Katatapos lang kumain ng mag kapatid.Si Rain na ang nag prisintang mag ayos ng hapag kainan.Pinatulog niya na si Wanda upang makapagpahinga ito.Gising pa rin si Rain sa pag aalala sa sinabi ni Wanda.
*Flashback sa sinabi ni Wanda pagkatapos ng mensahe ng PAG ASA sa cellphone ni Rain
"Parang may masamang mangyayari bukas"
sinabi ni Wanda
*Kasalukuyan
"Kinakabahan na ako,anong masamang mangyayari,at kanino ito mangyayari" takot na sabi ni Rain
May lahing manghuhula ang pamilyang Knight,mula pa man sa panahon ng kanilang mga ninuno.Kada isang daang taon,pinapasa ng pamilya sa isang bunsong babae ang angking kakayahan.Nagkataon,nang isilang si Wanda,ay ang ika-96 na taon bago ipasa ang kakayahang manghula.Si Donya Consolacion Knight,lola ni Wanda at ni Rain,ang huling napasahan ng kakayahang manghula,ang nag pasa kay Wanda ng kapangyarihan.Apat na taon siya bago ipasa,sakto sa ika-100 taon.
"Bakit naman kasi sa kanya pa,tandang tanda ko pa ang ritwal na yon" sabi ni Rain
*Flashback
Madaling araw,habang natutulog ang 5 taong gulang na si Rain,nagising siya sa mga yapak
sa sahig ng kanilang bahay.
{BOG BOG BOG}
Kahoy ang kanilang sahig noon,dahil uso pa ang mga ganong sahig dati.Sa pagpapatuloy,sinukang silipin ni Rain ang nangyayari,sa pag alis niya ng kama,ay todo ang pag iingat sa kabang,paluin siya ng ama dahil gising pa sya.Pinilit niyang buksan ng kaunti ang pintuan.Silipi niya ang nangyayari,nakita niya ang kanyang Lola na kalong kalong ang kanyang kapatid.
"Wanda!!!" bulong niya sa sarili
Napalingon si Donya Consolacion sa pinto kung saan naroon si Rain.Mabilis na nagtago si Rain upang hindi makita.Halos tumulo ang pawis niya sa kaba.Dahil bata pa lang siya noon,nag tataka siya kung bakit may pinturang pula sa noo ni Wanda nang kanyang makita.Isa itong Tatsulok(triangle) na may mata sa nakapikit na mata sa gitna.
Sa sobrang curiosity ni Rain,sinundan niya ang kanyang Lola.Dahan dahan na bumaba si Rain ng hagdan.At nagulat sya sa nakita.Isang dosenang itim na kandila ang nakapalibot sa kanyang kapatid.Nakatali si Wanda,parang wala siyang malay.Biglang nagsindi ang kandila,isa isa itong nag sindi.Pero pag dating sa ikalabindalawang(12) na kandila,huminto ang pag sindi.Isang kandila ang natirang patay.Lumutang ito sa ere,palapit sa isang matandang babae na naka kapa(cape) na may hood.Hindi siya si Donya Consolacion,ibang matandang babae na may mahahabang kuko.Isa isa din lumabas ang mga matatandang babae,at ang huling lumabas ay si Donya Consolacion.Tinapatan nila ang bawat kandila.Lahat sila ay nakatingin kay Wanda.Si Rain na nasa hagdan na nakasilip,ay takot na takot.Nakatayo ang mga balahibo niya at halos hindi makagalaw.Sa pagpapatuloy ng ritwal,may mga salitang sinasabi ang matatandang babae.
"Et ego dabo vobis in quas maledicta congessi"
*Salitang Latin
Paulit ulit nila itong sinabi,at palakas ng palakas.Nasa gitna ng bukid ang bahay ng Lola ni Rain,nataong nag babakasyon sila roon,dahil nasa business trip ang kanilang magulang.Sa pagpapatuloy,sandaling tumigil ang kanilang pag bibigkas,Itinaas nila ang kaliwang kamay at itinuro kay Wanda.Nanlaki ang mata ni Rain ng makita niyang unti unting lumulutang ang bangkong kinauupuan ni Wanda.Ang nakapikit na mata sa loob ng tatsulok na naka pinta sa noo ni Wanda ay unti unti ring DUMIDILAT.Sa pag bukas ng mata na iyon,ay dumilat rin ang mga mata ni Wanda.Halos maihi si Rain dahil puti ang mata ni wanda,wala ang bilog nito kung ang puti lang na parte ng mata.
"SUPPLICIUM! SUPPLICIUM!"
*Sigaw ng babaeng may hawak ng ika-12 na kandila.
Bumaliktad ang katawan ni Wanda,nawasak ang upuan,ang kanyang ulo ay nasa baba at ang kanya paa ay nasa taas.Unti unti ring umikot ang kanyang katawan pabalik sa normal.Bigla ring umalis ang mga matatanda.Unti unti ring namatay ang mga kandila.Maliban sa kandila ni Donya Consolacion,nanatili siya roon,at hinintay ang pagbalik sa normal ng apo.
*Lumiwanag ang paligid
Biglang nagising si Rain.Nagulat siya dahil nasa higaan na siya.Hindi niya inakalang panaginip iyon.Dahil kinausap niya ang Lola ng masinsinan.
"Nakita ko,nakita ko lola,ano ang lahat ng iyon?" tanong ni Rain sa Lola habang nag luluto ito ng umagahan.
"Pavito,apo,tandaan mo sa sarili mo,ang salitang,may masamang mangyayari bukas,kapag binanggit ito ng iyong kapatid sa ika-17 niyang edad.Oras na upang tapusin ang sumpa sa ating pamilya." sagot sa kanya ng kanyang Lola
*Kasalukuyan
Tandang tanda ni Rain ang lagim na iyon,ngunit di niya parin alam ang masamang mangyayari.....