webnovel

Ako si Babata

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng napakalaking semicircular hall na ito ay makikita ang pagturo ng batang nakaitim na robe sa gitna ng hall na ito. Matapos ang isang saglit ay isang "CHICHI" na tunog ang maririnig at ang bakal nitong sahig ay agad na bumukas at nagpakita ng isang daanan papasok sa isang tunnel.

"Sumama ka sa akin."

Naglakad ang batang nakasuot ng itim na robe sa harapan habang sinusundan ni Luo Feng sa kanyang likuran.

"Gusto niya akong magbigay galang sa hindi ko kilalang master? Isang master na 50,000 taon nang patay?" Napuno ng pagtataka si Luo Feng. Pero isang bagay lang ang malinaw sa kanya: Sa ipinakita ng archaeological ruin na ito... ay hindi ito gumamit ng kahit anong espesyal na pamamaraan upang subukan siyang patayin kaya walang kahit anong pagpipiliian si Luo Feng kundi itigil ang kanyang curiousity at sumunod ng paisa-isa sa batang iyon.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com