"Sa tingin mo ba ay lalakas ka dahil lang sa mga maling mga ginawa mo? Lahat ng mga may buhay rito ay napaslang dahil sa pagiging makasarili mo!" Sambit ni Wong Ming.
"Makasarili? Ang sabihin mo ay niligtas ko lamang sila sa mapait nilang kamatayan noon kaya binawi ko lamang ang buhay nila gaya ng pagligtas ko noon sa kanila!" Saad ng itim na anino na animo'y hindi ito makapagpigil na isumbat ang nagawa niya.
"Ginamit mo lamang sila dahil sa pansarili mong interes. Dahil sa paghangad mo ng mahabang buhay at malakas na kapangyarihan ay isinakripisyo mo ang buhay nila maging ang buhay mo!" Mariing wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang galit.
Galit siya dahil sa nangyari sa mamamayang niloko lamang ng huwad na manliligtas nila sa katauhan ni City Lord Bao na ngayon ay tanging itim na anino na lamang ito dahil sa napaslang na ang totoong pangangatawan nito.
Ang tanging gusto na lamang mangyari ni Wong Ming ay matigil na ang kasamaang dulot ni City Lord Bao.
"Iyon ang reyalidad ng buhay binata. Wala kang mapapala kung tutunganga ka lamang at maghihintay ng liligtas sa iyo mula sa lusak. Gaya ng sabi ko ay hindi ko kasalanang ginawa ko ang mga bagay na iyon." Nakangising demonyong tugon naman ni City Lord Bao habang ngingiti-ngiti pa ito.
"Ano pa man ang rason mo ay dahil iyon sa pagiging gahaman mo. Kaya hindi ko hahayaang magtagumpay ka sa mga gagawin mo pa!" Malakas at puno ng kaseryosohang saad naman ni Wong Ming habang nakatingin ng diretso sa kaanyuan ng itim na anino sa ere.
"Kahit ano'ng gawin mo binata ay nasa teritoryo kita. Lahat ng ginawa kong ito ay hindi mauuwi sa wala dahil lang sa pangingialam mo!" Sagot naman ng itim na anino habang mahihimigan sa tono ng pananalita nito na hindi nito hahayaang magtagumpay si Wong Ming sa binabalak nito.
Sa isang iglap ay biglang nawala sa kaniyang kinaroroonan si Wong Ming at nakita na lamang ang pigura nito sa mismong likuran na kinaroroonan ng itim na anino.
Bahagyang naestatwa pa ito sa kinaroroonan nito dahilan upang mabilis na maitarak ni Wong Ming ang isang mahabang punyal sa leeg ng kalaban niya.
Napangiti naman si Wong Ming sa nangyaring ito ngunit hindi niya inaasahang gaganti at nagpakawala ng malakas na suntok ang itim na anino dahilan upang tumalsik sa patungo sa kalupaan.
BANG!
Bumagsak ng malakas si Wong Ming ngunit napatayo ito habang makikitang nanlalaki ang mga mata nito.
"Paano'ng nangyari iyon? Bakit hindi ka man lang uminda sa natamo mong sugat?!" Sambit ng itim na anino habang kitang-kita ang tila galit sa mga mata nito. Hindi nito mapigilang hindi makaramdam ng pagkailang dahil sa nangyari.
"Kagaya mo ay ganoon ka rin naman. Hindi ko aakalaing hindi man lang kita mahawakan o masugatan man lang!" Seryosong sagot rin ni Wong Ming rito habang kitang-kita ang labis na pagtataka. Ganoon nga ang mga naiisip niya. Masyado ngang hindi makatarungan ang mga naging bunga ng ginawa niya at mas lalo niyang napag-alamang hindi nga niya mapipinsala ang nasabing kalaban niya.
"Gaya ng sabi ko ay naririto ka sa aking teritoryo at magiging hukay mo ito hahahaha!" Malakas na sambit ng itim na anino habang nagpakawala ito ng malakas na halakhak.
Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nabalot ng kulay itim na liwanag ang mga kamay ng itim na anino na animo'y mayroon itong ginagawa na hindi niya matukoy.
Inobserbahan ng mabuti ni Wong Ming ang ikinikilos nito hanggang sa nakita ni Wong Ming ang pagliwanag ng Devil's clock.
"Masama ito. Kung hindi ako nagkakamali ay binabalak nito na gisingin ang malaking matang meron ang bagay na ito. Pagnangyari iyon ay siguradong mahihirapan akong kumilos laban rito!" Nalilitong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita ang labis na takot sa mga mata nito.
Kitang-kita ni Wong Ming ang pagbuong muli ng kulay itim na liwanag sa ere at pagkawala ng lahat ng mga buhay sa kapaligiran.
Nakita ng dalawang mata niya ang pagbuo ng isang nakapikit na dambuhalang mata sa ere.
Hindi na mapigilan ni Wong Ming na mag-isip ng sariling plano niya. Alam niyang sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya maaaring gamiting muli ang selyong ibinigay sa kaniya ng kaniyang amain lalo pa't nangangailangan ito ng matinding liwanag para muling magamit at isang beses niya lamang itong magamit sa isang araw.
Hindi alam ni Wong Ming na aabutan pa siya ng kamalasan sa mga oras na ito lalo pa't nagamit niya na ito ng wala pang lagpas sa isang araw.
Hindi na naghintay pa si Wong Ming ng oras at mabilis niyang sinugod ang itim na anino sa pangalawang pagkakataon. Nagbabakasali siyang madaplisan man lang niya ang itim na anino.
BANG! BANG! BANG!
Magkakasunod na atake ni Wong Ming sa itim na anino ngunit hindi man lang tumalab ang mga atake niya.
Ang kaanyuan nito ay tila kakaiba, mukha itong multo kung tutuusin ngunit hindi ito tunay na nabubuhay pa bagkus ay produkto lamang ito ng labis na pagkagahaman nito sa kapangyarihan.
Hindi na natutuwa si Wong Ming sa nangyayari bagkus ay tila naiisip niyang kailangan na nga niyang sirain ang itim na pananggalang sa buong paligid ng nawasak na siyudad ng Mint City para matapos na ang lahat ng ito.
Gamit ang nalalaman ni Wong Ming ay pinuntirya niya ang ere at nagpakawala ng malalakas na atake gamit ang pambihirang skill niya.
Skill: Fire Meteor!
Umulan ng napakaraming mga nagbabagang mga bato sa buong kapaligiran na kinaroroonan ni Wong Ming at ng itim na anino.
Gamit ang atakeng ito ay tila nagkaroon ng malalakas na tunog sa buong kapaligiran dahil sa mga pagsabog.
Hindi naman makapaniwala ang itim na anino habang kitang-kita na hindi man lang ito natinag sa kinaroroonan nito dahilan upang makaramdam ng pagkahinayang si Wong Ming.
"Kahit ano'ng gawin mo binata ay hinding-hindi mo ko matatalo. Ginawa mo lamang katatawanan ang iyong sarili dahil hindi mo ko mapapantayan lalo na pagdating sa kapangyarihang taglay!" Mapang-uyam na wika ng kalaban ni Wong Ming habang makikitang halos mamula naman si Wong Ming sa labis na inis. Paano ba naman ay nasayang lang ang ginawa niyang skill.