Habang nagkakagulo sa ground floor ay siya rin namang mabilis na naglalakad-takbo ang magandang babaeng nagngangalang Lu Lan. Tila ba kahit hinihingal siya ay mabilis siyang nag-isip ng malalim.
Maya-maya pa ay narating ng magandang babaeng si Lu Lan ang isang malaking pintuan. Masasabing kakaibang materyales gawa ito. Napakatibay at napakaelegante.
Mabilis nitong nakita at pinuntahan ang isang pamilyar na maliit na pintuan na siyang kinaroroonan ng taong pupuntahan niya.
"Manager Chi..." Tila hapo-hapong sambit ng babaeng si Lu Lan habang nasa harap siya ng isang pamilyar na pigura ng isang lalaki.
Halos magkaedaran lamang sila ng lalaking si Manager Chi yun nga lang ay magkaiba ang kanilang posisyon na ang agwat ng langit at lupa.
"O naparito ka Lu Lan?! Oras ng trabaho niyo ngayon Hindi ba?!" Sambit ng nasabing lalaking manager.
Tila hindi naman mapakali ang magandang babaeng si Lu Lan sa kaniyang sariling kinatatayuan. Magdadalawang isip pa ito kung sasabihin niya ang mga bagay na sasabihin niya rito ngunit sa huli ay naisip nitong sabihin ang dapat malaman ng kaniyang inaasahang manager na si Manager Chi.
"Uhm, pasensya na po Manager Chi ngunit nagkaroon ng komosyon sa baba ng gusaling ito." Kinakabahang sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang napayuko ito ng bahagya.
Tila nagulat naman ang lalaking si Manager Chi sa kaniyang narinig. Tila ba hindi nito inaasahan ang ibabalitang ito ng magandang babaeng nasa harapan niya.
"Paano naman nangyari iyon?! Parang wala naman akong narinig mula rito hindi ba?!" Nagtatakang sambit ni Manager Chi habang nakstingin ito sa magandang babaeng si Lu Lan.
Napatingala naman ang magandang babaeng si Lu Lan matapos niyang marinig ang sinabi ni Manager Chi.
"Hay naku, kailan ba nangyaring mayroon kang alam sa nangyayari sa labas. Palagi ka nalang nagtatrabaho dito sa loob ng opisina mo." Sambit naman ng magandang babaeng si Lu Lan habang makikita sa tono ng pananalita nito ang katotohanan.
Napakamot na lamang sa kaniyang sariling batok si Manager Chi at mabilis na nagwika.
"Oo nga noh hehe... Pero ano ba ang nangyayari at tila nagkaroon ng komosyon. Sino ba ang may gawa?!" Sambit muli ni Manager Chi sa babaeng nasa harapan niya na si Lu Lan.
Napataas naman ng kamay si Lu Lan habang napayuko pa ito. Talagang inamin nito ang kaniyang sariling kasalanan.
"Bakit ka ba lumikha ng komosyon Lu Lan. Alam mo namang halos lahat dito ay kinasusuklaman at kinaiinggitan ka ng kapwa mo empleyado rito pagdsting sa pag-assist ng customers ng Feathers Guild. Hindi ka ba nag-iingat?!" Tanong ng lalaking si Manager Chi habang mataman nitong tinitingnan ang magandang babaeng si Lu Lan.
Alam kasi nitong labis itong pinag-iinitan at kinaiinggitan ng lahat ng mga empleyado rito lalo na sa kung paano nila nakita kung paano sila napalapit sa magandang babaeng si Lu Lan. Hindi naman kasi nila alam ang buong istorya o kung bakit malapit sila sa magandang babaeng si Lu Lan.
Nakakainis mang isiping sa simpleng bagay na ito ay mabilis ang mga itong na-misinterpret ang mga bagay-bagay
"Uhm, hindi po ako Manager Chi kundi ang customer kong may edad na lima hanggang pitong taong gulang na batang lalaki. " Sambit ng magandang babaeng si Lu Lan. Masasabing ang mga bagay-bagay na aito ay dapat niyang ipaalam kay Manager Chi
Tial nagulantang naman si Manager Chi sa kaniyang nalamang ito. Kahit siya ay hindi makapaniwala na may musmos na batang pumunta rito sa loob ng kanilang Feathers Guild.
"Oh, nakakagulat nga ang pangyayaring ito. Minsan rin ay may nakita akong anim na taong gulang na batang nag-acquire ng impormasyon sa data record ngunit imposible namang siya iyon. Natanong mo ba kung ano ang ipinunta ng batang lalaking tinutukoy mo?!" Sambit ng lalaking si Manager Chi habang mataman itong nakatingin sa magandang babaeng si Lu Lan. Imposible ring mangyari na ang batang lalaking iyon ang nag-acquire noon dito pero hindi pa siya sigurado sa impormasyong ito.
"Kahit ako ay nagulat din po Manager Chi sa paglitaw ng batang lalaki rito. Kahit magkanon man ay masaaabi kong hindi naman labag na pumunta rito ang isang bata hindi ba lalo na't isa itong customer?!" Sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang tila gusto niyang ikumpirma ang mga bagay-bagay na alam niya. Wala naman kasing natukoy sa rules ng Feathers Guild ang age requirement sa pagpunta sa loob ng Feathers Guild. Lahat ay welcome at walang diskriminasyon sa edad na nangyayari.
"Hahaha oo naman, tama ka sa iyong sinabi. Wala ka naman talagang nalabag sa rules ng Feathers Guild. Isa pa ay mukhang nahanapan ka ata ng pagkakamali o butas ng mga kapwa mo empleyado." Nakangising sambit ng lalaking si Manager Chi. Walang bakas na pananakot dito kundi ay tila sinusubukan nitong inisin ang magandang babaeng nasa harapan niya na si Lu Lan.
Napanguso naman ang magandang babaeng si Lu Lan habang nakatingin sa nakangisi pa ring si Manager Chi at mabilis na nagwika.
"Hmmm... Wala na akong pakialam. Gusto ko na ring humanap ng bagong trabaho. Plano ko ng umalis talaga." Seryosong sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang makikita na napangiti pa ito.
"Sabagay, ginawa mo naman ang trabaho mo sa mahabang panahon. Nakikisama ka naman ng maayos yun nga lang ay kahit hindi ka naman lalapitan namin ay pag-iinitan ka pa rin." Sambit ng lalaking si Manager Chi habang tila sumasang-ayon ito at sinusuportahan sng desisyon ng magandang babaeng si Lu Lan.
"Pero paano naman ang tatay mo? Alam mo naman na inaasahan ka nun kaya ka nga pinatrabaho dito hindi ba?!" Sambit muli ng lalaking si Manager Chi habang matamang nakatingin sa direksyon ng magandang babaeng si Lu Lan. Alam niya kasi na isa sa malaking rason ng pagtitiis ni Lu Lan sa Feathers Guild dito ay ang kaniyang ama.
"Hmmm... Inis pa rin ako sa kaniya. Kung hindi dahil kay inay at sa pangaral nito noon pa man ay hindi ako pupunta rito at magtrabaho kasama ang aking ama. Mabuti na rin yun at hindi na siya umasa oang susunod ako sa yapak niya." Tili pinipigilan lamang ng magandang babaeng si Lu Lan na maging emosyunal. Napayuko na lamang ito sa kinatatayuan niyo.