webnovel

INTRUDER

KAPITULO 2

(30 minutes earlier)

"I already hacked their system. Just give me the go signal." sabi nang babaeng nakaeyeglasses habang suot ang bunny hood na jacket at nasa loob ng isang madilim na silid.

Kilala siya bilang si Red na partner in crime ni Eagle.

Si Eagle ang misteryosong lalaki na pumasok sa kwarto ni Alexa.

"Okay good." sabi nito habang inaayos ang radio earpiece niya.

Huminga muna siya ng malalim bago inakyat ang bakuran ng Mansion ng mga Del Valle.

"May tatlong bodyguards sa labas... 6, 9 at 12 o'clock"

"Copy." Tumalon siya sa may grass area para walang ingay. Nagtago siya saglit sa gilid ng malaking fountain na nasa gitna.

Sinilip niya ang harapan ng mansion to find an entrance na hindi siya mahuhuli.

"Bukas ang mga bintana, do it now Red" bulong ng binata.

"Okay on 3, 1...2..3.."

Agad namatay ang mga ilaw sa loob na siya namang ikinabahala ng mga bodyguards sa labas kaya agad silang nagplano.

"Icheck mo sa likod, ikaw...dito ka lang at magmasid ka, sa loob naman ako ng mansion" instruct ng isa sa mga bodyguards doon sa mga kasama niya.

Doon na sila naghiwa-hiwalay kaya nagkaroon ng pagkakataon si Eagle na patulugin ang naiwan na bodyguard sa labas.

"Dumaan ka sa balcony banda. Sa kabilang side nun, andoon ang kwarto ni Miss Alexa"

Dahil dito agad na sinunod ng binata ang sinabi ni Miss Red kaya dumaan muna siya sa balcony bago pumasok sa kwarto ni Alexa gamit ang bintana.

Sinuot ng binata ang kanyang night vision sunglasses. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob. Doon niya nakita ang tila naalimpungatang babae na kakabangon lang sa kanyang higaan.

"Ba't wala akong makita?" klaro sa boses ng dalaga ang pagkabahala.

Tumayo ito at kinapa-kapa ang dingding trying to turn on the switch ng ilaw thinking na baka napatay niya ito bago matulog.

Doon na nagkaroon ng pagkakataon ang binata na dumiretso sa walk-in closet nito. Andoon kasi sa bulsa ng jacket ni Alexa ang usb flashdrive na nailagay niya habang kinakapkapan siya ng mga gwardiya sa isang bar noong nakaraang araw. Nagkataon rin kasing andoon at napadaan ang dalaga sa mga sandaling iyon, papalabas na siya kaya naisipan niyang ilagay muna ito saglit sa kanyang bulsa. Naglalaman kasi iyon ng sensitibong mga videos na maaring ikasira ng imahe ng isa sa mga sikat na personalidad sa bansa kaya kailangan niya iyong makuha sa lalong madaling panahon.

Hinalukay niya ang mga kasuotan na nasa closet ng dalaga. Ngunit, nahirapan siya dahil sa dami ng mga jackets ng dalaga na nakahanger sa loob.

"Eagle...may papuntang bodyguard sa kwarto ni Miss Alexa. Umalis ka na dyan."

Mas nagmadali ang binata sa pagkakapa sa mga jackets ng dalaga sa loob.

"I repeat Eagle, mission abort."

Dahil dito, nag-isip ng ibang paraan ang binata. At sumagi sa isip niya ang Reverse Mission kaya dali niyang sinugatan ang kanyang kamay at ginamit ito upang masulatan ang salamin ng dalaga.

He has his new backup plan kaya matapos niyang gawin iyon, agad na siyang umalis sa kwarto ni Alexa.

Dumaan siya sa gilid ng balcony na nasa harapan lang rin ng kwarto ni Catch. Sinubukan niyang hindi mahuli ngunit nadulas siya habang pinipilit na abutin ng kanyang paa ang railings nito.

Agad naman siyang nabahala ng marinig ang footsteps ng dalaga na papalapit na sa kinaroroonan niya.

Sumilip si Catch dito, buti na lang at nakapagtago siya agad sa itaas habang hawak niya ang pinto ng balcony para makatukod.

"Aaaaahhh!!!" sigaw ni Alexa sa kabilang kwarto.

Nagpanic naman si Catch kaya agad niyang sinara ang pinto ng balcony na naging dahilan naman ng pagkakaipit ng mga daliri ni Eagle.

"Sh_" bulong nito sa sarili habang namimilipit sa sakit.

"Eagle, bumaba ka na. Nakabukas na ang ilaw." ani ni Red.

Gustong magsalita ng masasamang words ang binata ngunit wala talaga siyang magawa dahil nakaipit pa rin ang mga daliri niya sa pinto.

"Eagle.."

Doon lang nabunutan ng tinik ang binata ng nagsisigaw na rin si Catch sa baba.

"Bwiset na babaeng iyan." nasabi ni Eagle bago tuluyang umalis at dumaan sa likod ng mansion.

Laking gulat kasi ni Catch nang tapikin siya ng bodyguard nila sa balikat.

"Ayos lang po ba kayo Ma'am?" alalang tanong ni Jonas sa kanya.

Doon lang medyo nawala ang kaba ng dalaga. Agad niyang kinuha ang kanyang phone ngunit nag-end na ang video call nila ng kanyang boyfriend.

"Kainis naman kasi eh" nakakunot na sambit nito habang inililibot ang paningin sa paligid.

"May nagpatay po kasi ata ng main switch kaya nawala yung ilaw. Pero huwag po kayong mag-alala, wala naman pong ibang nasaktan"

"Ano nga palang nangyari kay Alexa?" dahil dito, agad ns pumunta ang dalaga sa kwarto ng pinsan.

Doon naman nagulat ang lahat ng mabasa nila ang nakasulat sa glass window nito.

"A game,...Dead ...or A_live?" mahinang basa ni Catch sa nakasulat sa harapan nila gamit ang sariwang dugo.

"Who did it? I want to know now!!" galit na sabi ni Don Sigmund sa mga bodyguards nito.

Nanatiling tahimik ang mga ito at nanatiling nakayuko.

"I said, I want to know it!! Ano bang mga silbi niyo kung hinayaan niyo lang na makapasok ang intruder na iyon dito sa mansion?!!!" iritang sigaw ng matanda sa mga ito.

"Dad, calm down okay? I'll gonna check first the CCTV to know kung saan dumaan ang intruder"

"No Vin! I want them all to be fired. Ito na ang huling araw nila dito sa mansion."

Nagulat naman ang lahat sa sinabi ng matanda.

"But dad..."

"I said what I said. I can't trust their service anymore. Maghanap ka ng mga bagong papalit sa kanila" sabi nito bago siya lumabas ng kwarto ng dalaga.