webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · Realistis
Peringkat tidak cukup
45 Chs

Chapter 13

Loey

"Oh, bakit nandito ka na naman?" Bungad sa akin ni Irene pagkapasok ko sa clinic niya, she is now a resident Psychologist here in St. Luke's Hospital at mag iisang taon ko na siyang doktor.

Sumulyap ito sa akin saglit saka muling itinuon ang mga mata sa desktop niya habang may tinatype.

Umupo naman ako sa client's chair sa harap ng table niya. "I can't sleep, I need a prescription."

Sumulyap itong muli sa akin at napakunot ng noo. Tumayo ito saglit at may kinuha sa isang shelf.

Malaki na yung tiyan niya, buntis kasi siya sa first baby nila ni Kuys Jayem.

"Kailan ka manganganak?" Tanong ko habang pinaglalaruan yung mga stuffed toys na nakadisplay sa table niya.

Pang aliw ba 'to sa mga baliw na pasyente niya?

"Kabuwanan ko na ngayon, pwede na akong manganak anytime," sagot nito saka bumalik muli sa upuan niya at tiningnan ang ilang files na kinuha niya mula sa shelf.

"Sira ka ba? Bakit nagtatrabaho ka parin kahit manganganak ka na? Hindi pa naman namumulubi si Kuys Jayem ah," Sabi ko.

Tumawa naman siya. "Sa ospital kaya ako nagtatrabaho."

Sabagay, may point siya. Mas mabuti nga palang nandito siya sa ospital para madali lang sa kanya.

"Ano kamo? Hindi ka makatulog?" Tanong nitong muli sa'kin.

I nodded.

"Bakit? Iniisip mo parin si Zoey?"

I kept silent and closed my eyes for a second and gasp.

Naghalukipkip naman si Irene. At taas kilay na tumingin sa akin.

"You keep coming back here, pero hindi mo sinusunod ang mga payo ko Loey."

"Masusungit nga talaga ang mga buntis no?" Pagbibiro ko pa pero inirapan niya lang ako.

"Acceptance Loey, Acceptance," aniya.

"How can you move forward if you keep on clinging to the past? You have to move forward Loey, and accept things the way it is."

Tahimik lang akong nakikinig, she had been telling me this all the time but I really can't do it. Mahirap, paano ba kasi?

"If Zoey is watching you right now, do you think masaya siya sa ginagawa mo?" Tanong niya muli sa akin.

And it hit me so hard.

"If you truly loved her, the least thing you can do is to become what she wanted you to be. Do the things that you were supposed to fulfill together, she will be happy to know that you continued doing it."

Bumuntong hininga si Irene bago nagsalita muli at tiningnan ako nang masinsinan.

"In other words, find your hapiness again."

Binuksan niya yung drawer niya sa table at may kinuhang kung ano.

"For now, ito muna ang reseta ko sa'yo para sumaya ka kahit saglit," aniya sabay abot ng.

"Dark chocolate?" Sabi ko na nanlalaki ang mga mata.

She smiled.

"Find you hapiness again Loey," Pagbibigay diin nito.

And should I start here?

"Anong meron dito?" Tanong ni Rose habang nakatitig sa three storey building na nasa harap namin ngayon.

"Follow me," sabi ko saka gumiya papunta sa loob.

It was an empty place. Literally empty and a total scratch.

"I bought this building a year ago," pagsisimula ko sa pagkukwento.

"Plano kong gawing studio ito, when Zoey was still alive, she was not into music pero willing siyang makipag partner sa'kin para maipatayo ang studio with my own label. Iyon kasi ang pangarap ko." Iniyuko ko ang ulo ko at napangiti ako nang bahagya.

Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.

"When I bought this place, napakarami kong plano para rito."

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang kabuuan ng lugar at di ko maiwasan ang lungkot na unti-unting lumilingkis sa puso ko.

"But when Zoey died, I don't know how to start again."

I looked at her, "She died in a car accident in Australia last year."

Nalulungkot ako, pero hindi ko na magawang umiyak. Marahil naubos na ang mga luha ko sa loob ng isang taong pagluluksa ko. Pagluluksa na kahit ilang oras at panahon mong gawin ay hindi na maibabalik ang lahat ng nangyari.

"I don't know what to say, but... I'm sorry for your loss," nasabi na lamang niya. Lumungkot din ang itsura ng mukha niya kaya napabungisgis ako.

"Bakit?" Kunot noo niyang tanong.

Umiling-iling ako. "I'm sorry if that made you sad. I was supposed to spread a happy virus, not that one."

"Happy virus?"

"Yeah. Haha! I was known for that name. Happy virus."

Umiling-iling siya at tumawa. "Meron bang ganoon?"

"Meron, ako!" Sabi ko pa saka pinukpok ng kamao ko ang dibdib ko.

Nagkatawanan kami saglit at nagkatitigan.

"Can I ask you a favor?" I said.

"What?"

"Can you write a lyrics for my melody?"