Nakahiga ako sa mahabang sofa sa tabi ng aking kama nang tumunog ang cellphone ko. Nakatanaw ako sa labas. Madilim ang langit at malakas ang buho ng ulan.
Huling text ni Elijah kagabi. Lalabas raw kami ngayon. Kaso, sa lakas ng ulan. May bagyo yata. Baka, di na matuloy.
"Hey!.." iyon ang text nya. Muli akong humiga at tinalukbong ang maliit na kumot saking binti pababa hanggang paa
"Hey!. Tuloy ba tayo ngayon?..." iyon ang nireply ko.
"Sad to say, hindi na muna.. ang lakas ng ulan.. madulas na sa daan. Baka mastock lang tayo sa traffic.."
"Kaya nga eh. Kanina ko pa iniisip yan."
"Talaga?. E ako ba?. Inisip mo?.."
Di ko mapigilang tumili at magtatatalon sa tanong nyang iyon. Simpleng tanong lang naman ang sinabi nya ngunit iba ang naging epekto sakin. Para bang tinatanong na nya sakin kung pwede na ba maging tayo o pwede ko na bang palotan ang apelyido mo?.
"Naku Jane!!. Nababaliw ka na naman.. Mamaya, iiyak ka dyan.. easy!!.." paalala ko saking sarili matapos magpakasaya sa text nya.
Huminga ako ng malalim bago umayos ng upo at nireplayan sya ng matino.
"Sort of.." kagat ko ang labi noong sinend ko iyon.
Hinawakan ko rin ang magkabila kong pisngi upang takpan ang mukha kahit di ko naman sya kaharap.
Ganyan ako kapag nahihiya o kinikilig. Ayokong ipakita sa iba o malaman ng iba na naaapektuhan ako sa ginagawa nila.
"Damn babe!. Puntahan nalang kita sa inyo.."
Sa ideyang naisip nya. Bigla akong nataranta.
"What?. Why?.." nalilito na ako kung anong irereply ko. Shit!. Andito pa naman si Carl. Baka ihot seat nya ito kung sakaling matuloy sya rito.
"Ayaw mo ba?. Hahaha.. gusto ko lang sanang magpaalam ng maayos sa parents mo if ever.."
Tumataas ang kilay ko habang tinitipa ang bawat letra ng mensahe ko.
"For what?.."
"I want to officially court you.."
Waaaa!!!!!
"Really Elijah?.." kinikilig kong send. Amp*
"Hmm.. really babe.. can I?.." hindi ko pa pinayagan na manligaw eh. Bat parang ang lakas ng pakiramdam nya na papayagan ko sya. Am I too transparent?.
"Ewan ko sa'yo.." kingina!!.
Di mo ba alam na ang 'ewan' na salita ng mga tao ay dalawa ang kahulugan. It's either, oo at hinde. Kaya bakit mo sinabing ewan ngayon Jane?. You're doomed!
"Wag nalang den.. maybe next time.." urong nya bigla. Napagtanto nya sigurong masyadong mabilis ang mga nangyayari.
"Bat ka umurong?. Takot ka ba??. hahaha.." di ko alam kung bakit iyon ang nireply ko sa kanya. Mukhang hindi nga ako nakakapag-isip ng tama kapag sya ang kausap o katext.
"I'm not.. the truth is..." anya. Sinadyang putulin ang kanyang mensahe.
"What?.." curiousity is killing me.
"Baka kasi masyado kang nabibilisan sakin.."
Oo.. sagot ko dito ngunit hindi ganun ang tinipa ko.
"Hahaha.." ang safest na sagot.
"Nakukulitan ka ba sakin?.." I don't know kung saan nya nakuha ang ideyang yun. Di naman sya makulit. Ang kyut pa kaya nya pag nangungulit. And I like how he texts me back in just a span o seconds.
Bihira ang lalaking ganun. Sa lahat ba naman na nakilala at nakadate kong lalaki. Sya lang ang mabilis magreply. Talagang interesado sakin. Feeler!!.
"Nope.. ang cute mo pa kaya pag nangungulit.. hahaha.." Wala akong ibang masabi kundi ang naisip kanina.
At wala pang ilang minuto. Hindi na text ang ginawa nya. Kundi tawag na tumagal ng tatlong oras.
Ganun karami ang kwento nya. Di maubos ubos.