webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · Realistis
Peringkat tidak cukup
45 Chs

Chapter 29

Rose.

Kinakabahan ako. Ito ang araw na mami-meet ko ang Tita ng heart donor ko.

Kasama ko si Yaya Shirley na lumipad papuntang Australia, doon kasi nakatira si Ms. Jamilla Cortez.

Akalain mo nga naman, I spent many years in Australia before, pero sinong mag-aakalang nandoon lang din pala ang pusong nakatakdang ilipat sa akin.

Kinakabahan ako na masaya na hindi maintindihan. Bago pa man kami mag board sa plane ay tinawagan ako ni Loey. Ng mahal ko. Chars.

"I'm nervous," sabi ko sa kanya.

"Don't be, it's okay. Be strong okay?" Pagpapanatag nito sa loob ko.

"Isipin mo na lang, after nito magiging maayos na ang lahat. Makakapamuhay na ka ba ng normal."

Huminto muna ito at muling nagsalita nang may malambing na malalim na boses.

"At malaya ko nang mapaparamdam sa'yo ang pagmamahal ko."

Kyahhh...

Ngumingiti ako ngayon kahit hindi naman niya nakikita pero parang kabisado na niya ang itsura ko ngayon.

"Don't smile there. Kaunting tiis na lang mahal."

Haynaku. Ikaw nga diyan ang panay pakilig eh!

Sakto namang tinawag na kami para sa flight namin.

"Sige na, bye na muna. Take off na kami eh."

"Bye. I love you," paalam nito at bawal ko pa raw sagutin iyon dahil baka raw bumuhos ang emosyon ko.

"Ingat ka," sabi ko nalang.

Nagsisimula na kasi ang tour nila ngayon at kasalukuyan silang nasa Japan. Isang buwan din silang magiging abala kaya hindi niya ako masasamahan. Nag promise naman siya na tatawag siya sa tuwing matatapos ang concert nila.

Bumiyahe na kami. Natulog lang ako dahil mahaba-haba pa ang gugugulin naming oras sa himpapawid.

Napakahimbing ng tulog ko at nagising na lang ako sa mahinang pagtapik ni Yaya na nagsabing nakalapag na ang eroplano sa Melbourne.

Nasa Sydney 'yong bahay namin kaya dumeretso na agad kami sa binigay na address ng bahay ni Ms. Cortez. Napag-usapan naman naming doon muna kami.

Pagkarating namin ay bumungad sa amin ang isang babae na nasa 50's na yata ang edad. Bagama't may edad na ito ay maganda parin. Wavy ang buhok nito na hindi mo maaninag ang uban dahil naka kulay ito ng ash gray.

Maganda rin ang hubog ng katawan nito.

"Hello, is this the house of Ms. Jamilla Cortez?" Tanong ko sa babae.

Ngumiti ito sa amin bago sumagot.

"Ako, ako si Jamilla Cortez."

Kinamayan ko ito at nagpakilala na rin kami ni Yaya.

"Ako po si Rose Marie Parque, at ito po si Yaya Shirley. It's nice to meet you po."

"Pasok kayo."

Giniya niya kami papasok at inasikaso kami. Naging mainit ang pagtanggap niya sa amin, pinakain kami at iginiya sa silid na tutulugana namin.

Nang masiguro na nitong nasa ayos na kami ay saka pa lang kami muling nag-usap.

Narito kami ngayon sa gazeebo ng bahay nila. Kaming dalawa lang ni Ms. Cortez ang nag-uusap ngayon.

"Hija, may gusto sana akong sabihin sa iyo," panimula nito.

Tumango lang ako at hinintay ang kung anumang sasabihin niya.

"Gusto ko sanang ipakilala sa'yo ang donor mo."

Medyo kunot-noo akong nagtataka sa gustong ipahiwatig ni Ms. Cortez.

She smiled before she spoke again.

"Palabas na siya ng kwarto."

What?

Does she mean na buhay pa ang heart donor ko?

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

Sino naman taong buhay pa ang maiisipang mag donate ng puso niya?

Lumingon si Ms. Jamilla sa gawi ng loob ng bahay nila at sinundan ko rin ito nang tanaw.

Mula sa glass door ay bumungad ang isang babaeng may pagkahawig kay Ms. Jamilla.

Nakasuot ng puting dress na may kaluwagan. Matangkad, maputla ang kulay ng pagka-puti ng balat at maging ang mga labi nito ay tila tinakasan na rin ng dugo sa sobrang putla. Medyo chinita ang mga mata at may mahabang maalon na itim na buhok. Pero napakaganda parin nito sa kabila ng payat niyang pangangatawan.

Actually, para siyang anghel hindi 'yong white lady na iniisip mo.

"Hello, it's nice to meet you Rose," nakangiting bati nito nang maklapit sa amin.

"Siya ang pamangkin ko. Si Ana Cortez."

Nagugulumihanan man ako ay binati ko parin ang babae.

"Hello, I'm Rose." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at nag shake hands kami.

Hindi ko ito inasahan, at kung ano man ang dahilan niya sa pagbibigay ng puso niya ay parang masakit isipin.