webnovel

Eye Candy

KAPITULO 1

Sa Emergency Room

"Apo..." mahinang sabi ng matanda sa kanyang apo habang nakahiga sa hospital bed.

Ngayon kasi ang schedule ng operasyon niya sa puso.

"B_bakit po lolo?" sagot naman ng apo nito na nasa gilid ng matanda.

Siya si Felip na dating miyembro ng "D' Musketeers". Isa ito sa kilalang grupo ng mga bodyguards na nagsisilbing powerhouse ng mga celebrities for security purposes. Natanggal naman ang binata dito sa kadahilanang lahat ng mga nagiging client ng DM ay naging jowa niya na isa namang paglabag sa contract agreement ng grupo.

Hindi rin naman kasi maikakailang sa tindig pa lamang niya'y mahuhumaling ka na. Mula sa malawak niyang balikat at mga pandesal sa braso at tiyan, 6 feet na katangkaran, kayumangging balat, may mayabong na buhok na bumabagay sa hugis ng kanyang mukha, mga matang tila perpektong hinulmang pabilog, ilong na matangos at mga ngiting dumadagdag sa gwapo niyang mukha. Hindi na talaga magtataka ang isang katulad niya na itakwil ng mga kagrupo niya lalo na't pangatlong beses na itong nangyari sa kanya, kaya ngayon...baon siya sa utang lalo na't ooperahan ang kanyang lolo ngayon. Siya na lang rin ang natitirang kamag-anak niya dahil inabandona siya ng kanyang mga magulang dahil sa kahirapan ng buhay.

"Apo..." umubo-ubo ang matanda habang hawak siya.

"Lolo...kaya niyo po iyan"

"K_kung sakaling hindi ko man kayanin ang operasyon...tandaan mo_"

"Lo, huwag po kayong ganyan" halos naiiyak nang sabi ng binata dahil sa tila pamamaalam at habilin ng matanda sa kanya.

"Makinig ka, tandaan mo...huwag na huwag mong ibebenta ang lupa sa tabi ng bahay natin" bulong nito sa kanya.

Natigilan saglit ang binata. Huminto rin saglit ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa narinig.

"Pero lolo..."

"Alam ko apo."

"Na hindi po sa atin ang lupang iyon?"

Tiningnan ng matanda ang mga mata ng binata.

"Kaya nga, huwag na huwag mo iyong ibebenta kasi hindi iyon sa atin" umubo-ubo ulit ito.

"Lolo naman eh!"

Dahil dito napangiti ang matanda nang makita niya ang reaksyon nito.

"Sige na, ipagdasal mo na lang ako. Pakisabi na rin kay Carding na kapag natigok ako, ibigay na lang sa iyo 'yung napanalunan ko sa Mahjong"

"Lolo?"

"Sige na, kitakits"

Dahil oras na para sa operasyon, pinalabas na siya't sinarado na ang pinto.

Napaupo siya sa long plastic chair habang naghihintay sa labas. Kinuha niya rin ang kanyang cellphone dahil biglang may nagmessage sa kanya.

From: unknown number

Lumabas ka. Nasa tapat ako ng hospital ngayon.

Iisang tao agad ang naisip niya kaya dali naman niyang hinanap ito sa labas.

Lumingon-lingon siya sa paligid upang makita ang nagtext sa kanya.

From: unknown number

Sa likod mo.

Nang mabasa ito ng binata, lumingon siya sa kanyang likuran. May nakatayong babae ang kumaway sa kanya, nakasuot ito ng itim na hood.

Agad niya itong nilapitan.

At walang anu-ano'y inabot ng babae ang pera sa kanya habang palingon-lingon sa paligid.

"Salamat" sambit naman ng binata bago tuluyang umalis yung babae.

--- Sa mansion ng mga Del Valle ---

Gabi na.

Abala naman sa cellphone ang dalaga. Kausap niya ngayon ang kanyang nobyo na paminsan-minsan na lang nagreresponse sa mga sinasabi niya.

Si Ethan. Siya naman ang first boyfriend ng dalaga, one year na silang mag-on ngunit dahil sa pagiging babaero nito, marami ang may ayaw sa kanya para kay Catch..lalong-lalo na ang kuya ng dalaga na si Vin.

"Eto..tanong ko sa iyo babe, ano sa Tagalog ang pangalan ni Sadako? kapag nasagot mo ito, treat kita bukas" nakangising tanong ng dalaga sa kanyang bf kahit malapit nang maghating gabi.

"Hmmm.....ano nga ba?" tila inaantok na tanong ng kanyang nobyo. Kagagaling lang rin kasi nito sa basketball kaya medyo pagod itong makipag-usap sa dalaga.

"Eh di Simang!!! Simangot, hahaha!" sobra ang hagikhik ng dalaga sa sarili niyang sagot.

"Luh...parang timang toh." saad naman ng kanyang nobyo.

"Grabe ka naman, ang KJ mo talaga kahit kailan." biglang iritang sabi ng dalaga.

"Oh .. Ayan ka na naman, highblood ka na naman eh, sige eto, sagutin mo toh huh? at kapag hindi mo ito nasagot, iti-treat mo talaga ako sa Arcade World bukas"

"Okay go, anong tanong ba iyan?"

"Anong tawag sa maliit na tsunami?"

Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Nag-isip rin kasi ang dalaga sa isasagot niya.

"Tidal wave ba?" hula ng dalaga.

"Nope." sagot naman ng binata.

"Eh ano?"

"Tsunano...maliit eh!"

"Hahaha!" halos makain ng dalaga ang cellphone niya dahil sa kanyang tawa.

"Paano ba iyan babe? heh!"

"Ang galing mo talaga sa mga kalokohan... Sige na nga, treat na kita bukas" nakangisi pa ring sabi ng dalaga. Hindi pa rin kasi siya makaget over sa hirit ng bf niya kaya hindi rin niya namalayan na nakabukas pa pala ang pinto sa balcony nila.

"Sabi mo iyan ha?" paninigurado naman ng binata.

Not until...

May napansin ang dalaga na parang may biglang dumaan dito.

Napalingon siya saglit.

"Babe?" tanong ng binata ng matahimik bigla ang dalaga.

"Wala haha... inaantok na siguro ako babe."

Inisip na lang niyang baka namamalik-mata lang siya.

"Matulog ka na kaya para hindi ka magka-eye bags"

"Eh gusto ko pang makipag-usap sa iyo eh....Ay tsunano!!" bulalas naman ng dalaga matapos magdilim ang kwarto niya.

"What happened??" tanong ni Ethan nang mapansin sa video call na madilim na sa paligid ng dalaga.

"Wait, hindi ako nainform na magkakaroon pala ng brown out dito" tumayo ang dalaga mula sa kanyang higaan at pumunta sa balcony. Maliwanag naman ang buwan kaya sumilip siya sa paligid.

Hanggang sa nakarinig siya ng sigaw ng kanyang pinsan.

Agad naman siyang nataranta kaya tumakbo siya pabalik sa loob at sinara ang pinto ng balcony. She tried to lock it pero parang may biglang bumara dito kaya nahirapan siyang i-secure ito.

"Babe??... Anong nangyayari?"

Hindi na sumagot pa ang dalaga dahil pinipilit niya pa ring ilock yung pinto. Nararamdaman niya kasing papalapit na yung taong nakaitim na nakita niya kanina. Sakto ring nakarinig siya ng kaluskos mula sa labas kaya mas lalong nataranta ang dalaga.

Ngunit....

"Aaahhh!!" biglang sigaw nito nang may humawak sa kanya.

Like it ? Add to library!

MissKc_21creators' thoughts