Mabilis na lumipas ang mga oras at nagkaroon ng magandang pag-uusap ang dalawang panig nina Li Jianxin at ang matandang lalaki na siyang isang guro sa Cosmic Dragon Institute na si Ginoong Hé Tengfei.
Masayang-masaya naman magandang dalagang si Li Jianxin dahil sa naging desisyon ng batang si Li Xiaolong na siyang kinakapatid niya na rin kung ituring dahil pumayag na ito na tuluyan ng sumama sa paglalakbay patungo sa Cosmic Dragon Institute upang doon na mag-aral.
Masasabing magandang balita ito na siyang nasaksihan rin ng mga opisyales ng Green Lotus Pavilion lalo na at nakarating din si Ginoong Li Mo sa nasabing bulwagan upang kamustahin ang mga bisitang ang pakay ay ang batang si Li Xiaolong.
Makikita ritong nagulat dahil mukhang kilala nito si Ginoong Hé Tengfei dahil sa naging reaksyon nito ngunit agad din itong nagsalita sa magalang na tono ng boses na siyang ikinatawa naman ng huli dahil hindi naman daw iyon dapat dahil masyado talagang mabuti ang Hollow Earth Kingdom sa lupaing sakop na nila ngayon.
Nakipagkamay at binati pa ni Ginoong Tengfei ang naging tagumpay ng Hollow Earth Kingdom dahil na rin sa natapos na digmaan at gulo lalong-lalo na ang paghahati-hati ng lupain.
Isinali na rin ang usapan patungkol sa batang si Li Xiaolong na sasama upang mag-aral sa Cosmic Dragon Institute. Makikita man ang pag-aalala sa mukha ni Ginoong Li Mo ay bakas pa rin ang kagalakan maging ng magandang kapalarang naghihintay na bumukas para sa batang si Li Xiaolong. Kilala niya ang mga magulang ng batang ito lalo na at isa ito sa mabubuting mamamayan ng Li Clan.
Huling bisita niya kasi noon ay noong nagkaroon ng Martial Talent Trial sa loob ng Li Clan noon ngunit hindi niya aakalaing magbabago din talaga ang lahat dahil sa pagbagsak ng Sky Flame Kingdom na naging Sky Sword Pavilion na lamang sa kasalukuyan. Tunay ngang ang kaganapan sa hinaharap ay nananatili pa ring hiwaga sa lahat ng mga nilalang.
Makikitang natutuwa na rin ang iba pang opisyales na sinama niya dahil na rin sa alam nilang mahalaga talaga ang edukasyon at mga impormasyong matutunan ng isang batang katulad ni Li Xiaolong dahil alam nilang deserve at kailangan talaga ito nito lalo na at saksi silang lahat kung paano nalungkot ng husto ang batang si Li Xiaolong.
Buti na rin at naging maayos na ang lagay nito. Siguro ay napagtanto rin nito na dapat biyang ayusin ang buhay nito at magsimulang muli. Para kay Ginoong Li Mo ay talagang dumarating ang mga bagay na hindi natin inaasahan sa buhay. Para niyang nakita ang batang si Li Xiaolong sa magandang dalagang si Li Jianxin dahil naulila rin ito ng tuluyan noong bata pa ito, hindi nakakalayo sa lagay ng batang si Li Xiaolong.
Masaya siya sa naging desisyon ni Li Xiaolong dahil iyon naman din ang alam niyang paraan upang mapabuti ito.
Maya-maya ay nagkapaalamanan na dahil na rin sa kailangan na nilang lisanin ang lugar na ito upang maglakbay patungong Dou City kung saan sa mismong prestirhiyosong paaralan ng Dou City sila pupunta mismo dahil magsisimula na rin ang pag-aaral ng batang si Li Xiaolong maging ang pag-eensayo nito upang umunlad.
Maluha-luha naman si Li Jianxin dahil sa lungkot at sayang nararamdaman ng nasabing dalaga. Lungkot dahil lilisan na ang batang si Li Xiaolong habang saya naman sa oportunidad na bumukas para rito.
Hanggang sa naglakad na papalayo ang batang si Li Xiaolong kasama sina Ginoong Hé Tengfei at ang kambal na sina Pollux at Adhara.
...
Sa isang malawak na bakuran sa isang manor ay naroroon ang batang si Li Gumu. Kakatapos niya lamang magcultivate lalo na at mukhang kakailanganin niyang magpaunlad ng sarili niyang cultivation.
Mabilis siyang napangiti ng malawak nang mapansing niya ang tila malaking pagbabago sa katawan niya lalo na noong nagcucultivate siya.
Nanlalaki ang mga mata niya nang mapansing tila may koneksyon ang ibinigay sa kaniya kanina ng batang si Li Xiaolong matapos nilang magkasalubong sa daan.
Kita niya kung gaano kapulido ang pagkakaguhit ng mga linya at mga simbolong iginuhit ng kaedaran niya sa papel na binigay nito na nakalutang sa ere.
Kung di siya nagkakamali ay isa itong pambihirang cultivation breathing technique na naaangkop sa mga swordmaster na katulad niya.
Upang mapatunayan ang kaniyang hinala ay mabilis niyang binunot ang kaniyang sariling espadang sa kaniyang likuran kung saan niya isinukbit palagi ang dala niyang sandata kung may importanteng lakad siya o pagsasanay.
Ramdam niyang sa konting oras lamang ay nagawa niyang umunlad ng ganon kabilis lalo na ang maiging pagcucultivate niya.
Mabilis niyang itinago ang papel na nakalatag na ibinigay ng batang si Li Xiaolong. Agad rin siyang lumipad siya sa ere at parang gumaan ang katawan niyang nakalutang sa ere habang pinagmamasdan ang nasa kaniyang sariling paningin sa lawak ng manor na kaniyang sariling tinitirhan sa kasalukuyan.
Walang ano-ano pa ay nagcast ito ng kaniyang sariling sword skill na natutunan.
Skill: Luminous Sword Strike!
Umilaw ng matindi ang hawak-hawak na espada ni Li Gumu habang seryoso itong nakatingin sa lupang gusto niyang patamaan.
BANG! BANG! BANG!
Tatlong magkakasunod na pagsabog ang bigla na lamang umalingawngaw sa paligid na siyang dahilan upang manlaki ang pares ng mga mata ni Li Gumu.
Sino ba naman kasi ang hindi magugulat dahil ang Sword skill niyang ito ang pinakamahina at pinakamahirap na gawin. Alalang-alala niya na kung gagawin niya ang pagcast sa nasabing Martial arts skill na ito ay tila ba sobrang hina at hindi pa accurate ito kung patamaan ang isang bagay na gusto niyang patamaan.
Ngunit ngayon ay mukhang nawala ang doubt niya sa nasabing sword skill na na-cast niya.
Kitang-kita ng dalawang mata niya ang bupng pangyayaring naganap sa isang kisap-mata niya lamang. Naramdaman niyang uminit ang mahabang espadang hawak-hawak niya at naglabas ito ng napakalakas na pwersa ng enerhiya na ipinatama niya sa bakanteng lupang malapit lamang sa sariling manor niya.
Ngayon ay mukhang hindi na mare-recognize ang bakanteng lupang pinatamaan niya ng sword skill niya. Parang dinaanan ng bagyo o kung anumang delubyo dahil na rin sa tindi ng pinsala na natamo ng parte ng lupang ito.
"Paano'ng nangyari ito?! Ito na ba ang sinasabi ng aking guro patungkol sa totoong kakayahan ng aking mahinang martial arts skill?!" Gulat na gulat na sambit ni Li Gumu habang nanginginig ang bibig at ang mga kamay nito.
Plakkkk!
Nabitawan niya sa kalupaan ang espada niya dahil na rin sa labis na hindi nito talaga inaasahang senaryo na babalandra sa mga mata nito.
Agad na napalingon sa di kalayuan si Li Gumu ng makita niya ang dalawang presenyang nakatingin sa gawi niya. Mayroong pag-aalala sa mga mata nito ng nasabing dalawang mga nilalang.