ka pupunta?"

"Uhh.. Ano.. Ang tagal mo kasi kaya.." huminga ako ng malalim.

"May nangyari ba habang wala ako?" Shiz!

"W-Wala."

"You're tense."

"Huh? Ah kasi.. Ang dilim."

Tinignan lang nya ako.

"Hehe! Mag-uumpisa na yata."

Hinawakan ko sya sa braso at umupo na kami sa may hulihan.

"Are you sure you're okay? Are you cold?" inakbayan nya ako.

"I'm okay TOP." Sumandal ako sa balikat nya.

Dumilim na nang tuluyan sa sinehan at nag-umpisa na ang palabas.