webnovel

T.O.T.G.A. - The One That Got Away

Sabi nila "First love never dies" but it did kill me inside. Have you ever thought na sya na? Pero naiwan ka na parang tanga. Tapos just when you finally stood up, once again nandyan na naman sya. Para bang nagtitrip ang tadhana...at ikaw ang tema ng joke nya. Si Kenneth ang one true love ko pero nasaktan lang ako. Si Juro ang second chance at love ko pero ang buong sarili ko di ko maisuko. My past and my present...What if the two worlds collide? Ako si Antonia and this is the crazy story of my TOTGA...The One That Got Away.. *written in both English and Filipino

ncruise78 · perkotaan
Peringkat tidak cukup
7 Chs

Chapter 2

Pinark ko ang kotse ko sa harap ng coffee shop ni Gelay pero dahil maaga pa sarado pa ito. I noticed na nasa gilid na ang van nya na ginagamit nya sa negosyo. As always, sa likod ako dumaan kasi alam kong laging bukas yun pag andun na silang mag asawa.

With her back turned, nakita kong may nilagay na pastry sa oven ang kaibigan ko. I sat down infront of her counter. She turned around and jumped, "O my gosh, Antonieta!! Mapapa anak ako sayo!" touching her 8 month old tummy. "What? It's not the first time na pumunta ko dito ng ganitong kaaga noh!" she came closer and said "That's not the point! Para kang pusa! Mamamatay ako sa nerbyos sayo e!"

Her husband Bruno came out of the kitchen, nagulat siguro sa sigaw ng asawa nyang eskandalosa. "Antonia! how's my baby girl?" Then he gave me a big hug like how he always do. He's like a big teddy bear. Sobrang bait at karinyoso. "Hi Andres!" as in Andres the saya. Hinampas ako ng asawa nyang buntis. Pero totoo. He loves my bestfriend so much na ginawa nya lahat para makuha ang loob ni Gelay pati lahat ng nakapaligid dito. He even sold his trucking business para maibigay ang pinapangarap na coffee shop ni Gelay. Si Gelay na never daw mag aasawa ng ibang lahi. Eto ngayon sya, inlababo sa isang Italian-American na may pusong pinoy. Pinagmasdan ko ang dalawa. Exactly opposite namin ni Juro. Wala silang pakialam kung maglandian sa harap ng ibang tao. Sobrang sweet. "Umay naman Mrs. Bigioni!" Sabi ko ng pabiro pag alis ni Bruno. "E kasi nga...Big yon e!" sabay nguso sa kinaroroonan ng asawa. Kasi nga isa daw yun sa reasons kaya nya pinakasalan si Bruno, yung apelyido..Nagtawanan kaming dalawa. Kung alam lang ng asawa ni Gelay kung ano ang mga kalokohan naming magkaibigan.

"Yung totoo Antonia..bakit ang aga mo dito?" Habang nilalapag sa lamesa ang cup ng columbian dark roast black coffee na paborito ko. She knows me too well. From how I take my coffee, to my actions. "Wala lang...namiss kita..one week tayong di nagkita.." She looked closely to my face. "Nag away na naman kayo noh?". Iniwasan kong tingnan sya sa mata. Instead I looked at my cup before sipping it. "Kelan ba kayo magkakasundo ng tuluyan...naman Antonia...this is getting too old.."

Sya lang ang tumatawag sa kin sa buo kong pangalan na hindi ako naiinis o naooffend. You see, nung bata ako I hated my name. While lahat sila modern at magaganda ang pangalan. Usually may second name pa. Tulad ng Angela Isabelle Villegas...pang artista di ba? Kaya enjoy ako tawagin syang Gelay kasi dun lang ako nakakaganti. Ako kasi Antonia..walang second name..as in Antonia Del Rosario. Ang common..ang luma.

I was named after my maternal grandmother who died way before I was born. Being the only son sa magkakapatid, my dad was very close to his mom kaya naman he named me after her. As I was growing up, sabi nila may stricking resemblance ako sa kanya nung kabataan nya. So my dad was convinced na reincarnation ako ni Lola. But I beg to disagree.

"Hoy Antonia...sumagot ka dyan...parang di ka napapaso sa iniinom mo o...mauubos mo na kape mo sa isang lagukan.."

"E kasi naman, kape lang inoffer mo dyan..." Naglagay sya ng bagong bake na croissant sa harap ko. "O ayan..mainit yan ha? Mapaso ka pa dahan dahan". It looked yummy kaya dinampot ko agad at kinagat. Syempre napaso ako. "Aray.." sabay lapag ko nito pabalik sa plato. Minsan talaga di tayo makapaghintay pag akala natin gusto natin ang isang bagay. Minsan di na tayo nag iisip..sunggab kagad. More like me and Juro...we clicked nung una. Masaya nung una..kaya we decided to live together. Ngayon napaso na ako...parang gusto ko na ilapag.

Not because he is not a good person. Not because mali sya lagi...wala namang perpekto. But it's because of me...parang may kulang sa buhay ko. Parang di ko kayang ibigay ang sarili ko totally sa kanya kasi may kulang ako. Kung ano man yun di ko matukoy. Kung ano man yun, yun ang sumisira sa amin.

"O ayan ha...winarningan naman kita...e sadyang matigas ulo mo...napaso ka tuloy.."

Ewan ko pero parang double meaning ang sinabi ni Gelay. Napatingin ako sa labas ng shop at nag uumpisa nang sumikat ang araw. Hay..another day begins