Matagal na panahon na nang lumaganap ang kwento-kwento patungkol sa isang kakaibang nilalang na tinatawag na Harkun, isang misteryosong ibon na hindi pa alam ninuman kung saan nagmula. Lumilitaw lamang ang ibong ito sa hindi inaasahang mga pagkakataon. Ni hindi nga ito nagpapakita sa sinumang nilalang.
Ang ibong tinatawag na Harkun ay isang mythical creature na kilala na nag-eexist na noon pang pasimula ng mundo. Laganap ang kasabihang nagbibigay ito ng kasaganaan at kawakasan sa mundong ito. Kapag nagpakitang itong muli ay lalalganap na naman ang kasamaan sa mundong ito.
Si Ada, isang bulag na dalaga simula pa lamang ng isilang ito. Kinupkop at lumaki sa tiyahin nitong maldita kasama ang dalawang anak nitong babaeng napakagaspang ng pag-uugali. Sa isang maliit na bayan lamang sila nakatira kapwa mayroong mga kasamaang kinukubli ang nasabing bayan.
Likas na mabait at matulungin ng dalagang si Ada. Kilala ito sa kanilang bayan bilang isang bulag at hindi maipagkakailang isa itong magandang dilag yun nga lang ay pinipintasan ng mga ito ang kapansanan nito.
Sa muling pagpapakita ng ibong harkun ay aksidenteng natamaan ng isang bulalak ang dalagang si Ada nang minsang pumunta ito sa parteng kabukiran. Pakiramdam ni Ada ay sobrang init ng katawan nito na parang siyang sinusunog ng buhay.
Ngunit naging mabuti naman ang pagkakataon sa kaniya dahil sa mga oras na iyon ay nandoon si Ephraim Sandoval, isang binatang galing pang maynila na siyang doon din ito pinapaaral ng ama nito. Kilalang anak siya ni Don Antonio Sandoval na isa ring business tycoon. Sa lawak ng lupaing sakop nito at sa rangya nito ay naging isa ring itong daan upang magkaroon ng maraming trabahador ang mga kabukiran nito.
Nag-iisa lamang si Ephraim nang panahong iyon nang mamataan niya ang mga nagliliwanag na mga apoy sa kalangitan na parang fireworks na bumubulusok sa iba't-ibang mga lugar. Kung hindi siya nagkakamali ay mga bulalakaw ito ngunit hindi niya tukoy kung ano kung saan ito nagmula.
Ngunit nakita niyang may papalapit na bulalakaw sa direksyon niya na siyang sinundan niya kung saan ito babagsak.
Halos magimbal siya sa nakita niya nang matagpuan ang lugar na pinagbagsakan ng nasabing bulalakaw. Mayroong mga sira-sirang puno at nag-aapoy pa ang ilan sa mga ito.
Nakita niya ang isang dalaga na halos napakadungis nito. Nakasuot pa naman ito ng bestida ngunit nakita niya kung paanong wala man lang itong pasa.
Kita niyang walang malay na ito kung kaya't mabilis niya itong tinulungan at dinala sa kanilang mansyon.
Naging mabuti naman ang kalagayan nito at doon na rin niya nakilala ang binatang si Ephraim Sandoval na kilala sa tawag na Senyorito Ephraim.
Masaya na sana ang takbo ng buhay niya nang isang araw ay nagbago ang kapalaran niyang hindi niya sukat aakalaing mangyayari.
Isang araw, nanaginip si Ada. Sa panaginip niyang iyon ay nakita niya ang isang magandang babaeng tila diyosa sa kagandahan.
Sinabi pa nitong siya ang itinakdang magliligtas sa sangkatauhan sa paparating na delubyo sa mundong ito.
Paano kung nangyari nga ang sinabi nito. Handa ba siyang iligtas ang mundong ito laban sa kasamaan kung maging ang buhay niya lalo na ang kaniyang pag-ibig ay maaapektuhan. Handa ba siyang isugal ang lahat para maging bayani sa mundong hinasikan na ng mga kasamaan?
Magagawa kaya ni Ada na matalo ang mga malalakas na mga kalaban niyang pilit na gustong sirain ang balanse ng mundong ito?
Karapatdapat ba siya sa natamo niyang kapangyarihan ng Adarna? Siya at ang Adarna ay iisa, mag-iisa at magiging isa laban sa pagpuksa ng mga masasamang nilalang dulot ng paglitaw ng ibong harkun. Kaayusan laban sa kawakasan, buhay at kamatayan ay muling masisira ang balanse. Handa ba si Ada sa mabigat na responsibilidad na nakaatang sa mga balikat nito o maging siya ay magpapalamon sa kasamaan?