webnovel

Ang Pag-aaral Habang Nakikipaglaban

Editor: LiberReverieGroup

Sa Heavenly Bridge ng Virtual universe network.

Tatlong imahe ng tao ang agad na nagpakita sa ibabaw ng napakagandang isla na iyon. Sila ay walang iba kundi mga hindi mapapantayang fighters ng Virtual Universe Company.

 "True Yan Emperor, Tong Nan Emperor, Jade Emperor." Buong galang na yumuko sa kanyang kinatatayuan ang watchman na si Bevin.

 "Nagsimula na ba ang pakikipaglaban ni Luo Feng sa ikatlong level?" tanong ni Jade.

 "Malapit na po, kararating lang niya sa dulo ng ikatlong level," sabi ng watchman na si Bevin. Si Bevin ang naging watchman sa buong heavenly bridge kaya siya ang taong pinakapamilyar sa kondisyon at progreso ng mga pumapasok dito. Maging sina True Yan at Tong Nan Emperor na nasa level ng pagiging hindi mapantayang fighter ay hindi agad na makikita ang pakikipaglaban ng isang fighter sa ibabaw ng tulay. Dumepende silang lahat sa mga gagawing report ni Bevin.

"Ibroadcast mo ang kanyang pakikipaglaban," inemphasize ni Jade.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com