webnovel

Ang Pagpapaalam

Editor: LiberReverieGroup

Nasabik nang husto ang nakababata niyang kapatid kaya mabilis nitong kinontak ang lahat. Ilang saglit pa ay nagsidating sa virtual universe ang lahat ng ito. Maging si Hong at Thunder God ay dumating sa kanyang tahanan.

 "Anong sinabi mo Little Feng? Aalis ka ng sobrang tagal?" hindi ito maiwasang sabihin ng kanyang ina na si Gong Xin Lan. Dahil sa dami ng mga kayamanang bumago at nagpaganda sa kanilang genes at cells, nagmukhang bata ang ina at ama ni Luo Feng, para silang nasa gitna ng kanilang 30s.

 "Masyado itong mahaba," hindi maiwasang sabihin ng kanyang amang si Luo Hong Guo.

 "Ang pinakaimportanteng bagay dito ay," sabi ng kanyang nakababatang kapatid na si Luo Hua. "Aabutin na ng 3 taon ang paglalakbay mo papunta roon, kaya aabutin din ng 3 taon ang pagbabalik mo rito. Isama mo pa rito ang iyong pananatili sa headquarters ng napakahabang panahon. Ang pagpasok mo pa lang sa primal universe ay aabutin na ng 100 taon! Masyado na itong…"

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com