webnovel

Chapter Five

February 13, 2016

Maria Keila: Hoy panda! I missed you. Date tayo bukas?

Chris Dion: I missed you too. Sure!

after 15 minutes...

Chris Dion: Panda, I think may ipapakilala na akong girlfriend kila Mommy.

Maria Keila: Really? That's great! Kailan mo balak?

Chris Dion: Bukas sana..

Maria Keila: Oh, gano'n ba? Sige. Next time nalang tayo mag-date.

Chris Dion: Oo nga pala. Sige, mag-date na tayo bukas.

Maria Keila: Paano 'yung ipapakilala mo? Okay lang naman na sa ibang araw na lang tayo magkita.

Chris Dion: I know nagtatampo ka. Mag-date na tayo bukas.

Maria Keila: Paano siya?

Chris Dion: Alam mo naman na ikaw priority ko, 'di ba? Marami pa namang araw na puwede ko siyang ipakilala kila Mommy. You know I will never gonna say 'no' when it comes to you. Tsaka, mas mahal kita doon.

Lihim akong napangiti nang mag-backread ako sa conversation namin ni Dion. Nakakatuwa na mabasa ko 'yung mga pinag-uusapan namin dati. Kung gaano niya ako hindi pinababayaan. Na kahit may makilala siyang ibang babae, hindi niya ako sinasantabi.

He would always gonna choose to be with me.

Naalala ko pa noon, ang daming problemang dumating sa pamilya ko. Gusto kong magpunta kung saan saan no'n, basta malayo sa bahay. Gusto kong mapag-isa. Pero hindi siya pumayag, sinabi niyang hindi niya ako pababayaan at hindi niya hahayaan na mag-isa ako. Minsan nga kapag may lakad silang magkakaibigan, once na ayain ko siya kung saan saan, willing siyang humiwalay sa mga kaibigan niya makapunta lang sa'kin.

Masiyado niya akong iniispoil ng pag-aalaga at pagpo-protekta niya.

Pero nasaan na siya ngayon? Bakit ganito 'tong nangyayari sa amin?

"Earth to Maria Keila San Miguel." Napakurap ako nang tapikin ako ni Joan sa tabi ko.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala.."

I nodded my head. "Nandito na tayo."

Inayos ko na 'yung mga gamit ko at sinabayan si Joan sa paglalakad. Nagpapansinan kami, kinakausap niya ako. Pero hindi ko alam kung paano pasiglahin muli iyong pag-uusap namin.

Masiyado pa akong naguguluhan. Hindi ko na halos alam kung gugustuhin ko bang malaman 'yung katotohanan o mananatili akong tahimik.

"Share tayo ng kwarto ha?" Nakangiting sabi pa nito sa'kin nang marating namin ang second floor.

"Sure." Maikli kong sagot sa kaniya. Tumango nalang siya. Alam kong napapansin niyang wala ako sa mood kaya hindi na siya nagsalita.

Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Maganda naman ang room, combination ng cream and mocha 'yung mga kulay. May dalawang kama din na malaki.

Tinulungan ko na lang si Joan mag-ayos ng mga gamit namin. Tahimik lang kaming dalawa, tanging tunog lang ng aircon nadidinig namin. Somehow, I felt guilty. Tingin ko ako pa ang may kasalanan at I should be the one apologizing to them.

I breathe heavily. Maybe I'll be needing this vacation to think and to let myself rest for a while.

--

Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Joan sa kabilang kama. Maayos na din ang pinag-higaan nito. Nagsimula na akong bumangon at ligpitin iyong pinaghigaan ko. Nag-hilamos na din muna ako bago bumaba.

Instead of going straight to the breakfast haul. Dinala ko na din 'yung camera ko. Mas pinili kong dumeretso na lang sa may baywalk. I needed fresh air. I also needed time for myself.

Wearing my nude sundress, nagpicture picture muna ako. Then afterwards, nag-ikot ikot ako kung saan man ako mapadpad. Suddenly, I feel like I want to smile, again. So, I close my eyes and feel the breeze of the fresh air running through my skin.

Nakaka-relax. This is what I want. This is what I needed. Alone time with myself, being far from everything. Relaxing.

Pinag-tabi ko ang dalawang step-in ko at inupuan 'yon. Tutok lang ang atensyon kong nakatingin sa paghampas ng alon ng dagat nang may magsalita sa likod ko.

"Enjoying the view, Miss?"

I keep quiet. Isa pa, wala ako sa mood makipag-usap. I just don't feel like talking.

"Having alone time with yourself?" He once again asked me.

I nodded my head. This time, sa camera ko naman ako nakatingin at nagv-view ng mga pictures ko kanina. I looked pale. I'm a mess. Bakit nangyayari sa'kin 'to?

"You're beautiful..." Napangiti ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa nasa tabi ko. He's cute, in all fairness. Para siyang anime.

"Wala ka bang kaibigan?"

"What the fuck?"

He laughed. Napahawak pa siya sa tiyan niya na akala mo mamamatay na kakatawa. "See? Iyon lang pala makakapag-pa-salita sa'yo."

Napailing na lang ako.

"Tahimik ka na naman. Masaya ka ba?"

"Kanina, oo. Eh dumating ka."

"I'll act like I didn't got offended."

Nag-tuloy tuloy na iyong pag-uusap namin, at some point gumaan naman iyong loob ko. Nakampante naman akong magsabi sa kaniya ng mga problema. Pero hindi naman lahat, s'yempre. May ibang kinimkim ko nalang din. Maybe they were right, mas magandang mag-open ka sa stranger. At least, hindi ka makakatanggap ng panghuhusga.

Kung makatanggap ka man, hindi na big deal. They don't really know you in the first place. They don't know the whole story to begin with.

"In fairness, ang cute natin tingnan." He said, smiling. Hiniram niya kasi iyong camera ko at nagtingin din siya ng mga pictures namin.

Ang dami na naming napag-usapan. I also got his name, he's Enzo. Anak siya ng may-ari ng beach resort na 'to. Nag-sorry pa ako kanina, ang sungit ko sa kaniya pero siya pala 'tong dapat nirerespeto ko.

Pero normal lang din naman iyong naging takbo ng pag-uusap namin. Kung ano anong jokes ang sinabi niya, ang lungkot ko daw kasi.

I smiled. Akalain mo 'yun, nakahanap pa ako ng kaibigan dito.

"MK, have you eaten breakfast?"

I shook my head. Napatingin ako sa relo ko, 11:00 na pala. Hindi na ako nakapag-almusal.

"Hindi pa naman ako nagu-" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang tumunog iyong sikmura ko.

I awkwardly bit my lip. Narinig ko na naman 'yung halakhak ni Enzo na parang konting tawa nalang.

"Let's go. Kumain na tayo."

He insisted na sa floating restaurant na lang kami kumain. Libre naman daw niya since 'new friend' naman daw kami. Nagsabi naman akong share na lang kami sa bayad pero mapilit talaga siya. Feeling daw niya kasi kasalanan niya kung bakit hindi ako nakakain agad sa oras.

"Nakikita mo 'yung place na 'yon?" Turo niya sa area na madaming kahoy, and may mga mini spots na ang gaganda pag-tambay-an.

"Yeah."

"D'yan maganda mag-bonfire." Tumango na lang ako.

"'Di ba sa ibang bansa, ang good morning ay Bonjour? Eh good evening, alam mo?"

Napatingin ako sa kaniya. Nagpipigil siya ng tawa. He's like that, makakaisip siya ng corny jokes tapos sa huli siya lang din tatawa. Self-support, gano'n.

"Alam mo nga ba?"

"Hindi nga." Natatawa na din ako dahil sa itsura niya. Mapula na 'yung mukha niya kahit hindi pa siya tumatawa.

"Basic. Eh 'di, Bonfire."

"Ah, okay." I replied blankly. Seriously, rinding rindi na ako sa bunganga niya. Proud na proud pa siya sa sariling jokes niya, ang luluma naman.

Somehow, nakatulong din na nakilala at nakausap ko siya. Gumaan kahit papaano iyong pakiramdam ko.

Natigil kami sa pag-lakad nang harangin ako ni Joan at hawakan iyong braso ko. "Where the hell were you, Maria Keila!?"

"Naglakad-"

"You made us worried!"

Maya maya pa'y naramdaman ko ang braso ni Enzo sa balikat ko. "She's with me."

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Joan. Pero hindi nakaligtas ang pagpipigil niya ng ngiti, mahilig nga pala sa gwapo 'to.

"S-sino ka?"

Sasagot na sana si Enzo nang biglang may magsalita mula sa likod ni Joan. "Why are you with her?"

Napakurap ako upon seeing him. "D-dion?"