webnovel

THE OFFER

PANIMULA

Mula sa nakabukas na bintana, matatanaw ang isang dalaga na nakaupo habang abala sa pagpipinta ng tanawin sa labas. Mapapansin ang pagalaw ng kanyang kaliwang kamay na tila nilalaru-laro lang ang paguhit sa papel mula sa direksyong pakaliwa patungong kanan. Napakaganda talagang pagmasdan ang mahahaba at mapayat niyang mga daliri at malaulap sa lambot na kamay habang sinasabayan ang pagsayaw ng mga kurtina dulot ng malakas na ihip ng hangin.

Nagniningning ang malaporselana niyang balat dahil sa sikat ng araw na malapit na ring takpan ng mga nagtatakbuhang ulap sa alapaap. Habang dinadama ng dalaga ang katahimikan sa paligid, sakto namang sumulpot sa kanyang likuran ang maingay na babaeng nagluwal sa kanya.

"Catch!!!! Ano ba? Babagyo na't pagpipinta pa rin ang inaatupag mo dyan. Asaan na ba kasi ang mga yaya dito?" iritang tanong ni Madame Cheska na kararating lang galing sa studio.

Sagana sa mga alahas at mamahaling palamuti ang kanyang ina. Ipinanganak kasi itong may ginto't pilak sa paligid niya dahil na rin sa trabaho na meroon ang kanyang mga magulang. At sa murang edad pa lamang ay pag-aartista na rin ang kanyang kinagisnan dahilan ng minsan lang na pag-uwi nito sa kanilang mansion.

Sobrang ganda rin naman kasi ng mommy niya na kahit may mga anak na siya't may edad na, marami pa rin ang gustong kumuha sa kanya sa larangan ng pag-arte.

Hindi rin naman maikakailang nagmana si Catch sa kanyang ina kaya gustung-gusto siyang kunin ng manager nito bilang bagong talent na ihahandle nila.

"Ano ba iyan mom, ratatat ka naman agad...eh kauuwi mo lang dito." saad nang dalaga habang nililigpit ang mga nilipad na papel sa paligid.

"Sino ba ang hindi magbubunganga sa'yo eh napupuno na nang dahon itong terrace. Ang lakas na ng hangin sa labas oh! May papikit-pikit ka pang nalalaman dyan" taas kilay nitong sagot sa dalaga.

"Hi mom! nabalitaan kong nakauwi ka na so maaga akong nag-out sa company ni dad." masaya namang bungad sa kanila ng nakakatandang kapatid ng dalaga.

Siya si Vin, ang kuya ni Cathy Chaimie aka Catch. Maputi siya, matangkad, maganda ang tindig, at may mala-anghel na mukha kaya bukod sa kilala ang kanyang kuya sa mga kababaihan, namamayagpag rin ito sa kanilang kumpanya dahil kahit sa murang edad pa lamang ay ipinagkatiwala na ng kanyang ama ang pagpapatakbo dito kaya naatasan siyang maging Presidente nito.

"So how's your taping mom?" nakangiting tanong ng binata sa kanyang ina.

"Well, it's gonna be hectic next week since we will be changing our location for some episodes ng project" sabi nito habang hinihimas ang kanyang sentido.

"Are you okay mom?" alala namang tanong ng dalaga ng mapansing tila stress na stress ang kanyang mommy.

Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita.

"No I'm not, kailan mo ba kasi balak mag-audition? Alam mo bang kinukulit na ako ng aking manager patungkol sa project? And kapag hindi mo pa rin tinanggap ang offer nila, ibibigay na ito sa anak ni Julia na malapad ang noo."

Maraming beses na kasing tinanggihan ng dalaga ang alok ng manager ng kanyang ina. Ayaw niya talaga kasing subukan ang pagpasok sa showbiz kasi nga tanging pagpipinta lang ang kinagigiliwan niya ngayon.

"Mom, alam mo namang maarte lang ako pero hindi ako marunong umarte." sabi niya matapos tumabi sa ina.

"Hay naku Catch, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay? Ayaw mong magmanage ng business ng daddy mo, ayaw mo ring mag-artista. Ano, magiging palamunin ka na lang dito sa bahay?"

Napalunok naman ng di oras si Catch dahil sa narinig.

"Mom, hayaan mo na muna si Catch na ienjoy ang kanyang kabataan....saka mo na siya pagdesisyunin kapag handa na siya" kalma namang tugon ng kanyang kuya nang mapansing hindi na umiimik ang kanyang kapatid.

"Ilang taon na ba kasi ang babaitang iyan? di ba 25? kailan niya ba balak magtrabaho? Hay! kung ayaw mong tanggapin ang offer ng manager ko Catch, maghahanap na lang ako ng mayamang mapapangasawa mo nang sa ganoon, may maging ambag ka naman sa kumpanya ng daddy mo" sabi nito bago tuluyang umalis sa kinauupuan niya.

"M_mom...wait " sinubukan nitong kausapin pa ang tigre niyang ina ngunit dali na 'tong umalis.

Sinamahan muna ni Vin ang mommy nila kaya naiwan ang dalaga sa kanyang kwarto.

Napaupo na lang ito sa sofa at kinuha ang kanyang cellphone. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang boyfriend ngunit hindi ito sumasagot.

Hanggang sa bumalik na ang kanyang kuya at kinausap siya.

"Why wouldn't you accept the offer again?" tanong nito habang binubuksan ang chicharon na dala na niya.

"Hay naku Kuya, kahit ano pang sabihin mo, hindi talaga ako papasok sa showbiz." saad niya habang nakatingin pa rin sa kanyang cellphone.

"Ganto na lang...How about, you'll work for our company?"

"Ayoko rin."

"But why?"

"Eh ang dami kasing bodyguards na laging nakabuntot sa inyo lalo na sa tuwing lalabas kayo ng bahay, hindi ko alam kong lider ba ng sindikato si daddy at andaming gustong tumarget sa kanya"

Nang sabihin iyon ng dalaga, napangisi naman ang binata.

"Sira, hindi sindikato si daddy"

"Eh ano, Mafia boss?"

"Kung anu-ano na lang iyang nai-imagine mo, sadya lang talagang marami ang gustong magtangka sa buhay natin. Lalo na't isa si dad sa pinakamayamang tao sa bansa natin" explain ng kanyang kapatid habang nginunguya ang malulutong na chicharon.

"I know but nagtataka lang kasi ako, hindi naman ata ganyan ang ibang kagaya ni dad di ba?"

"Kilala mo ba si Neil Uno?"

"Neil what? hindi..."

"Iyong no. 1 na pinakamayaman sa ating bansa.."

"Huh, how come I didn't know his name?"

"Well, its just that, siya kasi ang isa sa Founders ng Black Market. He has snipers everywhere but hindi lang natin alam kung saan sila nagkukubli"

"Ugh. even your story kuya doesn't make sense. Natural may magtatangka sa buhay ni Mr. Uno, eh sindikato iyon eh" bulalas ng dalaga.

"Its just the same concept my little sister." then he winked.

"That's why, you can never convince me to work for you" nagwink din ang dalaga bago bumalik ulit sa kanyang upuan para magpinta.

"What if I'll hire the "Most handsome bodyguards in our town?"

Hi, I'm Miss KC21. It's good to be back! Been busy lately but I'm happy to be writing a story again. Huwag po sana kayong magsawang suportahan ako. I'll update the next chapters kaya stay tuned. :)

MissKc_21creators' thoughts