"Saan tayo dadaan nito eh tatlo ang rutang nakikita natin. Ikaw kasing payatot ka. Kung di sana natin iniwan ang kasama nating iyon eh hindi sana tayo namomroblema ngayon!" Puno ng inis na turan ng black robe man. Sa kanilang tatlo ay alam niyang ito lamang ang mapagbubuntunan nila ng sisi kasi ito naman talaga ang may kasalanan. Hindi na rin sila maaaring bumalik pa sa paanan ng bundok dahil napakalayo na rin ng nilakbay nila papunta rito. Pansin rin kasi nilang napakaraming gumagamlang magical beast sa kapaligiran kayanga hindi na rin nila gustong makasagupa ang mga ito.
"Aba'y kasalanan ko pa talaga eh malay ko ba sa'yo kung bakit ginawa mo din iyon. Tayong dalawa ang may kasalanan rito noh!" Alma naman ng payat na lalaking kriminal habang mabilis na napalitan ng inip ang mukha nito habang nakatingin sa tatlong rutang hindi nila alam kung saan papunta ang mga ito. Mukhang pagewang-gewand din ang tatlong daaang ito at halos magkakamukha pa talaga.
"Bwiset na yan, kayong dalawa talaga puro kayo bangayan yan eh pag-uuntugin ko kaya yang mga ulo niyo. Pwes, solusyunan niyo ito!" Turan ng lider ng grupong ito habang makikitang hindi na ito natutuwa bagkus ay nayayamot ito sa maaari nilang pag-aksaya pa ng maraming oras.
"Yang itim na yan ang pahanapin mo ng solusyon bossing. Siya naman itong nanggapos sa kasama natin kanina. Malay ko bang may mahihita pa tayong silbi nun!" Puno ng yamot na sambit ng payat na lalaking kriminal habang mabilis na dinuro-duro pa ang black robe man.
"Aba'y talaga nga namang ako pa ang ituturo mo eh ikaw itong kung magsalita kanina sa kasamahan natin eh nasisiyahan ka pa lalo na sa ginawa ko. Tapos ngayon ay ikaw pa tong naiinis hmmp!" Puno ng pangangatwirang sambit ng black robe man. Talagang hindi niya alam na sobrang kapal din ng balat ng payatot na kasamahan niyang ito at siya pa sinisi. Alam niyang ito lang naman ang mas masaya sa ginawa nila.
"Wow ha, ako ba gumawa? Ako ba? Ikaw itong kung magsalita eh kala mo naman ako yung nagbalak na gawin yun. Nagulat nga ako sa ginawa mo eh." Pangangatwiran din ng payat na kriminal habang kitang-kita na palihim pa itong ngumisi.
Nakita naman ng black robe man na hindi natutuwa ang kanilang lider sa pinanggagawa nila. Tunay ngang kahit siya rin ay naiinis lalo na sa pesteng payatot na kasamahan nila.
"Total ay gusto ng lider na gumawa ng solusyon ay ikaw na ang sumubok sa tatlong rutang ito. siguraduhin mo lamang na mahahanap mo ito bago ako makabalik rito." Puno ng inis na turan ng black robe man. Kahit naiinis na talaga siya ay nagpipigil lamang siyang bugbugin ang pesteng payatot nito sa pagiging tuso nito. As if naman na siya lang ang may kasalanan sa lahat ng pangyayaring ito eh alam naman nilang ito talaga ay may papel din sa ginawa niya. Ito pa nga ang sabik na sabik na iwan ang sugatan nilang kasamahan at tinali niya pa ito gamit ang matitibay na baging.
Napangiti naman ang kaloob-looban ng payat na lalaking kriminal ngunit hindi niya ito pinapahalata at muling nagsalita." Oo ba, yun lang pala eh, kayang-kaya ko to hehehe!" Puno ng kaseryosohang sambit ng payat na lalaking kriminal habang hindi nito mapigilang umalpas ang nasisiyahan nitong damdamin.
Isinawalang-bahala na lamang ito ng black robe man at mabilis na nagpaalam sa lider nila at umalis sa lugar na ito upang bumalik sa paanan ng bundok.
"Mag-ingat kang hayop ka, sana ay wag ka nang bumalik rito hmmp! Mamatay ka sana sa daan peste ka!" Puno ng panlilibak na sambit ng payat na lalaking kriminal habang makikitang tila may maitim itong binabalak. Mukhnag ayaw na rin nito ang black robe man at gusto pa nitong mapahamak ito habang nasa daan ito.
Kaya ang ending ay sinubukan ng tahakin ng payat na kriminal ang unang ruta sa kaliwang bahagi upang subukang tuklasin kung ito nga ba ang daan habang ang tumatayong lider ay nanatili lamang sa kasalukuyan nitong pwesto, kapwa naghihintay sa ginagawa ng dalawang mga kasamahan nitong under his own wing. Balak niyang makakuha ng magandang balita sa dalawang ito.
...
Mabilis na tinatahak ng black robe man ang patungo sa paanan ng bundok kung saan naroroon ang naiwan nilang nakagapos na kasamahan nila. He is really pissed off pa rin sa pesteng pagmamanipula ng payatot nilang kasamahan. Alam niyang siya pa rin ang matatalo sa huli, hindi rin kasi maganda na kagalitan siya ng lider nila.
Although he seems to be cool about their group, gusto niya ring maging right hand ng lider nila. Pagkatapos ng misyon nilang pagkuha ng Thunder Type Dragon Vein ay siguradong mag-aanunsyo na ito ng right hand nito. Siyempre gugustuhin niyang siya iyon at wala ng iba pa.
Kaya nga nagmumukha siyang masunurin at walang pakialam pero meron naman talaga. Naghahanap lang siya ng pagkakataon para turuan ng leksyon ang pesteng payatot na iyon. Humahaba na kasi sungay nito sa kaniya kaya dapat niya ng putulin ng marahas para sumunod sa kaniyang pinag-uutos na parang maamong tupa.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
May namataan siyang pigura sa malayo na papalapit sa pwesto nito na siyang ikinagulat niya. Akala nga niya ay ito ang sugatan nilang kasamahan ngunit nang tiningnan niya itong maigi ay nakaramdam siya ng labis na pangamba.
BANG!
Mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag nang mapansin nitong may bumubulusok na bagay patungo sa kaniya kung saan ay mabilis na sumabog ang kalupaang tinamaan nito.
Nakita niya ang napakapamilyar na itsura ng sibat kung saan ay alam niya kung sino ang mismong may gawa ng pag-atakeng ito.
ARRRGGGHHHH!
Napahiyaw siya ng malakas nang makaramdam ito ng matulis na bagay na tumama sa bandang balikat nito. Bumaon ang isang may kalakihang sibat rito.
Isang bunutan naman ang ginawa ng black robe man sa nasabing bumaong sibat sa bandang balikat nito sanhi upang pigil na pigil siyang makagawa ng malakas na ingay dulot ng daing nito sa naramdaman nitong sakit.
Tsh!
Matagumpay naman niyang nabunot ang nasabing bumaong sibat. Mabuti na lamang at hindi sa main acupoints nito tumama kundi ay magkakaroon siya ng malaking problema sa hinaharap.
"Tsk! Hindi ko aakalaing makakaiwas ka sa una kong atake." Simpleng wika ng batang si Li Xiaolong nang mapansin nito ang sugatang balikat ng kalaban nito. Parang mahihimigan pa rin ng pagkasarkastiko anf pagkakasabi nito.