webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
721 Chs

Chapter 450

Hindi na malaman ni Mèng Shuchun ang susunod na mangyayari dahil mukhang wala na siyang magagawa pa at naghihintay ma lamang siya ng masamang sasapitin ni Cháng Shan.

Ngunit na lamang ang lahat lalo na sina Mèng Shuchun at Cháng Shan sa mga sumunod na pangyayaring naganap.

Bago pa tuluyang makalapit sa pwesto ng binatang si Cháng Shan ang nakamaskarang nilalang ay kumapit ng mahigpit sa leeg nito ang metal chains na hawak-hawak ng mahigpit ng batang si Li Xiaolong ang hawakan nito.

Agresibong hinila ni Li Xiaolong ang mismong leeg ng kalaban nilang hindi pa nila nalalaman ang tunay na pangalan nito. Ang tanging alam lamang niya ay mula ito sa labas ng Dou City na ang organisasyong kinabibilangan nito ay ang Blood Skull Alliance. Alyansang minsan ng sumubok na patumbahin ang kapangyarihan ng Dou City at ng apat na kaharian ngunit nabigo ito noon na nagdulot ng masamang epekto sa nasabing alyansa ng mga masasamang mga nilalang.

"Ako ang pakay mo diba, bakit sila ang pinupuntirya mo?!" Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang hindi pa rin nito niluluwagan ang pagkakapit nito sa hawakan ng kaniyang metal chains.

Napangisi na lamang ang tila nagulat kaninang nakamaskarang itim na nilalang na animo'y hindi ito magpapasindak sa isang nilalang na siyang totoong pakay niya rito.

"Hindi ko aakalaing ang tapang mo bata, nakakabilib na ang isang hamak na lugar na ito ay kayang gumawa ng isang batang Purple Blood Realm Expert hehehe." Nakangising demonyong sambit ng nakamaskarang itim na nilalang. Makikitang hindi maganda ang intensyon nito sa paraan ng pagsasalita nito.

"Bakit sa lugar niyo sa labas, wala ka bang nakikitang kaedaran kong tumapak sa ganitong lebel ng kanilang cultivation?!" Saad ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong hinigpitan pa ang pagkakapulot ng metal chains sa leeg ng kalaban niya.

Alam naman ng batang si Li Xiaolong na hindi niya masasaktan ang isang Purple Heart Realm Expert gamit ang metal chains niya ngunit maaari niya namang pigilan ito sa masamang gagagawin nito. Hangga't hawak-hawak niya ang metal chains niya ay kontrolado niya ang galaw ng misteryosong nilalang na ito.

Mabilis namang lumingon sa kaniya ang nakamaskarang itim na nilalang habang makikitang tumalim ang tinging ipinukol niya sa batang si Li Xiaolong.

"Pweh! Marami akong kakilalang Purple Blood Realm Expert na mas bata pa sa'yo hmmp! Mukhang hindi pa abot ng isip mo ang sobrang lakas ng labas ng maliit na lupaing ito hmmmp!" Inis na wika ng nakamaskarang itim na nilalang na makikitang hindi ito natutuwa sa tanong ng batang nagngangalang Li Xiaolong. Kung siya kasi ang tatanungin ay masasabi niyang kailanman ay hindi malalamangan ng isang hamak na lupaing ito ang lugar mula sa labas. Mas nakakatalot at nakakapanghilakbot ang pwersang nagmumula sa mga ito na hindi masukat ang lawak.

Mabilis na hinila ng batang si Li Xiaolong ang metal chains niya dahilan upang tumalikod sa kaniya ang nasabing misteryosong nilalang na nakakubli sa itim nitong maskara.

"Talaga ba? Mukhang nagkakamali ka sa iyong sinabi. Bakit ka pupunta pa rito kung hindi naman malalakas ang mga nilalang rito. Pakay mo ba ang nagniningas na apoy na taglay ng sinuman rito?! Tama ba ko?" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang gusto nitong patamaan ang nasabing nilalang na hawak niya mismo sa leeg. Hindi niya aakalaing pagkatapos ng nangyaring pagbreakthrough niya ay malaki ang naging improvement ng lakas at lahat ng aspeto ng buhay niya.

Alam ng batang si Li Xiaolong ang bagay na ito. Mula sa sulat na galing sa Feathers Guild ay nakalagay ang tila masusing paghahanap ng pesteng mga nilalang na miyembro ng Blood Skull Alliance ang patungkol sa mga taong nagtataglay ng kakaibang init ng apoy sa loob ng katawan ng mga ito. Hindi pa man niya alam ang panggagamitan ng mga ito sa mga nilalang na gusto nilang kunin ngunit alam niyang masama ang kutob niya sa mga ito lalo na at kailanman ay hindi maaaring maglabas ang katawan ng mga mayroong apoy sa katawan. Sigurado siyang hindi alchemist ang nasabing pakay ng mga ito kundi ang nakakuha ng natural na apoy mula sa kalikasan upang gamitin sa pansariling interes ng Blood Skull Alliance.

Malaki ang naging epekto nito sa kaniya lalo na at isa siya sa maaaring maging pakay ng Blood Skull Alliance lalo na at mukhang nalaman nila ang isa sa kaniyang lihim na sikretong ayaw niyang ibunyag. Ang apoy ng Evil Fire Crow ang isa sa pinakamainit na apoy ngunit ilang porsyento lamang ang meron siya ngunit sobrang lakas pa rin ng apoy nito.

"Mukhang batid mo na ang aming pakay rito. Hindi ka ba natatakot na ako mismo ang magdadala sa iyo sa nararapat na lugar na pagkakalagyan mo?!" Nakangising demonyong wika ng nasabing misteryosong nilalang na nakamaskara. Talagang hindi niya na maikukubli ang totoong pakay niya.

Walang eksaktong kasagutan ang sinagot ng nasabing nakamaskarang itim na nilalang ngunit makikitang parang batid na nito ang pakay niya mula rito at iyon ay ang katulad ng batang nagngangalang Li Xiaolong na may natural na apoy mula sa kalikasan. Mas nakakaramdam siya ng pag-asang mahuhuli niya rin ito sa huli.

"Bakit naman ako matatakot? Mukhang sa ating dalawa ay ikaw ang mukhang walang alam. Alam kong ako ang pakay mo rito. Naalala mo ba noong pumunta kayo sa Red Cloud Sea?! Nandoon ako." Walang emosyong turan ng batang si Li Xiaolong habang makikita na wala itong pakialam sa maaaring sabihin ng bibig niya. Kailanman ay batid niyang lalabas ang katotohanan sa likod ng pagkakaroon niya ng ganitong klaseng apoy ngunit gusto niyang ipalasap sa Blood Skull Alliance ang gusto ng mga itong makuha sa kaniya.

Isang kasumpa-sumpa ang apoy ng Evil Fire Crow, walang pamamaraan na naiisip siya upang maiwala ang nasabing mapamuksang apoy na ito mula sa katawan niya. Kung mayroon mang pamamaraan ang Blood Skull Alliance edi susubukan niya total ay gusto rin ng mga ito na kunin ang nasabing apoy na iniwan ng mismong Evil Fire Crow sa nasabing pambihirang bulaklak na na-consume niya noon.

Nanlalaki ang mga mata ng nakamaskarang itim na na nilalang habang makikitang mabilis itong napalingon sa gawi ng batang si Li Xiaolong na nakadistansya siya kaniya habang mahigpit na nakapulupot ang metal chains sa leeg niya.

"Mukhang kinakailangan na nga kitang isama pabalik sa aming Blood Skull Alliance. Pagkatapos naming pigain ang apoy na nasa loob ng katawan mo ay papaslangin kita bata. Hindi maaaring ikaw pa ang maging dahilan ng malaking suliranin ng aming alyansa!" Tila galit na saad ng nakamaskarang itim na nilalang habang makikitang nanlilisik ang mga mata nito. Nawala na rin ang malademonyong ngising nakapaskil kanina sa mukha nito at pawang galit na ekspresyon sa mukha nito ang makikita.

Tila nagulat naman ang dalawang special guests ng Green Martial Valley Union na sina Mèng Shuchun at Cháng Shan sa nasabing nasaksihan nilang sagutan sa pagitan ng batang si Li Xiaolong at ng nakamaskarang itim na nilalang.

Lumayo kasi sila ng distansya kanina dahil hindi mabubuting lumapit sila. Hindi sila makapaniwala sa nasaksihan nila. Ang tila carefree na nilalang na nakamaskarang nilalang ay mukhang may sinabi ang batang nagngangalang Li Xiaolong upang magalit ito ng tuluyan na siyang lubos naman nilang ikinatuwa.

Parehong nagkatinginan sina Mèng Shuchun at Cháng Shan dahil batid nilang hindi nila alam ang pinag-uusapan ng mga ito. Masyado silang malayo at sugatan din ng malala si Cháng Shan dahilan upang hindi masyadong nakasagap sila ng pinag-uusapan ng mga ito.

Ipinagpatuloy ni Mèng Shuchun ang panggagamot niya sa matipunong binatang si Cháng Shan dahil alam nilang sa oras na may labanang magaganap sa dalawang panig ay siguradong magiging dehado ang batang si Li Xiaolong na isa lamang Purple Blood Realm Expert habang ang isang nilalang na nakamaskarang itim ay pinaniniwalaan nilang isang Purple Heart Realm Expert.

Mabuti na lamang at nakatingin lamang Ocean Black Bat mula sa malayo habang hindi ito lumalapit sa kinaroroonan ng owner nito na siyang kasalukuyang hawak sa leeg ng batang si Li Xiaolong.

Tunay ngang batid nilang espesyal ang metal chains na hawak ng mismong batang si Li Xiaolong dahil nasu-supress nito ang lebel ng cultivation ng kalaban niya. Sana lang ay makayanan nito ang pagpigil sa labanang mangyayari habang ginagamot pa siya ng dalagang si Mèng Shuchun.